[Prostitute] Mahal Kita Kahit Sino Ka Pa

8.5K 113 5
                                    

Alas dos ng umaga. Kakauwi ko lang galing sa trabaho, sumilip ako sa bintana, Nakita kong pwede pala akong dumaan dito dahil kasya ako sa rehas. Rehas na natatabunan ng malaking kurtina. Pero ang bubong ay hindi ko alam kung ano ang babagsakan. Dahan dahan akong lumabas. Sumilip sa ibaba. Nasa ikatlong palapag ako kaya imposible akong makababa. Kung nakikita lang sana ako ni Adonis, matutulungan niya ako.

Hindi namin napag-usapan dahil hindi pa uli kami nagkikita. Kailangang tulog na ang lahat. Kailangang gumawa ng paraan para makita ko siya. Bumalik ako ng kwarto. Lumabas ng silid para maghanap ng mahabang lubid. Wala akong makita. Hindi pwedeng nakakulong ako. Gagawa ako ng paraan. Ano na kaya ang ginagawa ni Adonis ngayon? May naalala ako. Teka, nakapunta nga pala si Adonis sa club noon. Bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kanina.

'Yung lalaking nakamaskara habang naglalakad ako sa entablado. Oo nga, siya si Adonis! Alam ko na! Ayos lang ang lahat dahil tinignan niya ako. Ayon sa nababasa ko sa tingin niya, walang poblema, sana ganun nga. Hindi ako makatulog. Bukas ng tanghali may kakatalikin na naman akong mayaman. Nagbayad para lang makita ang mukha ko. Nag-aalala ako. Hanggang kailan ito? Bukas ng gabi, kailangang makagawa ako ng sulat at mapa ng mansyon para ibigay sa kaniya kung saan' lugar ako pupuntahan. Dito sa bintana.

Kinabukasan.

"Magdalena, mag handa ka na. Ang gwapo ng bisita mo." sabi sa'kin ng alalay ni Ma'am Samantha.

"Sige, pupuntahan ko na lang siya sa kwarto."

Naligo ako. Gaya ng dati, kailangang mabango at maganda ako. Malaki ang binayad ng lalaking 'yun para lang tikman ako. Hindi ko na iniisip ang hiwalay na bayad niya sa'kin, kahit gwapo pa siya, si Adonis ang laman ng isip ko. Matapos kong maligo ay nakatapis ako ng twalya na pumasok sa kwarto kung saan naghihintay ang lalaking kakatalikin ko. Nagulat ako.

"Adonis!!" mahina lang ang boses ko.

"Magda."

"Paano ka nakarating dito?"

"Ako ang kumuha sa'yo. Nagbayad ako ng malaki para lang makausap ka."

Makausap? Hindi! Hinalikan ko agad siya. Sabik na sabik ako sa kaniya. Habang ginagawa ko 'yun ay nagsalita siya.

"Kailangan mong maghanda Magda." Hindi ko muna siya balak kausapin. Gusto kong katilikin niya ako. Ilang araw na akong nasasabik sa kaniya. "Magda,"

"Mamaya na 'yan Adonis. Pag-uusapan natin ang plano natin. Sa ngayon, kailangan ko ang katawan mo." Hiniga ko siya sa kama. "Adonis, sabik na sabik na ako sa'yo."

Lumaban na siya ng halik sa akin. "Kahit ako Magda," binulungan niya ako. "Nasasabik ako sa iyo. Hindi ako makapaniwala na ang isang tulad mo ay nasasabik din sa'kin."

Hindi ko na siya pinansin. Basta kasama ko siya. Inamoy ang pinaka mabangong lalaki na nakilala ko. Iba ang amoy basta mahal mo siya. Mahal na mahal. Nagkaroon ako ng pag-asa sa kaniya. Hindi ko na inalam kung bakit siya ang napili ngayong araw. Mamaya na. Gusto ko na nasasarapan siya sa'kin kaya lalo akong ginaganahan. Oooh Adonis. Nakakabaliw ka.

Matapos ang kalahating oras ay niyakap ko siya. Ang sarap ng ipinadama niya. "Magdalena, magpaplano tayo. Kahit patayin ko ang may-ari, buhay pa ang galamay. Kailangan kong makipagsabwatan sa kalaban ng club na pinagtatrabahuhan mo."

"Paano?"

"Basta."

"Gusto ko nang magsama tayo, Adonis."

"Kailangan mong sabihin sa'kin kung nasaan ang pamilya mo."

"Bakit?"

"Itatago ko muna sila."

"Si-sige!"

"Hindi pwedeng ipahuli sa pulis ang club. Kailangan ko ng dahas."

"Saan ka nga pala nakakuha ng pera?"

"May iniwan na yaman sa'kin si Dalisay. Hindi ko 'yun ginagamit. Gamitin ko daw sa tama. Sa babaeng mamahalin ko. At ito na 'yun. Tinutulungan tayo ni Dalisay."

"Ganun ba?"

"Malaki ang pera na iniwan niya. Milyon. Pero hindi sapat para pabagsakin itong lugar na ito."

"Ano ang gagawin mo?"

"Itatago ko ang pamilya mo. Gagamitin ko ang pera ni Dalisay. Tapos saka ko papatayin ang pinaka pasimuno. At madali na ang galamay."

"Pero puro tagabantay si Madam. Hindi mo kaya. At isa pa, baka mahuli ka."

"Pagpaplanuhan kong maigi. Kailangan ko ng kakampi. Basta ako na ang bahala sa lahat, hindi dapat tayo magkita muna. Dadalawin kita sa club. Kailangang ako ang makakuha sa lamesa mo."

"Malaki ang bayad doon."

"Gagawin ko 'yun pag kailangan na kitang ialis sa bahay."

"Ibibigay ko sa'yo ang mapa."

"Sige, salamat. Gusto sana kitang dalhin sa kwarto ko pero pwede na sigurong sa mapa na lang. Kailangang doon ako dadaan. Mataas ang ikatlong palapag."

"Ako na ang gagawa ng paraan. Bago ko patayin ang may-ari. Kailangang wala ka na dito. Para kung mamatay na siya, hindi ka agad pag-agawan ng mga galamay. Tapos, oras na makatakas na tayo, nakahanda na ang titirhan natin."

"Nakapag-ipon na ako."

"Itabi mo ang pera. Pangarap kong makapagtayo sariling bukid. Pero hindi ko ginawa dahil wala nang saysay. Pero ngayon, oras na makalaya ka. Hindi na importante kung may matira pang pera si Dalisay, ang importante, magkaroon tayo ng kabuhayan. Magsasama tayo sa mahabang panahon. Sasaya ka sa piling ko."

"Maraming salamat, Adonis, sana magtagumpay tayo."

"Mahirap gawin pero pag iisip kita, lumalakas ang loob ko."

"Adonis... ikaw ang aking bayani. Ang pumalit kay Romano na dati kong kasintahan. Gaya mo, mabait at matapang siya. Pinatay niya ang taong sumira sa buhay ko. Pero hindi niya ako nagawang tanggapin."

"Dahil malinis ka ng nakilala niya. Tanggap kita, Magda kahit sino ka pa."

"Salamat mahal ko."

Umalis na siya matapos magbihis. Kulang pa ang oras. Pero kailangan. Napuno ang ilang araw na pangungulila ko sa kaniya. Hindi ko alam kung magpapakita siya mamaya. Pero isa lang ang natatangi kong nalalaman. Magkalapit kami kahit hindi ko siya kasama. Dala niya ang mapa ng bahay. Ano mang oras ay pupuntahan niya ako sa club para sabihin ang huling plano. Magtagumpay ka sana Adonis. Kahit masama ang gagawin mo, ililigtas mo ako sa kamay ng masamang tao. Maraming salamat at hindi ako pinabayaan ng Diyos.

***

Author's Note

Uumpisahan ko nang isipin ang plano HAHAHAHA! Sana magtagumpay ako para mailigtas ni Adonis si Magda. Nung una madali itong Prostitute kesa kay Anyway. Ngayon, mas mahirap na ito. Mahigit isang taon na pero salamat sa reads. Ayoko pang tapusin ^^ pero asahan niyo na mag uud ako ngayong week. I'm going to write Anyway's story then, sana makaisip agad ako ng chapter sa Prostitute. Paplanuhin natin yan.

Ps: Personal Support

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon