Kabanata 44

836 33 22
                                    

Mariin kong kinagat ang labi ko habang pinapanood si Cleo mula sa mezzanine ng banquet hall. Mula sa ibaba panay ang paglapit sa kaniya ng mga lalaki. Nanatili naman siyang prenteng nakatayo sa tabi ng matangkad at itim na cocktail table. Iniinom niya ang baso ng whiskey sa kamay nang paunti-unti.

Pang-apat na ang lalaking kumakausap sa kaniya ngayon.

Masyado silang malayo kaya wala akong marinig. Malakas din ang tunog ng orchestra at ng halo-halong usapan mula man sa ibaba o sa kinaroroonan kong floor.

Naalala ko ang itinanong niya sa akin.

Kung bagay siyang mapunta sa lalaki.

Cleo is gorgeous.

She looks so out of reach.

Pero tingin ko naman, babagay pa rin siya sa lalaki. Although she overpowers them because she's an alpha female.

Maybe a soft type of guy will suit her. That sort will compliment her aura.

Halos magkaharap lang kami ni Cleo, magkaiba lamang ang palapag na kinaroroonan. Hindi ko siya masisisi kung mapapansin niya agad na may nakatanaw sa kaniya.

Nagtama ang mga mata namin.

Seryoso pa rin ang ekspresiyon niya gaya nang nasa bahay pa kami at hanggang makaalis. Nang dumating kami, humiwalay agad siya sa akin na tila nakakita ng kakilala.

Ngingiti na sana ako pero ibinaling niya na ang paningin sa kausap na lalaki. Nagulat ako nang tumingala ito sa akin.

Cleo must have said something about me, or I was just obvious for looking at them.

"Sabay kayong dumating, mukhang totoo ang balita." Tumabi sa akin si Evelyn matapos kausapin ang isa sa mga bisita niya. "Sena told me that you're now in Cleo's house."

I don't know what was going on between the two of them. Ang alam ko lang, abogado na si Evelyn at nagtuturo sa law school na pinapasukan ni Sena around Manila.

Tinanaw ko ang mga kaibigan kong imbitado rin at nasa kabilang parte ng banquet hall.

"Hindi ko yata nakikita ang kapatid mo," tukoy ko kay Mike. "Hindi ba siya pupunta?"

"He's still in Japan," sagot niya.

Hindi ako kumibo.

But actually, I feel at ease.

"Nasabi rin ng kaibigan mo na buntis ka kay Edwin. Hinihintay mo siya?"

Tumango ako. "Sayang kung ngayon pa siya magugulo."

"You always think that way." Tiningnan ni Evelyn si Cleo. "Kahit kay Cleo ganiyan ka."

"Bakit mo siya inimbita?" inilihis ko ang paksa.

"Para may magbabantay sa 'yo," it sounds almost like she's teasing me.

If Evelyn got this information from Sena, I can guarantee that Tim is their main source.

"So, are you gonna play house with her until Edwin comes back? I knew him, imposibleng tanggihan ka niya at ang anak niya. Patay na patay sa 'yo ang lalaking 'yon."

"Our child was our priority," sagot ko.

"That was your decision," ani Evelyn. "Nakakaawa lang si Cleo. She loves you so much that she's willing to take responsibility for you, so I adore her at the same time. Tinupad niya ang pangako niya. Too bad you believed with rumors rather than wait. But I can't blame you, you're young and you're aware of what you are since you left your mansion."

I just want her to be happy. I want her to love someone without worry. Kaya kung totoo man ang balitang nalaman ko noon, sana itinuloy niya na lang. Sana hindi niya na ako binalikan. Dahil kahit tinatanggap na kami ng pamilya ko, hindi pa rin hahayaan ng lolo niya na sa akin lang magpakasal ang paborito nitong apo.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon