[8] Ang Istorya Na Nagkatotoo

13.1K 131 3
                                    

JENNY'S POV

"Hindi mo ako pwedeng utusan Anyway!" I said.

"Pero Miss Jenny, kailangan mo siyang bigyan ng pera."

"Diskarte ko to! Hayaan mo munang mag usap kami. Alam ko ang gagawin ko."

"Do I know your plans."

"Kunin mo na ang 2 million sakin. Wag mo nang ipabura ang story ni Angela. Kung tutuusin, malaki ang 2 million kaya pwede nang kalimutan ang lahat dahil sa perang yan. Pero ang panghihinayang ko sa istorya ay baka pagsisihan ko habang buhay."

"Pwede ka namang gumawa ng story na medyo kahawig ng Prostitute ah. At mas lalong pwedeng ireprint yan dahil nasa iyo ang kopya."

"Oo pwede pero hindi ko matatanggap na nanggaya lang ako at kailangang patas tayo sa copyright. Kunin mo na ang dalawang milyon dito. Oras na ipabura mo ang story ay maraming masasayang."

"Kasalanan mo ang lahat Miss Jenny!"

"Inaamin ko naman na hindi ako nakapag isip eh. Kung alam ko lang na ang katulad mo, hindi ko na tinuloy. Katuwaan lang naman ang lahat. Dahil alam kong magagandahan ang taong makakakuha nun. Bawiin mo na ang dalawang milyon dito. Dahil kung hindi, I'm going to bring it there into your house."

Binaba ko ang phone. Disidido na akong ibalik ang pera. May pera naman ako at hindi ko kailangan ang pera na yun.

"Shet! Jenny, bakit pumayag si Magda na puntahan si Fermin? Chapter 7 palang ako eh." sabi ng kasama ko. Binabasa niya yung Prostitute.

"Magbasa ka nalang." sabi ko at hindi na niya ako pinansin.

Kinabukasan ay tinawagan ko si Angela, alam kong hindi ako pupuntahan ni Anyway kaya hindi muna ako umalis. Hindi naman ganun kasama si Anyway para pilitin pa si Angela sa gusto nito. Pasalamat nalang ako at kahit papaano nag iisip si Angela. Hindi na ako nagtataka dahil nakagawa nga siya ng magandang story.

"Hello Angela, may trabaho ka ba?" tanong ko dahil umaga palang.

"Wala po akong trabaho, may oras po ba kayo? Pwede po bang ngayon na tayo magkita?"

"Sige pwede! Saan tayo magkikita?"

Nag usap lang kami and she came up here in the mall. It's a very first time na nagkita kami. Maganda pala siya? Totoo kaya ang hula ni Anyway na prostitute ito?

"Hi Angela."

"Hello po."

"Kumaen muna tayo."

ANGELA'S POV

Wala na akong balak pumasok sa club dahil napapaligiran ako ngayon ng pera. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko tinanggap ang 150k dahil pakiramdam ko malaki ang mawawala sakin pag tinanggap ko yun. Kung bibigyan naman ako ng pera ni Miss Jenny, pwede ko nang wag burahin ang story.

Wala na akong paki sa additional 150k.

Andito kami ngayon sa isang restaurant ni Miss Jenny. Hindi ko kasama ang kaboardmate ko dahil may pasok siya. Pinaalala lang niya na ituloy ko ang pagsusulat.

"Angela." sabi niya habang nakatingin siya sakin.

"Ano po yun?"

"Balak ko sanang ibalik kay Anyway ang dalawang milyon niya. Balak kitang bigyan sana ng pera pero nanghihinayang ako."

Nagulat ako.

"Plano ko pong wag nang burahin ang story ko. Binibigyan niya ako ng pera, hindi ko tinanggap."

"Wala tayong magagawa. May karapatan siyang ipatigil ang pagkalat ng story na yun. Galing sa subasta yun at hindi ko akalain na uungkatin pa niya ang pinanggalingan ng story, anyway, wala sa kaniya ang story na yun. Umaandar lang ang pagiging spoiled brat niya. Sa totoo lang. Kung ikukumpara ang story mo sa ibang story na nabasa ko. Malaki ang pagkakaiba ng mga ito. Hindi pangkaraniwan ang story mo pero mas marami pang magagandang story sa mundo. Kulang lang sayo ang kaalaman mo. Hindi mahilig si Anyway mag basa kaya parang inusente siya sa mga kakaibang story. Kung alam ko lang na poproblemahin niya ang lahat. Hindi ko na sana tinanggap sa una palang ang 2 million. Balak ko lang naman na ipasubasta ang story mo at kasalanan ko yun. Pero hindi ko akalain na may kukuha noon sa halagang 2 million."

"Pero hindi po ba kayo nagtaka?"

"Nagtaka syempre. Pero nakausap ko ang ama ni Anyway na nakakuha ng libro. Sabi niya, katuwaan lang ang lahat. Para sa anak niya ang libro. Mayaman sila pero masyadong sineryoso ni Anyway ang lahat. Pwedeng hayaan nalang natin siya pero hindi na maibabalik ang story mo na puno ng magagandang salita. Pero yayaman ka kaso madaling maubos ang pera. Kaya mas gusto kong kumita ka ng matagal. Kahit konti lang, atleast, hindi ito mauubos. Gagamitin natin ang story mo para bumili pa sila sa mga bago mong gagawin."

Nagusap pa kami ng matagal at nalaman ko na pwede kong maging trabaho ang pagsusulat. Isasama ako ni Miss Jenny sa team niya pero hindi kami members ng wattpad. Kailangan lang na makikala ako at ipapakilala ako bilang wattpad writer para mabilis maibenta ang story ko dahil sikat ang wattpad. Pwede namang makikala ako pero sa mga book readers lang. Malaki ang tulong ng wattpad kaya pwede niyang iplug ang account ko sa wattpad pag tumagal ang kahit isang taon kong bilang writer sa kumpanya niya.

Maraming sikat na writers sa wattpad kaya hindi ko kayang sumabay. Marami din namang sikat na writers sa labas ng mundo ng wattpad. At kalimitan sa fans nila ay ang mga adik sa libro. Magkaiba man ang mundo ng wattpad sa labas nito. Marami din ang writers sa wattpad ang naipupublish ang libro as a book. Kaya hindi rin naman ito nagkakalayo. Pag nagkataon. Magiging normal na akong babae. Hindi alam ni Miss Jenny ang misteryo sa likod ng buhay ko. Ang alam lang niya ay isa akong tipikal na babae. Ang hindi niya alam ay kaya ako nagsulat ng story ay dahil sa buhay kong wala nang patutunguhan. Araw araw akong nagdadasal kahit puno ako ng kasalanan. Hindi ko akalain na maaawa sakin ang Diyos. Akala ko kay Magdalena lang naawa ang Diyos dahil ako ang may gusto.

Ang istorya ni Magdalena ay nagkatotoo na ngayon sa katauhan ko. Alam ng Diyos ang lahat lahat nang nangyayari.

Nagtext sakin si Marvin.

Marvin
Kamusta na Angela?

Problema ko lang ay si Marvin. Kahit maging matinong babae na ako ay baka nakahalata na siya sa tunay kong trabaho. Hindi narin niya ako matatanggap dahil bukod sa gwapo siya, alam kong makakakuha pa siya ng kagaya ko. Pero masaya akong kasama siya.

Siya kaya si Adonis? Pero iba ang istorya sa totoong buhay. Kaya lang naman nagawang tanggapin ni Adonis ang sira nang si Magdalena ay dahil gusto ko. Ako ang may hawak sa story. Pero sa totoong buhay. Walang Adonis na magtatanggol kay Magdalena. Sa totoong buhay. Ang tatanggap kay Magdalena ay hindi katulad ni Marvin o ni Adonis na gwapo.

Nalulungkot ako pero umaasa akong nakikita ako ng Diyos. Tumingin ako sa taas. Iniisip kong nakatingin sakin ang Diyos at naaawa. Aayusin na niya ang buhay ko. Isa na akong normal na babae simula ngayon. Ipagtatapat ko na kay Miss Jenny ang lahat. Kailangan narin na malaman ni Marvin ito gaya ni Adonis. Sa una palang ay alam na niya ang trabaho ni Magdalena pero mahal niya si Magdalena. Ako ang may gusto at sa totoong buhay ay walang ganun.

***

Author's note

Pag naging movie tong story na to, Edi wow! Hahaha! Miski ako po, nagugustuhan ko na ang story ni Angela. Kung ako man si Marvin na nakikala ko si Angela, tatanggapin ko siya basta ipagtapat lang niya ng walang halong kasinungalingan ang bagay na nagawa niya at kung bakit niya nagawa ang magbenta ng katawan.

Katawan!

Katawan!

Katawan kayo diyan!

Nilalako ko na po ang katawan ko, sino ang gustong bumili? Hahaha! Basahin niyo po yung bago kong story, Diary ng Pokpok ^^

Pansin niyo ba na mahilig ako sa story na pokpok? Dahil hindi ko sila hinuhusgahan. May kakilala kong galit na galit sa GRO dahil ang arte ng babae. Ang tingin kasi ng mga lalake sa GRO ay walang kwenta. Kaya kung babasahin niyo ang first part ng story na 'to. Pinagtanggol ni Marvin si Angela sa bastos nitong katropa. May dahilan po ang mga babae kaya nila nagagawa ang lahat ng yan. Tama po ba?

Sasabihin na naman ng mga makakabasa nito. "Parang hindi ikaw yan ah." hahaha! Ganun talaga eh.

PS: See you next week.

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon