[Prostitute] Si Dalisay

10K 110 5
                                    

Kasama ko ngayon si Adonis sa loob ng bahay niya. Pareho pa kaming nakahubad at nagkumot lang kami. Tahimik siyang naninigarilyo habang malalim ang kaniyang iniisip. Hinihimas niya ang balikat ko dahil nakaakbay siya sa'kin. Nakayakap lang ako sa kaniya at nakatingin sa mukha niyang nakatingin sa malayo. Masaya ako sa mga oras na ito. Sana siya din. Mahal ko na si Adonis dahil siya ang kasagutan sa malungkot kong buhay. Sana masaya din siya ngayong kasama niya ako. Hinipo ko ang pisngi niya dala ng nag-uumapaw na kaligayan. Napatingin siya sa'kin. Pinatay niya ang upos ng sigarilyo.

"Bakit mahal ko?" parang musika sa pandinig ko iyon kahit araw araw naman kaming magkasama.

"Ano ba ang iniisip mo?" tanong ko pero ngumiti ako. Gusto kong ipaalam sa kaniya na masaya ako dahil kasama ko siya.

"Ikaw ang iniisip ko mahal ko."

"Bakit parang malungkot ka mahal ko?"

"Naalala ko lang kasi si Dalisay. Ikaw ang perpektong katauhan niya." si Dalisay ang dati niyang kasintahan.

"Ganun ba?"

"Oo, pero ikaw na ang mahal ko. Isa na lang siyang ala-ala." wala naman sa'kin kahit si Dalisay pa ang dahilan kaya mahal niya ako ngayon dahil si Romano din ang dahilan ko kaya nagustuhan ko siya.

"Bakit naman ako ang perpekto? May kulang ba sa kaniya?"

"Oo, masama ang ugali niya. Makasarili. Pero sa kabila ng lahat ay minahal ko siya. Nang ipagtapat kong mahal ko siya, natuwa siya. Mula nung araw na inamin ko 'yun ay wala nang babae pang makalapit  pa sa'kin. Dahil siguro sa magandang lalaki ako kahit tauhan lang nila ako sa bukid nila. Kaya ko siya minahal dahil ni minsan ay hindi niya ako kinagalitan man lang. Madalas niya akong ngitian. Nahuhulog ang puso ko sa tuwing ginagawa niya iyon. Marahil 'yun ang dahilan kaya ko siya nagustuhan. Pero sa kabila ng lahat, masyado siyang mapanlait. Hindi naging hadlang 'yun. Nakikita ko kasi sa kaniya na pwede siyang bumait basta ginusto niya. Nakikita ko ang kabaitan niya sa tuwing pinupuntahan niya ako sa kubo na pahingahan ko. Tanong ko sa sarili ko, 'Bakit nagustuhan niya ako?' marami namang magagandang lalaki na nagkakagusto sa kaniya. Mayayaman at mababait. Pero bukod tanging sa'kin niya binibigay ang kabaitan na alam kong kaya niyang gawin sa iba. Kaya hindi ako nawalan ng pag-asa. Alam kong magbabago siya para maging perpekto sa paningin ko. Dahil inamin niyang mahal na mahal niya ako, inari niya akong kaniya. Pinagbawalan niya ang ilang mga kababaihan sa bukid. Kahit may asawa ay kinagagalitan niya pag kinakausap ako. Para akong isang koleksyon na hindi pwedeng mahawakan. Pero sa halip na magalit ako ay lalo akong sumaya. Lagi kong tanong sa sarili ko, 'Bakit ganito ako kaswerte? Bakit sa lahat ng tao dito sa mundo, sa akin pa nagkagusto si Dalisay?' sobra ang saya ko pag sinasabi niyang masaya siya sa piling ko. Ibinigay niya ang gusto ko pero hindi iyon ang dahilan kaya masaya ako. Masaya akong may nagmamahal sa'kin na katulad ni Dalisay. Isang matagumpay na nangyari iyon sa buhay ko. Unti unti siyang nagbago hindi dahil sa hiniling ko. Nagbago siya dahil sa kapangyarihan ng pag-ibig. Nakikita niyang masaya ako sa mga kaibigan kong magsasaka. Kaya ang nagpapasaya sa'kin ang binigay niya. Masaya akong pinagsisilbihan kahit hindi ko amo kaya hinayaan niya ako sa lahat ng bagay na magpapasaya sa akin. Nang nakita kong unti unti siyang nagbago, lalo ko siyang minahal. Naging mabait siya sa mga kababaihan kung saan ako malapit. Ayaw niyang magkaroon ng dahilan na magalit ako sa kaniya. Nawala ang pagiging makasarili niya dahil sa tuwing nakikita niya akong nakatingin sa kaniya sa tuwing nagsusungit siya, nalulungkot ako. Ibinigay niya ang lahat sa'kin para mawala ang lungkot ko. Hindi ko siya pinapangunahan sa gusto niyang gawin dahil kilala ko siya. Alam kong hindi niya ako susundin. Matalino siya. Dahil sa pag-ibig niya sa'kin ay naintindihan niyang iisang tao na lang kami. Pero hindi naging matagal ang lihim naming pagsasama. Namatay siya dahil sa sakit niya. Oo matalino siya pero ang huling huling nagbago sa kaniya ay ang mga kinakain niya. Walang masama sa mga kinakain niya pero puro katas ng prutas lang ang iniinom niya na nagpasama sa kalusugan niya. Hindi siya umiinom ng tubig. Napansin ko naman 'yun pero dahil sa ayaw ko siyang pakialaman sa lahat ng gusto niya ay hindi ko siya sinita. 'Yun ang isang pagkakamali ko. Bago pa niya maisip na mali ang ginagawa niya ay huli na ang lahat. Nagkaroon na siya ng malubhang sakit at namatay. Sarili ko ang sinisisi ko. Nagbago siya nang hindi ko pinapayuhan. Ang damdamin ay malayo sa katawang lupa. Ang damdamin ay namamatay pero ang katawang lupa ay buhay pa. Pero hindi ko naisip na pag namatay ang katawang lupa, walang magagawa ang damdamin kundi sumama. Kung alam ko lang na dapat pahalagahan ang kalusugan niya, mas pinagdasal ko na lang sa Diyos 'yun kesa sa ugali niya. Sayang siya dahil perpekto na siya pero dahil sa namatay siya, namatay na din ako."

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon