"Magdalena, sigurado ka na ba? Kasi pwedeng ituloy namin ang misyon na ito kahit wala ka pero mas makapit kung nasa tabi ka ng mga magulang ni Dalisay." sabi sa'kin ng kasama namin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong gusto kundi iligtas si Adonis.
"Pwede bang bigyan niyo pa ako ng konting oras?"
"Sige, kailangan mo ng huling pagpapasya. Ayaw naman namin na pigilan ka sa gusto mo. Pero isa lang ang masasabi ko sa'yo, hayaan na natin na mamatay si Adonis."
Andito ako ngayon sa kwarto ko at may dalang rosaryo. Nakapikit. Nagdadasal. Miski ang mga magulang ni Dalisay ay nagtiwala sa Diyos kaya andito ako ngayon. Matapos kong magdasal ay umupo ako. Tumingin sa taas. Alam kong naririnig Niya ako. Sana pagbigyan niya ang hiling kong magtagumpay kami dahil hindi pwedeng hindi. Kawawa ang mga babae tapos hindi pa ako magiging malaya dahil hahanapin nila ako para patayin. Lakas ng loob lang ang kailangan ko. Lakas ng loob para makapag isip ng tama. Kung ano ang maisipan ko, 'yun ang mangyayari. Lumabas ako ng kwarto.
"Magda," tawag sa'kin ng kasama naming matuwid na pulis. "Inalam namin kung saan saan ang pag mamay-ari na club ni Samantha na namamahala sa kumpanya nila. Isa isa namin itong ipasasara. Pero kailangang patayin si Samantha para wala nang magtuloy ng negosyo. Inalam na namin kung nasaan siya kaya madali na itong maisasagawa. Ibubuwis namin ang aming kalayaan dahil makakapatay kami. Ito ay para sa lahat ng babae. Kailangan din na patayin ang kapatid niya para lalong hindi na maituloy pa ang pang aalipin sa mga babae. Kalayaan ang layunin natin. Mabura din ang layunin na patayin ka." Habang nagsasalita siya ay gusto kong umiyak. Dadanak ang dugo kahit anong mangyari.
"Wala na po bang ibang paraan?"
"Wala na. Hindi sila pwedeng ipakulong dahil malakas ang impluwensya nila. Ibang tao ang humaharap sa tuwing may kaso sila, ganoon sila kalakas at ang gagawin ay ilalabas din ang taong iyon pag nakulong. Papatayin siya para wala nang problema."
Napapikit ako. Ano ang dapat gawin? Bigla kong naisip na walang misyon na madali. Hindi pwedeng kami lang ang papatay. Dawit na ako sa pagpatay dahil ako ang dahilan ng lahat. Hindi pwedeng walang mapatay sa'min dahil kailangan talagang ng sakripisyo.
"Kung.. kung ibibigay ko ang sarili ko, ano sa tingin niyo ang mangyayari?"
"Wala itong pinag iba sa mangyayari. Ang kaibahan lang ay baka malungkot ang mga magulang ni Dalisay kasama si Adonis pati ang mga magulang mo. Si Adonis ay walang magulang, ayon ito sa kaniya. Kaya kahit hindi namin alam ay mas pipiliin niyang mamatay na lang. Isa pa, baka hindi na ituloy ang misyon o ituloy man namin, wala nang suporta sa magulang ni Dalisay o pwedeng paghihiganti na lang. Maraming pwedeng mangyari. Pero dahil alam na namin ang lahat, mas maiging hayaan na si Adonis, tutal pinain niya ang buhay niya. Nagbuwis siya para sa atin. Kaya niya gustong sumuong mag-isa ay para wala nang madamay pa. Ngayong nalaman na namin ang lugar nila, umalis man sila ng bansa o magtago, madali na siyang mahuhuli dahil hindi pwedeng iwanan niya ang sarili niyang bahay. Magiging bihag siya."
"Paano niyo naman maisasagawa kung sakaling mamatay na nga si Adonis?"
"Dahil kay Adonis ay may kilala na kami sa ibang alagad nila. Siya muna ang huhulihin namin. Papaaminin namin siya para malaman pa ang ibang pinupuntahan ni Samantha."
"Sa pagkakaalam ko, sumasaglit siya sa pinagtatanghalan ko minsan."
"Kaso hindi namin alam kung kailan ang minsan na 'yun. Oras na mahuli namin ang lalaki na 'yun, aalamin namin kung saan pupunta si Samantha."
"Paano kung hindi niya alam?"
"Alam niya 'yun dahil siya ang mismong gwardya. Madali na siyang mapapaamin. Kami na ang bahala."
"Ganun ba?"
"Bukas na ang oras para patayin si Adonis. Magpasya ka."
Ngayon ay nakahiga ako. Umiiyak. Mahal na mahal ko si Adonis. Pero mas malala pa ang mangyayari pag ako ang nahuli. Lumuhod uli ako at nagdasal. Ngayon ko napagtanto na mas mahalaga ang karamihan kaysa sa buhay ni Adonis. Inubos ko ang luha ko sa pag iyak dahil nagbago na ang aking isip. Hahayaan ko na lang na mamatay si Adonis.
Umaga. Nakipag usap uli ako sa pinuno namin.
"Handa na po ako."
"Sigurado ka, Magda?"
"Handa na akong mamatay si Adonis." Tumulo na naman ang luha ko. Titiisin ko ang sakit dahil pinaunawa sa'kin ng Panginoon ang dapat kong gawin. Kailangang makapit sa misyon dahil kung mamamatay ako, galit ang mararamdaman ng mga magulang ni Dalisay. Pinangako kong walang mangyayaring masama dahil sa Diyos.
May tiwala sila sa Diyos kaya pinayagan nila ako. Ayokong sayangin 'yun kung mamamatay ako. Ako na si Dalisay ngayon. Papanindigan ko nalang ang lahat.
Umalis na sila at nakipagkita sa mga tauhan ni Samantha. Naghihintay ako. Dasal lang ako ng dasal. Sana maging ligtas ang lahat kahit mamatay si Adonis. Titiisin ko na lang ang sakit.
Kinagabihan ay dumating sila. Nakibalita ako agad.
"Magda, dinala nila si Adonis. Hindi namin alam kung buhay pa siya ngayon. Pero dahil wala ka. Baka sa mga oras na ito ay patay na siya."
Lumakas ang iyak ko. Tumingin sa taas. Kahit inaasahan ko na ay hindi mawala ang sakit kanina pa. Wala na si Adonis.
"Wala naman akong magagawa eh. Kailangan kong mabuhay." Umiyak ako ng umiyak sa balikat ng pinuno namin.
"Alam namin 'yun, Magda. Kahit kami'y wala ding magawa. Kung hindi susugod mag-isa si Adonis doon, hindi sila makikipagnegosasyon. Hindi namin malalaman ang lahat. Pasalamat tayo kay Adonis dahil siya ang nagbuwis ng buhay."
Lambot na lambot akong pumasok ng kwarto. Hindi ko na alam ang mangyayari. Ang sabi nila'y maghintay na lang ako dahil hindi magtatagal, maaayos na ang lahat. Marami naman sila. Nawala na ang kaba sa dibdib ko dahil puro lungkot ang nangayari. Ganito pala ang pakiramdam ng may namatay dahil sa'yo. Daig mo pa ang namatay. Sana pala sabay na lang kaming namatay ni Adonis. Pero alam kong ito ang gusto ng Diyos kaya nangyari ito.
"Panginoon. Maraming salamat. Pero hindi ba pwedeng wala nang magbubuwis ng buhay? Bakit kailangan pang may mamatay? Bakit kailangang may magbuwis ng buhay? Ganito ba ang gusto Mo? Kailangan ba talagang may kapalit na buhay ang pagtulong Mo? Sana ako na lang ang hinayaan Mong mamatay. Hindi ako galit Sa'yo. Tatanggapin ko ang lahat ng gusto Mo. Pero tao lang ako na nasasaktan din. Hindi ako si Jesus na kalmado sa lahat ng oras. Masakit na masakit na mamatay ang taong mahal na mahal ko. Wala na akong gusto ngayon kundi maglingkod Sa'yo at mailigtas ang mga babae dahil alam kong hindi Mo sila papabayaan. Pero nasaan na ang binigay Mong inspirasyon sa'kin para mabuhay?"
Umiyak ako ng umiyak. Humalik sa lupa kahit madumi. Wala ito sa malinis na pagtulong ng Panginoon.
"Panginoon. Sana mapatawad mo ako sa mga sinabi ko. Pero kung paparusahan Mo ako uli, sana iligtas Mo na lang ang maraming babae. Nakakaawa sila. Hindi ako ganun kabait alam ko. Pero nagtitiwala at umaasa akong ililigtas Mo sila. Ayoko nang humiling pa ng iba dahil halos wala na akong hiling kung maililigtas Mo ang mga babae. Kung kapalit ng kaligayahan ko ang pagkakaligtas nila. Tatanggapin ko. Wala na akong pag asa pang lumigaya kung hindi nailigtas ang mga babae. Sana huwag Mo kaming pabayaan sa araw araw. Alam kong Ikaw ang nagbibigay ng maraming kasaganahan sa tao. Sa ngalan ng Diyos ay maililigtas ang lahat. Amen."
Umiyak na naman ako. Bukas ay babalik na ako sa bayan ni Dalisay na walang dalang magandang balita bukod sa buhay pa ako. Magtatago ako hangga't hindi pa naililigtas ang mga babae.
Nakainig ako ng sigaw mula sa labas. Hindi ko maintindihan! Maya maya lang ay may kumatok. Binuksan ko.
"Magdalena, huwag kang maingay ah."
"Bakit po?"
"Andito si Adonis, nakatakas siya!!"