[26] Makapangyarihan Ang Dasal

5K 41 5
                                    

Anyway's POV

Nasa mall kami ngayon. Kasama ko si Menchie at Bebang. Iba na sila ngayon. Hindi na sila gaya ng dati na nag-aaway pa sa daan. They already changed but the thing wouldn't change is my feelings when everytime I was with them. Nagbago man sila ay ang pakikitungo namin sa isa't isa ay hindi nagbago. Ang pag-aaway nila ay dinadaan sa kalmadong paraan.

"Anyway, pag nagtatrabaho ka na, kailangan natin ng stess reliever." Bebang said as we're walking towards the car. Brought the things we bought.

"Shopping?" tanong ko.

"Bar or hangout somewhere. Baka mahanap na natin ang lalaking mapapang asawa natin." sabi naman ni Menchie.

"Gawain niyo ba?" Hanggang sa nakasakay na kami sa kotse.

"Oo," simpleng sagot ni Bebang. "Pero hindi naman seryoso ang mga nakikilala namin."

"Huwag kayong pumunta sa alam niyong happenings lang ang hanap ng tao." Advice ko.

"Ano ang gagawin namin?"

"Ang mapapang asawa ay hindi sinasadya o hinahanap."

"Paano kami magkakaboyfriend kung maghihintay lang?"

"May taong uutusan ang Diyos para mahalin kayo. Oras na maghanap kayo ng lalaki.. mas malaki ang chance na magbreak kayo. Sa bar o somewhere na sinasabi niyo, babae o katuwaan lang ang hanap ng mga lalaki."

Nakatingin sila sa'kin na tila hindi ako naiintindihan. Alam ko ang nararamdaman nila dahil handa na din akong magmahal nang hindi alam ang resulta. Magpakasaya lang ang gusto. Hindi ako naniniwalang kailangang pareho kayo ng gusto ng taong mamahalin mo. Naniniwala akong kahit magkaiba kayo ay pwede kayong magkatuluyan. Ang pag-ibig ay makapangyarihan. Kaya nitong pagtugmain ang dalawa at intindihin ang bawat isa dahil ayaw nilang maghiwalay. Kung pareho kayo ng ugali na ang hanap ay saya lang, hanap ay magmahal lang, hanap ay kaparehong ugali.. dahil sa sobrang magkapareho niyo ay maisipan niyong maghiwalay.

"Anyway, sa totoo lang, inienjoy lang namin ang buhay."

"Samahan niyo ng pagdadasal. Humiling kayo at iwasan ang kasalanan. Para hindi kayo masaktan. Paikutin ang problema niyo sa ibang bagay at hindi sa pag-ibig."

Sana pakinggan nila kahit man lang ang pagdadasal. Para ligtas sila. Sabagay, ano naman kung masaktan sila, maanakan o ano? Lahat naman nalalampasan ang problema. Ang kinatatakot ko lang ay baka mapahamak sila. Kaya kailangan ng pagdadasal.

Nakauwi na kami. Malapit na akong magtrabaho. Ayoko munang isipin ang future. Mas maganda kung gawin ko ang gusto ng puso ko. Ang mahalin si Saul kahit palihim lang. Ngayon ay magkakasama kami nila Bebang at Menchie. Pero atat na akong umuwi sila. Hindi dahil sa sawa na akong kasama sila. Laking pasasalamat ko dahil busog ako sa pagmamahal ng kahit dalawang kaibigan lang. Kaya hindi ko muna sila kailangan, inaamin ko. Pero oras na mawala sila, malulungkot ako kaya dinasal ko sa Diyos na huwag silang mawala. Pinagunahan ko na ang pwedeng mangyari dahil baka maisip ko ang mga ganitong kasiyahan namin kung wala na sila. Magsisi pa ako na sana sinulit ko na ang mga araw na magkakasama kami. So, dahil pinagdasal ko na ay alam kong tutuparin 'yan ng Diyos.

Umalis na nga sila. Ito ang maaalala ko. Ang libreng oras ko na mahaba. If I start to work with my job, I think I'll be missing all things that happened right now. Marami pa namang oras para sa'min ni Saul. Pumasok muna ako sa kwarto at kinuha ang laptop. Gagawa muna ako ng karugtong sa story ko.

Naglalakad ako dala ang kariton ko. Gusto ko na sanang umalis sa lugar na ito dahil wala na akong gagawin pa. Pero dahil gusto kong maging maayos si Sibol ay maghahanap ako ng paraan para mabuhay sa ganitong uri ng lugar. Karamihan dito ay may hanap buhay dahil maraming pagkakakitaan. Ang problema lang ay sa dami ng tao ay wala nang mapasukan ang iba. Kaya siguro naging magnanakaw ang kuya ni Sibol.

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon