Ilang araw ang lumipas. Dahil sa pinaliwanag na ang lahat sakin ni Matet bago pa kami pumunta ng Maynila ay madali kong natanggap ang lahat. Ngayong araw na ito ay may lalaking mayaman na naggihintay sakin. Nakasakay ako sa magarang kotse at hinihintay ako ng hindi ko kilalang lalake. Bumaba kami sa bahay na maganda.
"Sumunod ka sakin." sabi ng lalaki na sumundo sakin.
Oras na nakaayos na ang lahat. Tawag na lang ni ma'am Samantha ang kailangan para sumama ako sa mga susundo sakin. Halos araw araw akong may nakakatalik na lalake. Usapan yun para makuha ko ang pera buwan buwan. Imbes na matakot ako noong unang araw ko. Biglang lumakas ang loob ko. Hindi na ako mahal ni Romano kaya ito na lang ang tanging paraan upang hindi lumaki si Monalisa na mahirap.
Pumasok ako sa kwarto at nakita ko ang lalaking walang buhok sa gitna ng ulo niya. Pero may buhok ang paligid. Nginitian niya ako.
"Lumapit ka sakin." sabi niya at lumapit ako. Nakaupo siya sa kama.
Hinawakan niya agad ako. "Napakaganda mo Magda."
Pagkatapos naming magtalik ay dumiretso ako sa cr. Naligo at nagbihis. Lumabas ako ng kwarto at nagpaalam sa kaniya.
"Sa uulitin hija. Kunin mo ang pera sa lamesa."
Nakatingin ako sa lamesa at nakita ko ang isang sobre. Agad ko itong kinuha at binuksan. Limang libo. Ang pinaka malaking natanggap ko sa loob ng sampung araw. Nginitian ko siya at binigyan ng halik sa hangin.
Pagdating ng gabi....
Sinuot ko ang maskara. Lumakad ako sa entablado. Nakita ko ang mga kalalakihan na magsisigawan. Pang sampung araw ko pa lang at ni minsan, hindi ko pinakita ang itsura ko sa kanila maliban sa mga mayayaman na malaki ang binibigay kay Ma'am para makatalik ako. Hindi dahil sa ayaw ko, dahil yun ang utos sakin ni ma'am Samantha. Kailangan daw pasabikin ang mga lalake. Gamit ko ang halos hubad na kasuotan. Hindi ko kailangang kumembot. Kailangan ko lang ay lumakad at tignan ang mga lalake na nagkalaway sakin. Dahil sa mabilis akong sumikat sa club na yun. Nagtaas ang presyo para makapasok sa loob. Kinatuwa ni ma'am Samantha talaga. Hindi ko alam kung may naiinggit sakin sa ngayon pero ang alam kong ako ang pinaka paborito sa lahat ng mga babae. Laging sa kalagitnaan na ako lumalabas. Walang lalaki na makabili sakin sa club maliban sa mga pinipili ni ma'am. Siya ang magsasabi kung sino ang lalaki na mag-uuwi sakin.
Araw araw ganiyan ang papel ko. Sa tanghali ang pakikipagtalik at pagtatanghal sa gabi. Kumikita na ako kay ma'am, kumikita pa ako sa tanghali at sa gabi. Madalas akong sabitan sa bewang ng pera para lang mahawakan nila ako. Meron din sa dibdib. Ngayong pang sampung araw ko na ay sanay na ako.
Kasama ko si ma'am pauwi. Hinatid niya ako.
"Sige na Magda. Magpahinga ka na." Bumaba ako ng kotse.
"Maraming salamat ma'am."
"Ikaw ang dapat kong pasalamatan."
Ngumiti lang ako sa kaniya.
"Sige po ma'am. Hindi ba kayo dito magpapahinga."
"Hindi na siguro. Uuwi ako sa amin." Hinawakan niya ang kamay ko, "Wala na akong dapat ipag alala pa dahil andiyan ka Magda."
Umandar na ang kotse. Araw araw na ganiyan. Araw araw hanggang sa nasanay na ako. Mababait naman ang mga kasama ko. May mga galit at inggit, may mga kakilala akong mababait at sila ang madalas kong kausap pag hindi oras ng trabaho. Pinaayos nila nanay ang bahay sa probinsya. Pinayagan akong umuwi para makasama pansamantala si Monalisa. Walong buwan na si Monalisa at hindi niya ako kilala. Sapat na ang halik at karga para maipadama ko ang pagmamahal ko.
"Nakikita niyo pa ba si Romano inay?" tanong ko kay nanay habang karga ko si Monalisa.
"Ilang buwan na siyang umalis sa lugar na ito."
Nagulat ako. Isa pa naman siya sa gusto kong makita. Minabuti kong hindi gumamit ng pangpaganda para walang manibago sa itsura ko. Nasaan na kaya si Romano? Ang nanay at tatay ay may sarili nang pwesto sa palengke. Kung tutuusin ay pwede na akong wag magtrabaho pero hindi pwedeng umalis. Binantaan ako ng mga kaibigan ko. Sinabi nila na baka patayin daw ako. Hindi ako doon nangamba dahil tumatanaw lang ako ng utang na loob kay ma'am Samantha. Tinulungan niya ako at hindi ko siya basta basta iiwan lang.
Nakita ko ang lumang aparador ko at may kinuha akong pulseras. Bigay ito sakin ni Romano nung kami pa ay nagmamahalan. Maganda ang pulseras kaya sinuot ko agad. Hindi ito ginto, gawa ito sa pinira pirasong kabibe. Sigurado magugustuhan ito ng mga bago kong kaibigan. Kasama ko si Rita ng tunguhin namin ang palengke para maghanap ng kapareho kong pulseras. Nabigo kami at ang kahuli hulihang tindera ang nagsabi samin na hindi daw ito nabibile.
"Gawang kamay po iyan dahil wala pong ganiyang klaseng pulseras dito. Hindi po kayang hubugin ng madali ang kabibe para makagawa niyan."
Pauwi kami. Nakatingin parin ako sa pulseras.
"Magda, yun nga din ang naisip ko. Baka mamaya si Romano lang ang gumawa niyan."
Umuwi ako. Bukas ng umaga ang alis ko. Hindi ako makatulog. Iniisip ko si Romano. Mahal na mahal niya ako. Hindi mababayaran ng pera ang binigay niya saking pagmamahal. Nilagay ko sa puso ang pulseras. Kung ako ang gagawa ng ganito at mano mano lang, malamang sugat sugat na ang kamay ko hindi pa ako tapos.
Romano. Hindi ka pa nawawala sa puso ko.
Bumalik ako ng Maynila para magtrabaho. Kasama ko ang isang lalake ngayon at mabilis akong kinalatalik. Ang laman ng isip ko ay si Romano.
"Oohh Magdalena." Bukang bibig niya.
Sikat ako sa mga lalaking laman ng club at hindi naman ako kilala ng iba. Malaya akong nakakalabas ng bahay. Isang gabing nasa mansyon ako. Naisipan kong lumabas. Nagdala ako ng payong dahil umuulan. Balak kong bumili ng paborito kong timpla ng kape. May nasalubong akong mga lalaki. Lahat sila ay nakatingin sakin. Hindi nila ako kilala dahil hindi sila suki sa club. Tanging mayayaman lang naman ang nakakapunta sa club ni ma'am Samantha. Minsan, may nakakakilala sakin.
"Magdalena." lumingon ako. Baka isang mayaman na laging laman ng club tuwing gabi.
Pero isang naka salakot ang nakita ko. Nakahubad siya ng damit. Isa siyang matipuno na parang si Romano. Nagtaka ako. Basang basa siya sa ulan at lumapit sakin. Hindi ako nakaramdam ng takot. Halos wala nang dumadaan na tao sa lugar na iyon. Ngayon pa ako matatakot? Lahat na yata ng takot, naramdaman ko na. Gagahasain ba ako ng matipunong lalake na ito? Wala akong pakialam basta lang wag niya akong sasaktan. Kasalanan ko naman dahil pinagbawalan kaming lumabas. Mapanganib sa Maynila pag gabi pero sinubukan ko parin.
Teka. Sino ba siya? Bakit niya ako kilala?
Hanggang sa tatlong metro na lang ang pagitan namin. Tumigil siya. Tinanggal ang salakot. Napansin ko ang manipis niya at mahabang buhok na pinanipis ng tubig ulan. Mahaba ang bigote at balbas niya. Kulot ang buhok niya. Matanda na pero matipuno siya. Hinawi niya ang buhok niya.
Siya si......
Romano? Oo alam ko siya si Romano kasi, nakilala ko ang mata niya. Gulat na gulat ako dahil hindi pala siya matanda. Pinatanda lang siya ng balbas.
"Magdalena." nanlaki ang mga mata ko.
"Kilala mo ako?" Tanong ko kasi hindi pa ako sugurado kung si Romano nga siya. Bakit niya ako kilala?
"Oo."
"Paano mo ako nakilala?"
"Hindi ko pwedeng sabihin."
"Sino ka?"
"Ako si Adonis."
***
Author's note
May sasbihin akong sikreto. Si Superman at ako ay iisa lang HAHAHAHA!
Next: Ang muling pagkikita ni Anyway at Angela