[25] Walang Totoo

4.8K 40 3
                                    

ANYWAY'S POV

Kumakain kami ngayon ni daddy kasama ang ilang kasambahay. Syempre kasama si Saul. Ayokong isipin ni daddy na matapos niya akong pagbigyan, susuwayin ko siya sa ibang bagay. Ayokong ipakita na malapit kami ngayon ni Saul sa isa't isa. I don't want him to think that Saul and I are having sa serious relationship being friend.

I don't talk to Saul naturally. I just talk him as a simple garden boy who has supposes to need a command, to follow me all the time. Pero mas ayokong ipakita kay daddy na ibang tao si Saul sa'kin dahil obvious na siya ang daan para sumaya ako. Napansin kong habang kumakain ako ay panay ang palipat lipat ni daddy ng tingin sa amin ni Saul.

Oh geez. Ano kaya ang nasa-isip niya? Iniisip kaya niyang may relasyon kami? Dahil ayokong isipin niya 'yun, lalo kong nilayo ang sarili ko kay Saul. Baka lalo kaming maglayo pag nalaman niyang gusto ko si Saul. Was it as simple lie or a great one? Natatakot lang ako kaya ko gagawin 'yun kaya oras na umalis si daddy, Saul is the person who I need to talk to. To teach him what Are we presuppose to do.

Kailangan maging magkaibigan lang kami sa paningin ni daddy. Hindi ko kasi alam ang iba pang gagawin ni Saul kung sakaling magkaroon siya ng chance na kausapin ako ng kami lang.

Umalis na si daddy. Pero gusto kong si Saul mismo ang kumausap sa'kin para isingit ang bagay na kailangan kong sabihin. Pero matapos niyang tulungan ang kasambahay na magligpit ay lumabas na siya para diligan ang halaman o magpahinga sa garden. Hindi ko na siya tinignan pa.

Busy ngayon sila Menchie at Bebang sa trabaho kaya once a week na lang silang dumalaw. Next month ko pa planong pumasok kaya marami ang oras sa story ko. Inisip ko ang story. I didn't want my lead character give a love life but it's different to my feelings now. Pwede siyang mahalin ng isang babae pero hindi niya karakter ang maging mapagmahal sa iisang tao lang. Mahal niya ang lahat ng tao.

Bago ko planong magsulat ay lumabas ako. Ako na mismo ang kakausap kay Saul. Tumingin ako sa kaniya. "Pwede ba tayong mag-usap?" I ask habang hinahanda niya ang hosepipe na pang dilig.

"Sige, ano ba ang paguusapan?" simpleng tugon niya.

Umupo kaming magkaharap sa terrace.

"Pasensya ka na kung medyo hindi ako komportableng kausap ka minsan. Andiyan kasi si daddy. Baka isipin niyang lampas pa sa isang simpleng trabahador ang tingin ko sa'yo," tumingin ako sa paligid. Ayokong may makarinig sa'min.

"Dapat lang naman 'yun sa lahat ng oras." Nginitian niya ako.

"Pero naiinis ako sa sarili ko, Saul."

"Okay lang. Kesa naman magalit ang daddy mo."

"Hindi parin ako sure kung magagalit siya. Wala tayong katiyakan. Oo kilala ko siya kaya sometimes very predictable siya. Pero may ugali siyang biglang magbabago gaya ng pagpapatigil ng kasal na hindi natin inaasahan. Pwedeng maisip niyang higit pa ang relasyon natin sa pagkakaibigan kaya natatakot ako."

"Anyway, hindi mo kailangang matakot. Kailangang malaman niya ang dapat niyang malaman."

"Ano ba ang dapat niyang malaman?"

"Ang totoo." Na gusto natin ang isa't isa? "Pero walang totoo kaya wala siyang malalaman. Kung magkakaroon tayo ng seryosong relasyon tulad ng isang magkasintahan, kailangan niyang malaman 'yun pero hindi.. hindi tayo magkasintahan kaya walang totoo. Ang totoo na 'yan ang kinatatakot mo na hindi pa o hindi na mangyayari."

Bigla akong nalungkot. Gaano ba siya kasigurado na mahal ko siya? O gaano ba niya kasigurado na hindi ko siya mahal. If Saul relies on me, he can spare a girl like me. But he could not trust by himself. Kailangan ko na bang magtapat para lalong mapagplanuhan ang lahat. 'Yung alam niya ang dapat itago. Hindi siya makaramdam ng guilt kay daddy dahil wala namang totoo na dapat itago. Ako lang ang nakakaramdam nun dahil alam kong mahal ako ni Saul and anytime, I won't refuse if his actions could beyond. Paano kung hilahin niya ako at halikan sa kwarto niya kung mapadaan ako? Hindi ko kayang itulak ang kagaya niya.

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon