[1] Bidding

82.2K 418 30
                                    

ANGELA'S POV

"Angela may costumer ka!" sabi ng floor manager namin.

Dumiretso ako sa mga lalaki, marami sila pero isa lang sa kanila ang costumer ko. Sa itsura palang nila ay halatang hindi ako kikita ng malaki.

Umupo ako. Gaya ng dati, bolahan, kwentuhan, hanggang sa nakatatlong bote na si kuya kaya lasing na. Napansin ko sa kanila ang isang lalake na panay lang ang text habang umiinom. Halatang hindi siya interesado sa mga babae dito dahil panay lang ang ngiti niya sakin hindi katulad ng iba, kinakausap, binabastos, inaakbayan pa ako ng pasimple. Sayang, siya pa naman ang may itsura sa lahat. Sa pag uusap-usap nila ay nalaman ko na mga construction workers pala sila diyan sa bagong ginagawang building sa kabilang kalye lang nitong club na pinapasukan ko.

Naramdaman ko na lang na hinihipuan na ako ng costumer ko.

"Kuya, bawal po akong hipuan, pasensya na po."

"Ang arte mo naman, binayaran kita ah."

"Sorry po talaga. Iba nalang ang kunin niyo, wag po ako dahil ayoko po."

Sumabat yung lalaking nagtetext.

"Galangin niyo naman ang babae."

Talaga? Kaso nagalit ang costumer ko.

"Huwag silang magtrabaho dito kung ayaw nilang hindi sila ginagalang."

"Kahit na, babae parin sila. Naghahanap buhay sila."

"Maraming marangal na trabaho diyan, gusto kasi nila ang ganito kaya dito sila pumasok."

"Mahirap ang trabaho ngayon lalo na sa mga mahihirap dahil hindi sila nakapag-aral. Gaya natin."

"Marvin!! Bakit ba nakikialam ka?"

Marvin pala name niya.

"Pare, sorry kung akala mo galit ako sayo. Pasalamat tayo dahil naging lalake tayo, marami tayong pwedeng trabaho. Sa tingin mo ba pare kung naging babae ka, kaya mong magbuhat ng simento? Malamang pokpok ka!"

Nagkatawanan sila.

"Hindi naman ako ganun eh." sabi ko.

"Miss, alam ko, pagpasensyahan mo na si pareng Ogie. Mabait naman yan."

"Okay lang." Salamat din dahil may respeto ka sakin.

Natahimik na ang costumer ko at nagsalita uli si Marvin.

"Pareng Ogie. Kung may kapatid kang babae na hindi mo maibigay ang gusto dahil kapos kayo. Hindi mo siya masisisi kung magtrabaho siya sa ganito. Masakit sa atin yun."

"Oo na. Pero marami paring pwedeng pagkakitaan diyan."

"Magtaka ka kung nasa Amerika tayo pre. Nasa Pilipinas tayo eh. May marangal ngang trabaho para sa hindi nakapag-aral pero ang laki naman ng sahod. Sahod ng isang oras lang na trinabaho sa opisina."

Nagkatawanan sila, pati ako tumatawa na, hindi ko napansin.

"Miss buti naman at tumawa ka na." sabi sakin ni Marvin.

Nginitian ko siya.

Buti pa siya naiintindihan niya ako. Sana lahat ng tao sa mundo katulad nalang niya para hindi mababa ang tingin nila sakin.

Araw araw ay hindi bumababa sa 500 ang kita ko. Maganda kasi ako kaya ako ang madalas mapili ng mga lalake. Sayang kasi, kaya ko naman magtrabaho gaya ng mga trinatrabaho ng nakatapos ng highschool pero hindi pwede dahil wala akong diploma. Hindi naman pwedeng sa palengke lang or sa bakery at katulong lang ako dahil may binubuhay akong pamilya sa probinsya. Hindi pwedeng 3k lang ang ipadala ko kada isang buwan.

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon