[11] Ang Lalaking Hindi Dapat Pinapakawalan

10.7K 130 14
                                    

ANGELA'S POV

Noong una, hindi ko iniisip ang tungkol sa storya na ginawa ko. Pero ngayon, hindi ko alam na malaki pala ang mababago sa buhay ko ng dahil sa storya na yun. Naglalakad ako at ganito pala ang pakiramdam ng isang malaya. Walang iniisip na problema sa araw na ito. Hindi nagmamadali at walang iniisip na pera. Walang pagkapit sa patalim. Sa sobrang laya ng katawan ko ngayon ay patungo ako kung saan nagtatrabaho si Marvin. Medyo hindi na kami nagkikita ni Marvin dahil sa mga nangyari at sa mga problema ko. Maipapagamot ko na ang nanay ko dahil ilang araw na lang ay nakatakda na akong umuwi.

Habang naglalakad ako ay tumawag si Miss Jenny.

"Hello po!"

"Kamusta na Angela? Magaan na ba ang pakiramdam mo?"

"Ayos na ako."

"Masaya ka ba? Alam mo, kahit ako, hindi ko alam na magkakaganito ang lahat. Mabuti nalang at kahit papaano, may puso din si Anyway. In fact, gusto ka niyang maging kaibigan."

"Malaki nga po ang pasasalamat ko sa kaniya."

"Kailan mo balak umuwi?"

"Sa isang araw na. Tinawagan ko na si nanay. Gusto ko pong bumalik dito."

"Gusto ko din yan. Malay mo may talent ka pala sa pag susulat. Pwede kang gumawa habang nasa probinsya ka. Then, pwede ko naman na basahin yun."

"Ah kasi Miss Jenny, kaya ko lang nagawa ang storya na yun dahil sa pinag daanan ko sa buhay. Hindi po ako sigurado kung magagawa ko uli ang katulad nun."

"All the writers have that. All the writers have a huge imagination that simply use it to create successful story. Hindi lang dahil inspired ka, it's because, you are a writer that has imagination to play a twist."

Tumigil ako sa paglalakad ng makita ko na ang gate kung saan nagtatrabaho si Marvin.

"Blangko pa ang isip ko."

"Pwede mong gamitin sa story mo ang nangyayari ngayon. Umibig ka na ba? Yun lang ang ibang sangkap dahil ang iba ay kaya mo nang laruin."

Naalala ko si Marvin. Ngayon ko naisip na hindi lahat ng lalaki ay bumabase sa unang pagkikita lang. May itsura si Marvin na kung tutuusin, kaya niyang nakakita ng matinong babae kung gugustuhin niya. Pero dahil iba siya sa mga lalakeng nakilala ko, kinilala niya akong maigi at kahit anong gawin niya ay hindi kami bagay dahil malaki ang malulugi niya sakin. Andito lang ako para suklian ang pag unawa niya at magpasalamat sa kaniya. Nakakapang hinayang siya. Sana pag maayos na ako ay wala pa siyang kasintahan dahil kung magiging matangumpay ako sa hinaharap, siya lang ang lalakeng karapat dapat para sakin. Marvin, ikaw ang Adonis ko. Kaso hindi naman ito, storya lang, totoong buhay to at sa totoong buhay ay walang tagasulat dahil lahat ng nangyayari ay hindi sigurado. Kalimitan ay nakakadismaya lang. Gusto kong maging Adonis ko si Marvin at hindi maging ala ala lang. Pero may magagawa ba ako kung maging ala ala ko nalang siya?

"Angela, andiyan ka pa?" sabi ni Miss Jenny. Oo nga pala kausap ko siya. Bakit natulala ako ng mabanggit niya ang tungkol sa pag ibig? Umiibig ba ako?

"Pasensya na Miss Jenny."

"Basta, I will advice you. Bumalik ka dito bukas para makapag usap tayo."

"Sige po."

Matapos naming magusap ay lumapit at kumatok ako sa gate.

"Sino hinahanap mo?" tanong ng gwardya.

"Kilala mo po ba si Marvin?"

"Oo, kaso oras ng trabaho ngayon. Bumalik ka nalang."

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon