[30] Broken Heart's Hope

4.1K 53 11
                                    

ANGELA'S POV

Habang kasama ko si Marvin na naglalakad-lakad sa bukid namin ay may tumawag sakin. Nakita ko ang pangalan ni Anyway. Medyo nagtaka ako.

"Hello Anyway, napatawag ka?"

"May itatanong lang ako sayo Angela."

"Sige lang." Nakatingin lang si Marvin sakin habang nakapamewang. Hindi naman istorbo si Anyway kasi nagpapahangin lang naman kaming mag asawa.

"Ano ba ang dapat gawin kung masama ang loob mo? Kailangan ko bang ipagsigawan ito sa mundo?"

"Bakit?" Napatingin ako kay Marvin dahil iba ang reaksyon ko sa sinabi niya. Napakunot ang noo niya..

"Masama ang loob ko. Malungkot. Hindi ko alam ang gagawin. Nakakulong ako sa kwarto ko kahapon pa. Gusto kong gumawa ng bagay na makakapagpaalis ng sama ng loob ko. Kaya ko itinatanong sayo ay dahil baka napagdaanan mo na ito."

Narinig ko ang pag iyak niya.

"Ano ang nangyari Anyway?"

"Saka ko na sasabihin sayo. Gusto ko lang humingi ng kahit anong advice. Nahihirapan ako."

"Paano ko magagawa yun kung hindi ko alam ang problema mo?"

"Ano ba ang ginawa mo nang mga panahon na nagkaproblema ka ng malaki? Maliban sa paghingi ng tulong sa Diyos? Iba ang hiling pero mas iba ang damdamin na malungkot."

"Teka Anyway, hinay hinay lang. May awa ang Diyos. May mga bagay na pagsisisihan natin sa huli dahil nagawa natin ito dahil masama ang loob natin. Hindi naman tayo masisisi diyan. Alam mo na ang tama at mali. Basta kumapit ka lang sa Diyos para wala kang ibang gagawin hanggang lumipas ang lahat ng sama ng loob. Gumawa ka ng mga bagay na alam mong masisiyahan ka. Yung walang masama sa gagawin mo tulad ng paggawa ko ng istorya. Pero pagsisihan ko man ang naging trabaho ko ay hindi ko magawa dahil masaya na ako ngayon. Ang tanging hiling ko lang ngayon ay sana ibalik ang nakaraan ko kung saan wala akong ginawang pagkakamali at nakilala kita at si Marvin. Pero hindi ko na maibabalik ang lahat kaya kuntento na ako." Nabanggit ko si Marvin kaya nakatingin siya ng seryoso sakin. Mamaya ko na sasabihin sa kaniya kung bakit.

"Pero wala kang dapat pang pagsisihan. Gusto kong uminom ng alak. Gusto kong magwala. Gusto kong ipakita sa kaniya na nasira na ang buhay ko dahil galit ako. Gusto kong ipamukha sa kaniya na sana hindi niya ginawa sakin ito. Ang hirap pala. Iniisip ko palang noon na mawawala siya ay masakit na. Pero hindi ko alam na mas masakit pa pala sa imagination ko ang mararamdaman ko ngayon. Galit ako sa kaniya."

Nag alala ako. Sino naman kaya ang taong nanakit kay Anyway?

"In love ka ba? Iniwan ng taong mahal mo?"

"Parang ganun na nga Angela."

"Bakit niya ginawa sayo yun? Kahit sinong lalaki ay walang karapatan na iwan ka!"

"Meron. Pero ano pa ang magagawa ko? Wala akong choices. Akala ko ayos lang ako pero hindi pala. Masakit pala."

"Hindi ko maintindihan eh."

"Ayos lang Angela. Gusto ko lang ng kausap. Malungkot talaga ako."

"Pero sana tiisin mo nalang yan. Huwag kang iinom ng alak. Pilitin mong maging normal ka."

"Ang hirap Angela."

"Wala akong magawa. Gusto kitang tulungan pero hindi ko alam ang nangyari. Kung maibabahagi mo sa'kin ang lahat, baka malatulong ako."

Nakatayo lang si Marvin at tumingin sa himpapawid. Mukhang alam na niya na may problema si Anyway. Basta si Anyway ang kausap ko, hinahayaan lang niya ako dahil alam niyang si Anyway ang naging daan namin para umasenso kahit nasa probinsya kami.

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon