Kabanata 22

855 26 3
                                    

Despite what everyone around me says, I continue loving and seeing Cleo. It's just so unfair. Minsan lang akong maging masaya nang totoo pero parang bawal pa.

And I admit, kahit na masaya kami ay umiiyak pa rin ako gabi-gabi. Because why do the people around us make it complicated for us to be together?

"Umuwi ka nang maaga mamaya," My Dad remarked.

Himalang nagsabay-sabay kaming mag-breakfast since that happened. I could feel their fear, na lumayo ang loob ko. But I already did. Ewan ko ba kung para saan pa ito.

Hindi ako nagsalita. I pretended that I was busy eating my meal.

Sa gilid ko ay nakikita ko ang puno ng simpatya na pagtingin sa akin ni Arielle.

Weird. Sa lahat ng tao sa bahay na ito, siya pa ang mas makaiintindi sa akin, at si Yaya Eloy.

"We'll be having dinner at your Grandma's place."

Doon ako tuluyang natigilan. Matagal na simula nang huli kong makita si Grandma noong debut ko pa. And I don't like the idea.

Tinapos ko ang pagkain ko. Umasta akong aalis na para pumasok sa school nang magsalita si Daddy.

"Be careful," sabi niya. Tumalikod ako, maglalakad na sana, pero nahinto ulit nang dugtungan niya iyon. "I know you are still seeing Cleo."

I balled my fist. Kahit na gustong-gusto kong magalit sa pangingialam niya, mas pinili kong tuluyan nang umalis sa bahay.

I can't even focus on my studies these days. But thankfully, Cleo's helping me, gaya ngayon.

We're on the sheds. Parehas kaming vacant kaya nag-decide kaming mag-aral na lang at mag-advance reading.

Tipid na ngumiti sa akin si Tim nang magtama ang paningin namin. Siya kasi ang kaharap ko, at si Cleo sa tabi ko. Parehas kasing galing ang paningin namin sa mga kaibigan kong kadaraan lang sa pathway.

Lumayo ako sa kanila pero hindi iyon dahil kay Cleo. Desisyon ko iyon para sa aking sarili, because I know, naiipit na sina Jonary at Kesha sa amin ni Sena.

I sighed.

Kahit papaano, nakakausap pa ako nina Kesha at Jonary, hindi na nga lang nakakasama.

Sandali akong nagulat nang ipatong ni Cleo ang kamay niya sa ulo ko, at hinimas iyon na tila pinakakalma ako.

Nakanguso akong nagbaba ng paningin.

"Ililibre kita mamaya," she said randomly.

Mas lalong humaba ang nguso ko. "Talaga?"

Tipid siyang ngumiti, ngunit may nakahalong ibang emosyon sa mga mata. "Yes, so stop pouting."

Natatawang napailing sa amin si Tim at nagtuloy sa binabasa.

Alam kong nararamdaman ni Cleo ang lungkot ko pero hindi siya kailanman nangialam sa mga desisyon ko. Alam ko namang parati siyang nandiyan para gabayan ako. She even seems like a parent to me. Minsan nga, pakiramdam ko ay hindi kami magka-edad dahil sa pakakaiba ng pag-iisip na mayroon kami, pero kahit ganoon ay hindi niya pinaramdam sa akin na mababa akong mag-isip.

"What are you taking up for college, Awii?" si Tim ang natanong.

Naiilang akong napangiti nang maramdamang lumingon si Cleo sa akin, naghihintay rin ng sagot ko.

"I don't know..." Napnguso ako.

Nakakahiya, baka isipin niyang wala akong plano sa buhay.

It's just that, "M-maybe I'll take up a business course."

Chance Again (Again Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon