[12] Ang Paglagay Sa Tahimik

10.1K 90 4
                                    

ANYWAY'S POV

"I think it's not a good idea Anyway na baguhin mo ang ending ng Prostitute!" sabi ni Miss Jenny sakin. Bakit ba nangingialam pa siya? Binili ko na ang story kaya sakin na yun.

"Miss Jenny, ako na ang nagmamay ari nito. Pinakita ko lang naman sayo pero hindi ko kailangan ang opinyon mo!" sagot ko naman.

"Anyway, hindi pwedeng ibenta yan ng ganiyan."

"That would be okay kahit walang bumili."

"Ano na lang ang sasabihin ng readers niyan? 'Sabi ko na nga ba ganun!' Hindi realistic ang story pero naging common naman."

"Gumanda nga diba?"

Napailing lang siya.

"Sige, I don't want to sell this story." Sabi ko sabay pinatay ko ang laptop.

"Akala ko ba nakapag usap na tayo?!"

"Yes! Pumayag ka diba? Pumayag ka na si Adonis ay--"

"Pero hindi ibig sabihin pati ending magbabago na!"

"Nabago ang katauhan ni Adonis kaya pati ang ending madadamay na."

"Pwedeng remedyohan yan, Anyway." sinabi lang niya at aalis ako.

"Mas gusto ko ang story na ginawa ko."

"Hindi mo yan ginawa. Si Angela ang talagang may idea sa story na yan. Bakit kasi gusto mo pa lang gumawa ng story, gumawa ka ng sarili mo!"

"Miss Jenny, wala akong alam sa ganiyan pero kaya kong ibahin ang isang story dahil sa napili kong landas nila."

Napahawak lang siya sa noo niya at napapikit. Medyo kinabahan ako sa tagpong ito. Napatigil ako. Oo nga pala writer si Miss Jenny at miski ang sarili niyang story ay hindi niya binibenta dahil mas gusto niya ang ibang story na talagang sikat. Baka nga tama siya. Pero ito ang gusto ko eh. Gusto kong sumaya si Magdalena dahil kay Romano.

Lumingon ako. Napatingin siya.

"Kung ikaw ang tatanungin Miss Jenny, ano ang gusto mong gawin sa story na to?" tanong ko dahil si Miss Jenny ang mas may alam.

"Wala! Gusto kong ibenta yan at paiksiin lang ang bilang ng chapter. May mga bitin kasi. Pero wala na akong babaguhin bukod sa kailangan lang eksakto ang bawat chapter."

I nodded.

"Kung ganun din lang naman pala, gawin na lang natin na dalawang version. Isang fancy at isang original."

"What?! Why is it going to be fancy?"

"Ang mahalaga ikaw na ang bahala tapos gagawin kong kakaiba ang isang bersyon."

"Then?!"

"Gusto kong may ibang makabasa ng version ko."

"Akala ko ba nung una ayaw mong may makabasa at nagbago na nga ang isip mo diba? Pumayag ka nang ibenta ang story tapos ngayon gusto mong may makabasa niyan? I'm not sure kung magiging maganda ang gawa mo."

Oo nga pala. Masyadong mapili si Miss Jenny.

"Gusto ko eh. Malay mo magandahan sila!"

"Anyway?! Ano ba talaga ang plano mo? Maging writer ka na lang kaya?"

"Ayoko!"

"Sa nakikita ko kasi gusto mong maging masaya ang reader sa gagawin mo eh."

"Hindi ko pangarap!"

"So, 'wag mo nang pilitin."

"Okay okay! Iedit mo na yan. Payag na ako pero ako ang bahala sa isang ito. Kung ayaw mong may makabasa, DI WAG!!" binirahan ko na lang ng alis.

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon