[22] Kabataan

6.6K 60 2
                                    

JENNY'S POV

Nakatakda na pala ang kasal ni Anyway? Ang tanong, masaya ba siya kung ikakasal siya agad? I know Anyway hates boys that's why she doesn't have. Why it would be? Fixed marriage? Uso pa pala yun? Tatawagan ko sana siya para kamustahin pero naisip kong icheck ang Wattpad account niya. Napansin kong umangat na sa 238k ang followers niya. Not bad within 2 years. Naunahan niya pa ako. Sabagay, nasa kaniya kasi ang Prostitute ni Angela.

Nag update na pala siya. Wait, I'll read it first.

"Huwag mo siyang sasaktan Kaway!" Sigaw ng isang lalaki na dumating.

Hawak parin niya ang damit ko. Hinihintay ko lang na saktan niya ako pero mabuti't may umawat sa kaniya.

"Nilalait niya ang pamumuhay natin Manong Diego! Hindi ko papalampasin na ang isang dayuhan na katulad niya ay magsasalita ng ganito sa atin," galit na siya. Pero lumapit ang lalaking tinatawag niyang Diego. Hinawakan ang kamay niya para umawat. Binitawan niya ako. "Gusto ko nang umalis sa harap ko 'yang taong 'yan."

Tumingin sa akin si Diego. "Ano ba ang kailangan mo sa lugar na ito?" tinanong niya ako. Parang hindi niya narinig si Kaway.

"Manlalakbay po ako. Aksidenteng napadaan lang ako dito. Ipag paumanhin niyo po ang mga sinabi ko."

"Sabagay, tama ka. Hindi ka dapat tinatrato ng masama dito dahil dayo ka. Sa lahat ng dumayo dito, ikaw lang ang nagsabi niyan." Salaysay niya. Hindi ko lubos maisip kung bakit parang ngayon lang niya sinaway ang taong ito.

"Kung tutuusin, payapa sa lugar niyo, Ginoo. Sayang kung walang makikinabang ng masaganang ani niyo kung masisira lang ito dahil hindi niyo kayang ubusin."

Napansin kong nakatingin parin ang taong nagngangalang Kaway.

"Sige, dahil sa sinabi mong 'yan, hinahayaan ka na namin na tumigil dito kung hanggang kailan mo gusto." Ngumiti ako pero hindi si Kaway.

"Manong Diego, bakit ka papayag. Hindi nga natin siya kilala."

"Marunong akong kumilatis kung mabait o masama ang isang tao." Umalis na si Kaway. "Huwag kang mag alala. Ligtas ka na. Sumama ka sa'kin." Sumama ako sa kaniya dala ang aking kariton. May pinakita siya sa akin na lugar na malilim. Napapaligiran ito ng dalawang bahay. "Dito ka muna. Ihahanap kita ng matutulugan mo pansamantala."

"Ginoo. Ayos na ako dito. Maraming salamat sa lahat."

"Dahil sa sinabi mo, ngayon alam ko na kung paano aasenso ang lugar na ito."

"Wala po 'yun. Siguro kaya ko lang nasabi 'yun dahil pagod ako't ayoko munang umalis." Pero gusto ko talagang matulungan si Pasqual.

"Kahit na. May katotohanan ang sinabi mo kaya kahit hindi ka talaga mabuting tao... tatanggapin kita dito para magpahinga." Ngumiti ako. "Ako nga pala si Diego. Manong Diego ang tawag ng kabataan sa'kin na kagaya mo. Ako ang isa sa ginagalang dito."

"Ganun po ba. Pwede pong magtanong ng isang bagay?"

"Sige."

"Kilala kiyo po ba ang buong pagkatao ng taong nagngangalang Pasqual?"

"Oo, isa siya sa mga magulang dito sa baryo na ito. Bakit mo naitanong? Kilala mo ba siya?"

"Hindi pa po. Kasi napag alaman ko lang na hirap siya sa buhay dahil hindi na siya makapag hanap buhay. At ang mga anak niya'y galit sa kaniya."

Nag isip siya saglit. "Saan mo nalaman 'yan. Ngunit tama ka diyan."

"Sa tindera po sa bukana."

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon