[28] Israel At Pedro

4.6K 34 8
                                    

Anyway's POV

Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang kilos ni Saul pero gusto ko din naman kahit papaano. At yempre, hindi ko parin alam ang gustong mangyari ni daddy. Langit at lupa kami. Para kaming si Saul at Marison. Isang bayarang babae at isang Casanova. 'Yun ang naisip ko noon. Siya si Marison at ako naman si Saul. Pero dahil fiction lang, pwedeng magkatuluyan ang gusto mong magkatuluyan. Sinipag akong mag update ngayon.

"Paalam." sabi ni sa'kin ni Sibol. Aalis na ako sa lugar na iyon.

"Paalam din. Gusto kong bumalik. Sa pagbabalik ko, mas marami akong matututunan. Sana ilagay mo sa isip mo ang lahat."

Biglang lumabas ang kuya niya.

"Paalam," Kinamayan niya ako. "Aaminin kong isa ka sa dahilan kaya magbabago na ako." Nagpakumbaba siya sa akin.

Ngumiti ako. Alam ko naman na tumatak sa isip niya ang sinabi ko. Kapatid niya si Sibol kaya mahalin niya ang kapatid niya. At ngayon ay masaya siya dahil pinatawad na siya ng ina niya. Pantay ang pagmamahal ng ina sa anak. Nasa sa'yo lang 'yan kung paano mo dadalhin. Kung iinisin mong lalo ang ina mo, lalo lang magiging komplikado ang lahat. Lalo mong maiisip na hindi pantay ang pagtingin niya dahil galit siya sa'yo. Kasi dahil na din sa hindi pagsunod sa adhikain ng magulang. Mas nagiging tama ang mabait.

Si Jose ay hindi man lang nagtanim ng sama ng loob sa mga kapatid niya. Kahit ibinenta siya sa ibang lahi. Pero hindi siya pinabayaan ng Diyos. Nahanap niya ang mga kapatid niya dahil lumaganap ang tag gutom.

Muli akong naglakbay sa iba't ibang lugar. Natuwa ako dahil kahit papaano ay may mga maka-Diyos na nabubuhay kahit laganap ang kasamaan. Kaya nang makarating ako sa lugar kung saan ang pinakamaraming masasama ay hindi ako nangamba. Dahil alam kong kakampi ako ng Diyos.

Ilang taon din ang lumipas. Ganito parin ako. Tatlung pung taon na ang nakakalipas pero hindi ko parin nalilimutan ang mga pinagdaanan ko kahit noong sanggol pa lamang ako. Hindi ko malimutan ang isang anghel na nagturo sa'kin para makalakad. Hindi ko malimutan na may mga taong mababait na nagpapakain sa'kin nung ako'y nakakatakbo na. Pero ganitong buhay ang gusto ng Diyos sa'kin. Ang mabuhay ng may alam kahit hindi nakapag aral. Naghahanap ako ng mahihintuan upang makapagpahinga ng nakita ko ang lalaki na binabato ng mga tao. Nagtaka ako. Kaya sumigaw ako matapos kong makalapit.

"ITIGIL NIYO YAN!!" Lumingon silang lahat sa akin.

"Sino ka ba?" tanong ng isa.

"Hindi niyo siya dapat sinasaktan!"

"Pero may nagawa siyang kasalanan at ito ang parusa niya."

Parusa? "Pero mamamatay siya."

"Kamatayan ang kaparusahan sa mga taong gumawa ng kasalanan."

"Hindi kailan man ginawa ng Diyos ang ginagawa ninyo!"

Nagtawanan sila. "Hoy lalaki!! Kung hindi namin gagawin ito ay tutularan siya ng iba!"

"Ikulong niyo siya pero huwag niyo siyang sasaktan!!"

Lumapit ako sa lalaki. Tinulugan ko siyang tumayo. Duguan na siya. Kailangan niyang gamutin ngayon din.

"Umalis ka diyan!!" utos ng isa pero hindi ako umalis.

"Kung ganiyan kadami ang babato sa taong ito ay ganiyan din karami ang magkakasala sa Diyos."

"Sino ka ba? Walang kinalaman ang Diyos dito. Paano hihinto ang krimen kung magiging mabait tayo sa kanila."

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon