ANGELA'S POV
Buntis ako ngayon at nakalimutan na namin ang lahat. Ang mahalaga ay masaya ako ngayon. Salamat sa Diyos dahil hindi Niya ako pinabayaan. Wala na sana akong balita kay Anyway pero tinawagan niya ako.
"Hi Angela, kamusta na? Bakit hindi ka nagchachat man lang sakin?" sabi niya agad.
Hindi kasi ako mahilig maghalungkat sa facebook kaya hindi ko na alam ang balita miski sa kaboardmate ko.
"Napatawag ka, Anyway?"
"I miss you. Wala ka bang ginagawa o kailan ka pwede? I want you here."
"Buntis ako. 6 months na."
"Oh, inaasahan ko na nga 'yan but congrats. Magkakababy ka na."
Kinausap niya ako para kamustahin. Sinabi ko kay Marvin lahat pero hindi siya pumayag. Natuwa naman ako sa binalita niya na mabenta daw ang Prostitute at gusto daw niyang basahin ko yung story niya. Hindi naman kasi ako mahilig sa wattpad. Nagtaka nga ako kasi ang laki ng pinagbago ng Prostitute kakaedit nila. Okay lang sakin dahil hindi naman nagbago ang takbo ng storya. Hindi nga lang naging halata na ako ang gumawa.
Nanganak na ako na pinangalanan kong Monalisa. Monalisa kasi ang pinangalan ko sa anak ni Magdalena. Gustong gusto ko ang pangalang Monalisa.
***
ANYWAY'S POV
"Hello, Anyway, balak namin na pumunta diyan." natuwa naman ako sa sinabi ni Angela.
"Really, kamusta ang baby?"
"Okay lang si Monalisa."
"Oh my god, Angela. Monalisa din ang name niya pala."
"Oo, balak nga ni Marvin na ipasyal si Monalisa sa pamilya niya."
"Magkita tayo ah."
"Sige."
Matapos naming mag-usap ay nagpunta ako sa office ni Jenny. Napansin ko si Karmina na isang bagong editor namin.
"Hey! Anyway, I can't believe na ikaw pala ang writer ng Prostitute?" Bungad niya and then, hindi na ako nagtaka.
"Okay, 'di ba ikaw ang mag-eedit ng iba ko pang stories?"
"Yeah but nagtataka lang ako sa mga stories mo. Involve siya sa Prostitution. Bakit?"
Actually, I don't understand. Sabi kasi sakin ni Angela, mahirap daw mabuhay sa Pilipinas kaya hindi nawawalan ng mga ganung uri ng babae. Ang kaso, mababa ang tingin ng mga tao sa kanila. Hindi ba pwedeng unahin isipin ng iba na mahirap makahanap ng trabaho? Dahil na rin sa mga tao na nakapaligid sa kanila, kaya sila natututong maging malakas. Natututong uminom at nagiiba ang ugali. Pero si Angel ay nilagay niya sa tama ang lahat.
"Sa akin na lang 'yun." sagot ko dahil wala akong oras magpaliwanag. Nung nagkwento sa akin si Angela noon ay nainis ako but nang tumagal, narealize ko na tama nga siya.
Nabuhay akong isang ordinaryong babae. Mayaman ako at na sa akin na ang lahat. Nagising ako sa katotohanan na hindi kailangan ng mamahaling gamit para maging masaya. Isang hiling lang para kay Angela, mabuhay siya ng normal. Pareho kaming hindi nabubuhay ng normal dahil lagi akong may bodyguard noon. Iba na ngayon. Dahil kay Angela, iniba ko ang style ko sa buhay.
Matapos kong ipaalam kay Jenny ang lahat. Nalaman din niyang magpupunta dito si Angela. Nag-usap kami.
"Kilala mo ba si Karmina?" Tanong agad ni Jenny.
"Oo, siya ang bagong--"
"Isa siya sa saksi nang kunin ng daddy mo ang libro ni Angela. Sobrang nanghinayang siya dahil gusto niyang mabasa ang libro. Tuwang tuwa siya dahil hindi niya akalain na mababasa niya yun."