[Prostitute] Dasal

6.2K 71 10
                                    

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala ang mga magulang ni Dalisay. Kung ang ama't ina ko lang ay kaya ko silang mapapayag na sumunod ako para ipalit ang sarili ko kay Adonis ng lihim. Pero ayokong sumugod doon ng hindi alam ng mga magulang ni Dalisay. Sa pagkakaalam ko, gusto lang nila akong palayain pero wala na silang paki sa ibang tao o kaya kay Adonis.

"Magdalena, nakapagpasya ka ba? Pinaalam lang namin sa'yo ito pero hindi namin gustong sumama ka doon. Isa nga lang 'yun sa pwedeng pagpilian. Sobrang mapanganib nga lang. Ang isa pang plano ay hayaan na lang si Adonis at gumawa ng iba pang plano para mapabagsak ang negosyo nila. Ipagdasal mo ang lahat, Magdalena. Alam namin na gagawin mo 'yan." sabi sa'kin ilang oras ang lumipas. Kinakabahan talaga ako. Gusto kong ibigay ang sarili ko para kay Adonis pero paano ang ibang mga babae?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka kung mapatay ako ay hindi na magawang tulungan ng magulang ni Dalisay ang mga bihag na babae. Pero mabubuhay naman si Adonis at hindi ako nakakatiyak kung pagkatapos kong mamatay ay tatahimik lang si Adonis. Ibubuwis na naman niya ang buhay niya dahil sa nangyaring pagpatay sa'kin. Baka manganib din siya.

Ano ang gagawin ko? Pumasok ako sa maliit na altar na pagmamay-ari ng magulang ni Dalisay. Lumuhod ako para magdasal.

"Panginoon, bigyan Mo ako ng talino para makapag-isip ng mabuti. Bigyan Mo ng sapat na kabaitan ang magulang ni Dalisay para kung mamatay man ako, maiisip nilang iligtas ang mga babae. Sana'y dinggin Mo ang aking panalangin. Gusto kong isakripisyo ang buhay ko para kay Adonis. Pero gusto ko din na mailigtas ang mga babae. Mahal na mahal ko si Adonis. Hindi ko alam kung may dadating pang lalaki na mamahalin ko pag nawala siya. Alam kong Ikaw ang magpapasya ng mangyayari. Alam kong Ikaw ang magdedesisyon kung sino ang gusto Mong kuhanin na. Hinihiling ko sa Inyo na sana wala ka munang buhay na bawiin. Gusto ko pong mabuhay si Adonis, mailigtas ako at ang mga babae. Ano po ba ang plano Niyo? Panginoon, nasa panganib si Adonis. Alam ko kung gaano Mo kagusto na tulungan ako kaya pagtapos ng maghapon na ito, sana ibigay Mo sa'kin ang talino at pagtanggap sa lahat. Kailangan kong magpasya. Ang pinaka mabisa ay mabuhay ako para maisakatuparan ang misyon kaya sana pumayag Kang mamatay na ako para kay Adonis habang itutuloy pa ang misyon. Maraming salamat, Panginoon. Alam kong kahit walang wala na ako ay tinutulungan Mo ako. Alam kong kahit wala na akong kakampi ay andiyan Ka sa tabi ko. Alam kong kahit nag-iisa ako ay ginagabayan Mo ako para hindi manganib. Pero mas alam kong kaya buhay pa ako dahil may plano Ka para sa akin. Ibigay Niyo sa akin o sa amin ang pinakaepektibong paraan para mapabagsak ang prostitusyon na kumukulong sa karamihan. Pinapaubaya ko na sa Inyo ang lahat ng ito. Sana matulungan Mo kami. Nagmamakaawa ako. Panginoon, lahat ng mangyayari ay nasa kamay Mo. Maraming salamat sa mga pagkain na binibigay mo para kami'y mabuhay. Hinding hindi ako tatalikod sa Inyo kahit ano pa ang mangyari dahil Ikaw ang nagbigay ng buhay sa mga tao. Talino lang po Ama ko ang hinihiling ko at isang damdamin na kayanin ang lahat. Kung gusto Niyong mabuhay ako, bigyan Mo ako ng matatag na damdamin para kayanin ang lahat. Pero ang unang una ay, sana mabuhay si Adonis. Amen."   

Muli akong tumayo at nagpunas ng luha. Maghihintay pa ako ng isang araw para magpasya. Kinausap ko uli ang dumating na mensahero.

"Bukas ko sasabihin sa'yo kung ano ang pasya ko. Pinag-iisipan ko pa kung maiiwan ako dito. Basta, hinihintay ko pa ang palatandaan ng Diyos. Sasagot Siya sa'kin kaya sana maghintay ka pa hanggang bukas."

"Ah sige, Magdalena. Maghihintay ako. Pero aalis na din sana ako. Gusto namin na maiwan ka dito na nagdadasal para sa'min. Pero sige, susundin kita."

"Kailangan niyo din na magdasal. Magdasal ka. Kailangan natin 'yan! 'Yan ang pinakamabisang sandata!"

"Sige, Magdalena."

"Kung ano man ang pasya ko. Sana sundin niyo! Kung ano man ang pasya ng magulang ni Dalisay, Diyos parin ang susundin ko. Kung ano ang maisip kong gawin, bukas din.. 'yun ang gusto ng Diyos. Kaya walang makakapigil sa'kin kung gustuhin kong ibigay ang sarili ko para kabuhay si Adonis."

Matapos nun ay nagsama-sama kaming magdasal ng mga kasama kong babae. Nagbigay ako ng mensahe sa kanila na hindi ko naman pinag-aralan. Naibigay ko ang nararapat na mensahe na galing sa Panginoon. Lahat sila ay umiyak. Ang kapangyarihan ng Panginoon ay walang kapantay. Naniniwala ako sa Kaniya kaya binigyan niya ako ng karunungan. Marami na akong binasang libro pero ang Bibliya ay hindi ko nalimutan. Alam kong ang Panginoon ang magpaalala sa'kin ng lahat para makapagbigay ng mensahe na hindi kayang gawin ng taong matalino. Basta Panginoon ang tumulong sa'yo, maniwala ka lang. Ibibigay Niya ang nararapat na pagpapasya para sa sarili mo.

Matapos nun ay gumaang ang loob ko. Buong puso kong natanggap ang mga pangyayari ng ganoon kadali. Nalaman ng mga magulang ni Dalisay ang nangyari.

"Susunod po ako doon. Magtiwala po kayo sa Panginoon na ililigtas niya ako." sabi ko sa kanila dahil mas lumamang sa damdamin kong isugal ko ang buhay ko para kay Adonis dahil 'yun ang gusto ng Diyos.

"Pero Magdalena, baka patayin ka nila."

"Magtiwala kayo sa Diyos."

"Paano kung kunin ka Niya? Hindi ako makakapapayag. Kailangan mong iligtas ang sarili mo. Kawang gawa nga ang pagliligtas sa mahal mo pero mawawalan ng saysay ang lahat."

"Maiwala kayo sa Panginoon na ililigtas niya ako. Kung mamatay man ako, 'yun ay dahil gusto ng Diyos 'yun kaya sana iligtas niyo ang marami kung wala na ako. Wala kayong gagawin ngayon kundi magdasal. Sasama ako sa misyon dahil 'yun ang gusto ng puso ko. Pinagdasal ko na sana makaisip ako ng pinaka mabisang solusyon at ito na nga ang gusto kong gawin kaya alam kong ito din ang gusto ng Diyos." Hinawakan ko ang dalawang kamay ng ina ni Dalisay. "Magtiwala ka lang po sa Diyos."

Binulong ko sa Taas na sana pumayag na ang ina ni Dalisay. Sana magtiwala siya sa Diyos. Sana bigyan din ng lakas ng damdamin ang ina ni Dalisay para hindi na ito masaktan pa hangga't wala ako.

"Magdalena, sige magtitiwala ako sa Kaniya. Mag-iingat ka. Ipagdadasal kita." Ngumiti ako.

"Maraming salamat."

Ngayon ay nakasakay kami sa kotse. Kinausap ako ng mensahero.

"Magdalena, hindi ideya ng mga kasama ko ang isama ka dito. Magtataka sila kaya sana tulungan mo akong magpaliwanag."

"Ako na ang bahala."

Nagdasal uli ako sa isip ko.

"Alam kong gagawin Mo ang pinaka-maganda para sa misyon na ito. Sobrang laki ng tiwala ko Sa'yo kaya kahit ano pa ang resulta ng lahat, tatanggapin ko. Ikaw na po ang bahala. Pero ang hiling ko sana ay mabuhay si Adonis. At kung gugustuhin Mong pareho kaming mamatay, sana iligtas Mo ang mga kababaihan na nahihirapan para makuha ang totoong kaligayahan sa matuwid na paraan. Salamat po sa talino na naibigay Niyo sa'kin para alalahanin ang mga utos Niyo. Hindi ko magagawa 'yun kung hindi dahil Sa'yo dahil wala akong pinag aralan. Sapat nang katibayan ito para maniwalang Ikaw ang tumulong sa'kin dahil kung ako lang, hindi ko magagawa ang lahat. Maraming salamat dahil napadpad ako sa lugar ng mga babaeng nahihirapan. Alam kong ako ang magsisilbing instrumento para mailigtas sila. Kung hindi Mo ako binigyan ng anak, baka hindi ko maisip ang lahat kaya maraming salamat."

Nakarating kami sa isang bahay. Sana hindi na nila ipagtaka ang lahat.

"Magdalena," tawag sa'kin ng kakampi naming pulis. "Alam kong sasama ka kahit hindi namin ito gusto. Dalawang araw lang ang kailangan."

Hindi na pala sila nag-isip ng iba.

"Hindi ko pwedeng pabayaang mamatay si Adonis kaya pagpasensyahan niyo na. Ibigay niyo ako doon dahil 'yun ang gusto ng Diyos. Magtiwala kayo. Kung ano ang gusto ko, 'yun ang gusto ng Diyos dahil 'yun ang pinagdasal ko kahapon pa."

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon