Kabanata 35

871 32 5
                                    

To meet someone unexpectedly is a complete mystery. We have no idea what their role might be while they stay in our lives. I thought of her as a friend and companion, someone who will keep my secrets from my Cleo.

"So, you're working for school?" tanong ni Evelyn.

Huminto ako sa paglilinis ng wall mirror sa bandang kanan. Kasalukuyan akong nasa dance room ni Evelyn na nililinisan ko tuwing shift. Kadalasan ay talagang nagtatagpo kami rito.

Umiling ako. "Si Cleo ang gumagastos sa school at house expenses namin."

"E, bakit nagtatrabaho ka pa?"

Ngumuso ako. "Siya na kasi palagi ang gumagastos sa primary needs namin kaya nakakalimutan niya na ang self niya. I like to give her a gift that she will need before Christmas."

Matagal bago siya tumango at tila may iniisip. Ilang sandali lang ay nagpatuloy na siya sa practice. Samantalang, tinapos ko ang trabaho para makauwi na.

Hindi ko alam kung gaano katagal bago malaman ni Cleo ang ginagawa ko pero sana, hindi niya masamain. I just wanted to help.

Nilapag ko ang aking bag sa sofa nang makarating sa bahay. Iba agad ang naramdaman ko nang makitang narito na si Cleo at nakabihis nang pormal.

Huminto siya sa pag-aayos ng butones ng kaniyang polo nang mapansin na ako. Umabante naman ako at inayos iyon para sa kaniya. Hinayaan niya ako at malalim na pinagmasdan habang ginagawa iyon.

"May pinuntahan lang ako." Pinangunahan ko na siya, tutal sigurado akong doon na papunta ang mga tingin niya.

Hindi siya sumagot.

"Saan ang punta mo?" tanong ko.

Bahagya siyang lumayo sa akin para magsapatos. Naiwan akong nakatayo sa tapat niya habang nakaupo siya sa sofa.

"Dinner," sagot niya.

Marahan kong kinagat ang sariling labi saka tumango. "With whom?"

"With my grandpa."

Sandaling nalaglag ang aking panga ngunit agad ko ring inayos ang aking mukha para hindi niya mahalatang may pagdisgusto ako tungkol sa bagay na iyon.

"Aalis na ako." Tumayo siya at binigyan ako nang padamping halik sa labi. "Nagluto ako. Kumain ka na. Gusto mo ba akong hintayin? Ibibili kita ng ibang pagkain."

Umiling ako. "I'll eat what you cooked. Maaga akong matutulog."

Bahagya siyang natigilan pero tumango rin. Siguro ay nanibago siyang ipinahiwatig kong hindi ako maghihintay.

"I love you..." Hinalikan ko siya pabalik habang naroon ang bigat sa dibdib.

"I love you the most." Ngumuso ako at natawa siya. "Come on, Aurora. Alam ko 'yan. Huwag ka nang magtampo. Next time, tayo naman ang magdi-dinner."

Umalis si Cleo at hinatid ko siya sa gate ng apartment. Napansin ko ring hindi niya ginamit ang motor niya. Siguro ay nasa talyer pa rin iyon kaya sinundo lang siya ng kotse na siguradong service galing sa lolo niya.

Ngunit naalis man nang panandalian ang pag-aalala ko, mas sumidhi iyon dahil paulit-ulit na nagiging abala si Cleo sa kadahilanang parati siyang hinahanap at ipinatatawag ni Chairman Lim.

I know what it means. Cleo's grandfather is including her with his business.

Naiintindihan ko iyon at talaga lang na miss ko siya dahil kahit nasa iisang bahay na kami, halos hindi kami nagkakausap. Sa umaga ay pumapasok kami sa eskuwela at tuwing hapon ay patago akong nagtatrabaho. Samantalang, kung wala siya sa lolo niya ay nasa part-time job niya, at tuwing gabi ay madalas na nakatutulog na ako sa pagod at hindi ko na siya nahihintay.

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon