Nang buong taon na magkasama kami ni Cleo, hindi lang ang pagiging hadlang ng mga tao sa relasiyon namin ang nagbigay ng pagsubok sa amin. There were so many factors that tried to break us apart.
Hindi ko masabi na alam ko ang nangyari nang gabing 'yon, at habang tumatagal mas dumadami ang mga nililihim ko sa kaniya.
Pakiramdam ko kasi mas magiging maayos kami kung hindi ko sasabihin kay Cleo. Gusto ko lang makatulong at marami akong gustong ibigay sa kaniya na hindi galing kay Daddy ang gamit na pera.
Cleo laid me on our bed. She gently caressed the side of my thighs while she was on top of me.
Hindi niya pinutol ang matiim na tinginan namin. Punung-puno ng emosyon ang mga mata niya sanhi ng pagmamahal para sa akin.
Nabasag lang ang tinginang 'yon nang angkinin niya na ang labi ko. Marahan at matamis ang halik na 'yon, habang patuloy na humihigpit ang paghawak niya sa beywang ko.
Sa sobrang lapit namin sa isa't isa, pakiramdam ko tuloy naghahalo na ang tibok ng mga puso namin. Sa diin ng pagkakadagan niya sa akin, nararamdaman ko rin ang takot niyang mawala ako.
Bumitaw ako sa labi niya. Samantalang, naroon agad ang pagtataka at pagkainip sa mukha niya.
I laughed because of her cuteness.
"Bakit?" tanong niya. "Wala namang pasok mamaya."
Monday ngayon at walang pasok dahil kinansela kanina dahil sa malakas na ulan.
Tipid lang akong ngumiti saka unti-unting dinala ang mga daliri ko sa mukha niya habang nananatili siya sa itaas ko.
"Can I top you?" tanong ko.
Umawang ang labi niya na tila ba natatakot sa ideyang gusto kong gawin.
"I was just..." I gasped. "Curious."
Pilya siyang ngumisi sa akin. "Hindi, Love. Hindi ako sanay sa gano'n."
Ngumuso ako.
Natatawa niya na lang akong hinalikan sa labi.
"It's a give and take, right? Making love gives and receives."
Umapaw ang pagtawa niya. "Sorry, Love." Humingi agad siya ng paumanhin. "Ang cute mo kasi. But you know, it depends on the person. Hindi lahat gustong tumatanggap in making love."
"Ayaw mo?" ulit ko.
"Hindi ko gustong hinahawakan during it. I was already satisfied through pleasuring you without needing to be touched."
"Okay..." Umiwas ako ng tingin nang uminit ang mga pisngi ko.
Matagal niya naman akong tinitigan mula sa itaas, pero mayamaya lang bumuntonghininga siya.
"Fine, you try."
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. "I don't want to make you uncomfortable, Love. I understand, I promise!" Tinaas ko ang kanang kamay para patunayan ang sinabi.
"Pinapayagan na kita." Kumindat siya nang may halong pang-aasar.
Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi saka natawa.
Aalis na sana siya sa itaas ko nang maunahan kong pagpalitin ang mga puwesto namin.
Nagulat pa siya noong una, pero natawa rin dahil sa liksi ko. Hindi ko 'yon pinansin hanggang sa maging seryoso na si Cleo.
Inayos ko ang aking buhok para hindi makaabala habang nasa labi niya ang paningin, ngunit nararamdaman ko pa rin ang panonood niya sa akin na nasa ibabaw niya.
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
General FictionAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changed when Cleo Lim transferred to her school, a scholar from the girls' soccer team, who showed her a different side of life. August 21...
