Masyado nang lumilipas ang panahon. Malapit na ang araw ng kinatatakutan ko. Nagkita kami ni Romano at masama ang tingin niya sakin. Kinabahan talaga ako pero tinatago ko sa malaki kong damit ang tiyan ko. Hindi ko alam ang sasabihin niya ngayong umagang ito.
"Magda." Lumapit siya sakin pero hindi niya ako hinawakan gaya ng madalas niyang gawin kaya kinutuban ako.
"Bakit Romano?"
"May tinatago ka ba sakin?"
Hindi agad ako nakapag salita. Hindi ako ganun ka husay gumanap kung may kasinungalingan akong tinatago. Hindi ko pinaghandaan ang lahat.
"Magda. Mahal na mahal kita at unang araw pa lang na maging tayo, umasa akong ako na ang huling lalake sa buhay mo. Kaya maluwag sa loob kong sa araw na mismo ng kasal natin tayo magtatalik. Nakausap ko ang nanay mo. Hinala niya na buntis ka. Ano ang nangyari Magda?" Lumapit siya sakin at hinawakan ng mahigpit ang bakikat ko. Masakit pero hindi ko madama ang sakit.
"Romano."
"Magda! Magtapat ka!"
"Hindi ko sadya!"
"Ano?"
Kinapa niya ang tiyan ko. Nahalata na niyang lumaki nga ito.
"Magda, totoo nga!!"
"Romano, makinig ka muna."
"Akala ko ako lang ang mahal mo."
"Romano." Halos wala na akong mabigkas. Umiiyak na ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Hindi mo ba alam na masakit ito? Paano mo ako nagawang pagtaksilan?" Malumanay ang boses niya pero halatang may diin kaya kinakabahan ako.
Napansin ko na lumuha si Romano.
"Romano." Wala akong masabi. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Ano ang gagawin ko? Bakit nangyari ang lahat ng ito?
"Gusto kong lumabas mismo sa bibig mo ang katotohanan Magda. Pinagtaksilan mo ba ako?"
"Sa totoo lang Romano, hindi!"
"Bakit buntis ka?!"
"Romano, makinig ka.." Garalgal na ang boses ko dahil hindi ko mapigilan ang luha ko. Galit na siya.
"Handa kong tanggapin Magda ang lahat. Ipagtapat mo na. Sino ang kasintahan mo pag wala ako?"
"Wa-wala."
"Sinungaling."
"Romano, magpapaliwanag ako."
Naisip ko kung ipagtatapat ko, baka malaking gulo. Pag pinagtapat ko, baka magalit si Romano kay mang Fermin at mapatay pa siya nito. Ano ang gagawin ko?
"Maghahanap buhay ako. Ihanda mo ang sarili mo Magda. Ramdam ko na hindi mo na ako mahal, pero may karapatan akong malaman ang lahat. Aalis ako at babalikan kita." Umalis siya at naiwan akong umiiyak.
Mahal na mahal ko si Romano kaya hindi pwedeng isipin niya na hindi ko na siya mahal. Nakipag-usap ako kay Rita.
"Ipagtapat mo ang lahat. Hindi pwedeng hindi." sabi ni Rita sakin dahil pinagtapat ko sa kaniya ang nangyaring pag uusap namin ni Romano.
"Natatakot ako. Baka magpatayan sila."
"Ano ang gagawin mo? Hindi pwedeng baliwalain ang lahat. Malay mo maintindihan ni Romano."
"Wala tayong katiyakan Rita."
"Para lang luminis ka. Wala kang kasalanan. Mahal mo si Romano at wala kang balak lokohin siya."
"Ayokong dahil sakin may magpatayan."
"Hindi tayo tiyak kung ganun nga ang mgangyayari."
"Baka magpatayan sila."
"Ano ang gagawin mo? Wala kang magagawa."
Umuwi ako at wala akong ibang inisip kundi si Romano. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Hanggang sa nagkita nga kami, kaharap pa si nanay.
"Maiwan mo muna kayo." sabi ni nanay.
"Wag na po. Gusto kong marinig niyo ang sasabihin ni Magda." sabi naman ni Romano. Wala akong masabi. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko. Hindi lang kay Romano ako nahihiya, pati kay nanay. Oras na mabunyag ang lahat. Miski si tatay ay magagalit.
Matapos kong ipagtapat ang lahat habang umiiyak ako ay umalis si Romano. Umiiyak din si nanay at niyakap ako.
"Pasensya na anak. Akala ko kasi si Romano ang nakabuntis sayo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napabayaan ka namin. Alam na naman namin na mapanganib sa lagar na to pero kampante kami." Hindi ko inaasahan na ganun ang magiging resulta. Pinagtapat kong ginahasa ako ni mang Fermin pero hindi ko pinagtapat na pinupuntahan ko siya sa kubo niya. Natatakot ako. Naiintindihan nila ako pero kinabahan talaga ako. Ano ang gagawin ni Romano?
Hindi ako makatulog dahil biglaan ang pag alis ni Romano kanina lang. Wala akong lakas para payuhan at pigilan siya sa gagawin niya. Habang hindi ako makatulog ay lumuhod ako at nagdasal.
Panginoon, Kayo na ang bahala sa lahat. Natatakot ako sa mangyayari bukas. Bigyan Niyo ng kapayapaan sa puso si Romano. Mahal na mahal ko siya at ayokong mawala siya kahit alam kong katapusan na ng relasyon namin bilang magkasintahan.
Umiyak ako ng umiyak. Di ko namalayan ay nakatulog na ako. Biglang umagang umaga ay inaantok ako. Ginising ako ni Rita sa isang malakas na boses.
"Magda!! Si Romano at Fermin, nag lalaban ng itak!!"
Nagulat ako at lumabas. Dasal ako ng dasal. Wag Niyo pong pabayaan si Romano. Sasaluhin ko lahat ng parusa. Wag Niyo pong pabayaan na mamatay siya Panginoon.
"Bilisan mo Magda. Ano ba ang nangyari? Pinagtapat mo na ba?!" sabi ni Rita habang tumatakbo kami.
"Oo Rita. Hindi ko kayang talakasan ang katotohanan."
"Bilisan mo. Nasa bukid sila!!"
Nakita kong nakakumpol ang mga tao. Lalo akong kinabahan. Parang ayoko nang lumapit dahil ayokong makita ang resulta ng laban.
Diyos ko!! Wag naman sana.
"Patay na siya." rinig kong sabi ng isang lalake. Napatingin ako kay Rita. Lumuha at napaluhod. Mahal na mahal ko si Romano. Kung alam ko lang. Sana umpisa palang ay sinunod ko na si Rita. Mangyayari din naman pala ito.
ROMANO!!
***
Author's note
Pasensya na sa matagal na ud ah. Short chapter lang at bitin pa. Walang dedication ah. Maliban na lang sa mga close friends ko. Salamat sa mga nagbabasa nito. Next chapter na yung kay Angela. Maigi din pala yung ganun para napapag isipan kong maigi ang kasunod. Gagawa ako ng group. Para yung mga fans ko magtipon tipon doon. JOKE! Wala talaga akong fans HAHAHA.