[Prostitute] Ang Paglagay Sa Alanganin

10.2K 109 6
                                    

"Romano, alam mo ba na aalis na si Magda?" sabi ni nanay.

"Wala na akong pakialam kahit saan pa siya magpunta!" sagot ko sabay iwas sa kaniya. Ayoko ko na talagang maalala pa si Magdalena kaya mabuti na lang ay aalis siya. Pero saan kaya siya pupunta?

"Hindi ka ba magpapaalam man lang?"

"Nay, ano ba?! Hiwalay na kami."

"Pero lahat ng bagay may dahilan. Wag ka nang magalit kay Magdalena, nasiwalat na lahat ng kalokohang ginagawa ni Fermin kaya alam mong hindi ginusto ni Magda iyon."

"Hindi ko siya matanggap! Hindi mo kasi naiintindihan na ginalang ko siya pero iba ang nakinabang sa kaniya."

Umalis ako. Gustong gusto ni nanay si Magdalena dahil siya ang may pinaka magandang mukha sa lugar namin. Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, nakapatay ako ng tao. Nakukunsensya na nga ako sa nagawa ko. Pero masisisi ba nila ako? Masisisi ba ako ng Diyos sa ginawa ko? Malamang oo dahil kahit tao lang ako, hindi ko dapat ginawa yun. Aminado naman ako dun pero ang balikan si Magda gaya ng hiling ni nanay ay hindi ko kaya.

Alam kong hirap siya sa buhay ngayon kaya binalak niyang magtrabaho sa Maynila.

"Romano may humahanap sayo." sabi ni nanay ilang oras ang lumipas.

Lumabas ako ng kwarto para tignan pero si Magdalena ang nakita ko. Galit ako sa kaniya pero bakit hindi ko siya maitaboy? Gusto ko siyang kaladkarin palabas pero parang sumaya pa ako sa nakita ko. Lumapit ako sa kaniya at umupo sabay napahilamos ako ng mukha na nagsasabing hindi ko gustong makipag usap at napipilitan lang ako.

"Maiwan ko muna kayo." sabi ni nanay at umalis.

Nakatingin lang si Magda sakin.

"Romano." Halos pabulong lang pero sapat na para marinig ko.

Hindi ako nagsasalita at tulala ako sa isang tabi.

"Magpapaalam lang ako."

"Magda hindi na kailangan dahil wala na tayong relasyon diba?"

"Pero Romano, hindi ako sanay ng wala ka."

Masakit sakin ang nangyari. Kahit pa sabihin niya ang pinakamatamis na salita ay wala din silbe.

"Makakaalis ka na Magda." sabi ko sabay tumayo ako.

"Patawarin mo sana ako Romano." Habol niya sakin kaya napatigil ako.

"Magda, ikaw na ang lumagay sa kalagayan ko. May anak ka na at hindi ako ang ama. Walang nangyari satin dahil gusto kong sa kasal na natin gagawin yun. Ginalang kita. Oo hindi mo sinasadya ang lahat. Pero bakit hindi mo agad sinabi sakin? Sana sa una pa lang natigil na ang kahangalan na yan. Baka mapatawad pa kita. Pero isa lang ang nakikita ko Magda. Ginusto mo din ang nangyari. Hindi ka mabubuntis kung hindi. Alam mo ba na wala akong balak sanang patayin si Fermin? Pero nang sabihin niyang ikaw mismo ang pumupunta sa kubo niya, saka nagdilim ang paningin ko at hinamon ko siya. Bakit Magda? Bakit mo nagawa?"

Napayuko lang siya. Sa itsura niya lalo akong nasaktan dahil halatang inaamin niya ang lahat ng sinabi ko.

"Hindi ko na ipapaliwanag kung bakit ko nagawa. Pero isa lang ang sigurado Romano, mahal na mahal kita. Aalis na ako."

Nakatingin ako sa kaniya. Tumayo siya at tumalikod. Gusto ko siyang pabalikin at sabihing 'Ako na ang mag aalaga sa anak niya para hindi na siya umalis. Para kami na uli, para hindi na siya maghirap, para hindi ako nasasaktan ng ganito' pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang mag alaga ng anak ng iba na anak ng ibang lalake sa mahal ko. Anak niya sa iba pero ako ang una niyang naging kasintahan habang wala pang umaangkin sa kaniya. Sa sobrang pag iingat ko para hindi siya matulad sa ibang babae, ako ang nawalan. Masama ba ang ginawa ko? Masama bang maging mabait? Bakit pinagkait sakin si Magdalena?

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon