Isang buwan ang lumipas. Alam din ni Rita na hindi masyadong nagpapakita si mang Fermin.
"Mabuti nalang at laging wala ang Fermin na yan. Medyo nakakakilos ako ng ayos. Gusto ko na ngang mag laba sa ilog para hindi na ako mahirapang mag igib sa poso." sabi ni Rita pero parang hindi ako masaya dahil mararamdaman kong hindi pa tapos ang lahat.
"Wag ka munang magpakakampante Rita. Baka pinapatagal lang niya. May plano siya. Alam kong matalino siya at alam ko din na binabasa niya ang mga nasa isip ng mga taong nasa paligid niya." sagot ko.
"Paano mo nasabi?"
Alam ko yan dahil nung pinuntahan ko siya sa kubo niya, sinabi niya sakin na tiniyak niyang walang taong nakasunod sakin. Doon pa lang, alam kong sigurista siya. Hindi ko masabi kay Rita dahil ayokong ipagtapat na kusang loob akong nakipag talik kay mang Fermin.
"Naisip ko lang, kasi hanggang ngayon, walang nakakahuli sa kaniya."
"Sabagay tama ka. Oras na may namatay dito, alam nating siya ang pumatay. Kaya siguro maraming takot sa kaniya ng lihim."
Baka nga may iba pang nakakakilala sa kaniya? Pero si Romano, walang alam tungkol sa kaniya. Ang alam ni Romano ay isang ordinaryong lalake lang si mang Fermin na namumuhay sa bukid.
"Natatakot ka pa ba?" tanong ko para sigurihin ang lahat.
"Hindi na sana pero salamat sayo at binalaan mo ako."
Tama nga ako. Kung susubukan niyang maging malaya, baka makapag plano si mang Fermin na gahasain siya. Isa nalang ang tanging pag asa para maging malaya.
"Kung gusto natin na makatakas ng walang namamatay. Kailangan nating umalis sa lugar na to."
"Aalis? Wala na akong pupuntahan at isa pa, hindi papayag si nanay at tatay na umalis sa lugar na to. Pag sinabi ko naman ang problema--"
"Tama Rita, hindi ka pa naman nagagahasa diba? Pwede mong ipagtapat na umaaligid si mang Fermin dito sa bahay niyo para makumbinsi mo silang umalis kayo sa lugar na ito."
"Hindi nga sila papayag. Kung ipagtatapat ko ang lahat, magagalit lang sila. Alam mo naman si tatay, hindi mo kayang kontrolin ang ugali niya. Isa pa, ayokong mahiwalay sayo."
"Oo nga, marami palang magiging kondisyon sa bagay na yan. Mailap si mang Fermin kaya hindi din tayo makakapagplano."
"Ano kaya kung ipain ko ang sarili ko o ipain mo ang sarili mo? Tapos isa sa atin ang papatay sa kaniya!"
"Maraming pwedeng mangyari. Una, sigurista si mang Fermin. Pangalawa, hindi ko kayang pumatay, ikaw kaya mo?"
"Hindi din eh."
"Kailangan na maging lihim ang lahat dahil pag may nakaalam na, siguradong gagawa ng paraan si mang Fermin."
"Magdasal nalang tayo. Natatakot din akong magkagulo at may mamatay pa."
Matapos naming mag usap ay umuwi lang ako. Isang araw kasama ko si Romano. Hindi ko alam bakit nagkakaganito ako. Gusto kong gawin namin ni Romano na magtalik pero hindi pwede. Hindi pa ako handa na malaman niyang hindi na ako birhen. Gusto kong tuksuhin si Romano pero hindi pwede. Dahil baka matukso siya sakin at malaman niya ang totoo.
Isa akong babae ngayon na nangangailangan ng lalaki. Pinagtapat ko kay Rita yon.
"Gumawa ka ng paraan para maamin mo kay Romano ang lahat ng hindi nalalaman ni Romano na si Fermin ang nakatalik mo. Maiintindihan ni Romano yun kung sakaling malaman niyang dati mong kasintahan ang nakatalik mo." payo ni Rita.
"Hindi ko kaya. Bata palang ako ay kilala na ako dito. Alam ng lahat na wala akong nagiging kasintahan."
"Kunwari ay lihim lang. Kunwari, meron na noon pero hindi mo lang kayang sabihin. Mahal ka ni Romano at matatanggap niya yun. Malalaman at malalaman niya rin yun kaya sabihin mo na."