Kabanata 15

882 32 2
                                    

Despite the relationship that we had from the start, time changed how I looked at her and how I felt whenever she was around. She became more than a girl that I hated-but my comfort.

"Nasaan si Cleo?" Matapos um-order ay bumalik sina Kesha sa lamesa. Nilibot niya ang paningin niya sa loob ng canteen. "Nasa banyo, Awii?"

Umiling ako, I found myself running after Cleo.

"Awii!" They called.

Sa tagal bago ako magpasyang sundan siya, hindi ko na siya nakita. At sa pagkaaligaga, sa tapat pa ako ng office napadaan. Now I am seeing my Mom and Dad with the school officials. Hindi ko sila nakita kanina nang mag-perform ako dahil madilim sa parte ng bleachers kapag nasa stage, so I am not sure if they liked my performance or not.

"Aurora," si Dad ang unang tumawag sa akin.

Napahinto ako sa pagtatangkang tumakas o magtago.

"Hindi ka umuwi sa bahay kagabi."

Tumango ako. "Y-yes, Dad."

"It's fine, but I thought you'd go home this morning." Hinagod ako ni Daddy ng tingin, mula sa suot kong pantalon papunta sa suot kong sombrero. Sa paraan ng pagtingin niya, para bang nagtataka siya kung bakit ganito ang suot ko.

"You're good kanina, Anak!" si Mommy.

Ngumiti ako. "Thanks, Mom."

The awkward silence embraced us for a minute before my Dad chose to break it.

"Okay, we'll go ahead. May meeting pa kami ng Mommy mo."

Nakaramdam ako nang ginhawa nang dahil doon. Atat lang akong tumango kay Daddy at tumakbo na palayo para hanapin si Cleo.

I have been looking for her for five minutes and I still can't find her.

"Right!" Kinuha ko ang cellphone sa bulsa para tawagan siya.

Nakailang dials ako, pero talagang hindi siya sumasagot.

"Uy, Awii."

Napatalon ako nang sumulpot sa gilid ko si Tim.

"Hinahanap ka na nina Kesha. Nasaan na si Cleo?"

"I don't know..." Humina ang boses ko sa kawalan ng pag-asa.

Samantalang, lumamlam ang pagtitig sa akin ni Tim. Wala akong nagawa kundi mapaupo sa bench na katapat namin. Sinundan ako ni Tim at naupo rin, mukhang nararamdaman na ang panlulumo ko.

It's just that... I am worried.

"Nag-away ba kayo?"

Umiling ako.

Sandaling natahimik si Tim. "Mukhang... alam ko na."

The day ended. Hindi na namin nakita si Cleo. Ang sabi ni Tim, baka raw umuwi na dahil walang klase o kaya ay nag-early shift.

Her foot already hurts, tapos magtatrabaho pa siya? Ganoon ba talaga? Ganoon siya kakulang sa money?

Isinabay ako nina Mommy at Daddy sa pag-uwi dahil maaga ring pinauwi ang students nang matapos ang program. Kaya kahit na gusto ko sanang sundan si Cleo sa work niya, just to check on her, hindi ko nagawa.

Sabado na bukas pero hindi niya pa pahinga-kung hindi siya papasok sa bahay para sa mga halamang kailangan niyang alagaan. And if she will, then I won't see her for the weekends.

Sabagay, ayos lang basta makapagpahinga siya.

"Malapit na ang ballet competition mo, Aurora," si Daddy. He gazed at me through the mirror for a second and focused on driving again.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon