Mahirap gumalaw sa gitna ng pangyayaring hindi inasahan. Nahirapang rumihestro sa isipan ko na talagang si Cleo ang kaharap ko. And she said she is now a pilot. That was her dream... the dream that I supported before we broke up.
Talaga bang masaya siya na makita akong muli?
I could feel it. She has no grudge for what happened before and for what I did. Even her smile is genuine.
Habang heto ako.
I am still feeling guilty.
"Bagay sa 'yo ang uniform," puri niya.
Kinagat ko ang pang ibabang labi para pigilan ang paglabas ng mga emosyon na hindi niya dapat makita. Imbis ay pilit akong ngumiti pabalik sa kaniya.
Samantalang, sa gilid ko ay nagpapalit-palit ng pagtingin si Brian sa aming dalawa ni Cleo. Hindi man nito sabihin, alam kong napagtanto niya nang magkakilala kami.
"Salamat..." tugon ko.
Halos hindi ko na maramdaman ang katawan kong namamanhid na. Iba pa rin ang epekto niya sa akin.
Tipid siyang tumango bago muling tiningnan ang mamahaling relo.
"May gagawin ka mamaya?"
Umawang ang labi ko. Hindi kasi ako makapaniwalang ako ang tinatanong niya.
Sino pa nga ba? Pero bakit?
She said that casually like we were colleagues and not exes, but it wasn't offending. I am just expecting her to be still mad at me.
"Meron na." Umabante si Brian at awtomatikong naudlot ang sanang pagsagot ko ng 'wala'.
Sino bang hindi magagalit sa ginawa ni Brian? Pinangunahan niya ako.
Ngunit ganoon din kabilis na nawala ang inis ko nang maisip na tama lang na hindi ako sumama sa kay Cleo, kung inaaya niya nga ako. I mean, matagal nang hindi kami nagkikita o nagkakasalamuha. Malaki ang tsansang hindi ko na siya kilala at baka hindi ako maging komportable sa kaniya.
Hindi ko alam... baka talaga lang na sa tagal na ng panahon ay nahihiya pa rin ako sa nangyari at wala akong mukhang maiharap.
Tumango siya. "Sayang... akala ko makikilala ko na ang fiance mo."
Siguro nga ay palangiti na siya ngayon at hindi na gaya ng dati na piling tao lang ang makakakita ng bawat ekspresiyon niya.
And yes, my heartbeat worsened after hearing what she said.
"I'll see you again, Ma'am Givan."
Humakbang ako nang tumalikod na si Cleo habang hawak ang kamay ni Chloe na nagsimula na siyang daldalin. Mula sa bintana ay nakikita ko ang dalawa na naglalakad. Kinalikot ni Chloe ang dalang bag at hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-abot nito ng sobre kay Cleo.
That was the letter that I told my students to write for a special person.
At ngayon, wala akong maisip kung saan maaaring manggaling si Chloe dahil lahat ng kamag-anak ni Cleo ay kilala ko na. We used to talk about them back then.
Samantalang, mula sa likuran ko ay naramdaman ko ang paghakbang papalapit sa akin ni Brian.
"Parang hindi mo siya in-expect?" sabi niya.
Lumulutang pa rin ang isip ko nang lingunin siya.
"Ang sabi ko, mukhang hindi mo inaasahang makikita mo siya."
Hindi naman talaga.
Sa loob ng ilang taon at araw-araw, pareparehas lang ang nangyayari sa buhay ko na kinasanayan ko na. So I will never really see this coming. My ex... ex-wife without marriage just came. Wala akong nagawa at kung hindi niya yata ako unang kinausap ay hindi rin ako magsasalita. Sabagay, ano nga bang dapat kong iakto sa sitwasiyon kanina?
BINABASA MO ANG
Chance Again (Again Series #3)
RomanceAurora Givan is a competitive ballerina, an elite, which makes her quite full of herself. However, everything changes when Cleo transfers to her school, a scholar from the girls' soccer team who shows her a different side of life. August 21, 2021...