[16] Panahon Na Nahati Sa Tatlo

9.8K 84 5
                                    

ANYWAY'S POV

"Ano ba yan, puro katangahan nababasa ko. May tao talagang sa sobrang tanga, hindi nila magets yung ibang dapat gawin pag nasa sitwasyon sila. Kaya kadalasan, hinahayaan na lang. May kilala akong ganiyan na okay lang sa kaniya ang lahat kaya naiinis ako. Hindi mo maintindihan kung mabait o tanga kasi sa ibang banda, hindi din naman sila mabait"

Nabasa kong comment sa ADNP. Hindi ko patapos yun dahil busy ako. Bakit nga ba naisipan kong isingit ang ganung pangyayari sa story ko? Dahil sa mga kaibigan ko. Si Menchie at Bebang. Hindi sila ganun kabait pero hindi sila nagtatanim ng galit sa'kin. Why? Tanga lang ba talaga sila o mayaman ako? Tanong ko yan sa isip ko. Masaya ako after na marealize kong hindi lang pala sila dapat ituring na utusan. Ni minsan hindi sila nakatanggap sa'kin ng cash. Walang perang involve at ang tanging natatandaan ko lang ay marami silang experiences pag ako ang kasama nila. Nakakakain sila ng masarap at nakakapunta sa lugar na hindi nila mapuntahan. Tanggap ko naman na yun lang ang habol nila sa'kin umpisa pa lang pero narealize ko din na mahal na pala nila ako at tanggap nila ako bilang kaibigan. Hindi pwedeng hindi ko mapansin yun dahil kilala ko na sila ng lubos.

Hindi sila mabait pero maypagka tanga sila. Yung tipong inaalipusta mo na, okay lang sa kanila dahil totoong kaibigan ang tingin nila sa'kin. Narealize ko din na pag ayaw nila sa tao, you can't please them that easy. Gusto nila ako at kinatuwa ko yun nang marealize ko na masama pala ang ugali ko.

Tumunog ang telepono ko kaya agad kong dinampot at inilagay sa tenga. "Anie!" Tumawag si Bebang sa'kin. Ito na yung tawag na hinihintay ko.

"Why?"

"Bakit hindi ka pa mag update? Busy ka pa ba hanggang ngayon?"

Napatawa ako. Akala ko gusto nila akong makita. Actually kahit busy ako pwede ko naman silang makasama pero nagpapamiss ako. Kasi ang sarap ng feeling noong matagal na kaming hindi nagkikita, nakita ko sa mga mata nila yung pagkamiss sa'kin. Gusto ko uling maramdaman yun.

"Alam mo naman na maraming gawain." Actually, sa pag-aaral lang ako busy at hindi sa iba.

"Hindi ba talaga kaming pwedeng pumunta diyan?"

"Anytime. Kung gusto niyo, basta ayoko ng maingay ah."

"Talaga!! Sige, pupunta kami, tatawagan ko si Menchie."

Masaya ako ngayon. Ano pa ba ang mahihiling ko? Pero hindi ko maamin sa sarili ko na malungkot ako. May kulang sa buhay ko. Nagpunta ako sa terrace at umupo. Nakita ko si Saul na naglalakad papuntang pool. Nakatingin lang ako sa kaniya, hanggang sa tinanggal niya ang mga dahon na nakakalat sa tubig. Ngayon ko naisip na may sariling buhay nga din pala siya. May girlfriend na kaya siya? Ano kaya ang plano niya sa buhay?

"Saul!" tawag ko sa kaniya.

Lumapit siya. Noon kasi lagi ko siyang kinagagalitan dahil pag tinatawag ko siya, lagi siyang nagtatanong kung 'bakit?' at sinasaway ko siya na 'lumapit ka na lang at huwag ka nang magtanong pa' dahil masungit talaga ako noon. Kahit seconds dalayed lang ayokong magkaroon.

Paglapit niya ay saka niya ako tinanong, "Bakit ma'am?"

Awkward na. Pag ma'am parin ang tawag sa'kin dahil hindi ko ma siya tinuturing na utusan ngayon.

"Huwag mo na akong tawaging 'ma'am' mula ngayon. Anyway na lang." Saka ko narealize na mas closer ang tawagan sa pangalan kumpara sa 'ma'am' for Formal.

"Hindi pwede."

"At bakit naman?"

"Nakakahiya kay sir."

"Ako ang masusunod."

"Okay." Nagnod lang agad siya.

"Umupo ka." Balak ko ulit siyang kausapin. And then umupo siya sa harap ko, "May girlfriend ka na?" I asked tapos napansin ko na nagulat siya sa tanong ko.

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon