[29] Ang Pag Buhay

3.6K 37 6
                                    

ANYWAY'S POV

Gumising ako ng maaga. Kagabi ko pa hindi nakikita si Saul. Pero mas pinili ko nalang na hindi siya hanapin. Bahala na. Alam kong dadating si daddy ngayon. Kakausapin ko siya mamaya. Sinipag akong mag-update ngayon.

Huli na ang lahat dahil sa mga oras na ito ay patay na si Pedro. Lumapit kami sa mga tao. Wala na itong hininga. Nalungkot si Israel sa pagkat hindi nabigyan ng pagkakataon na magbago si Pedro.

"Ang taong yan ay hindi pwedeng hindi mamamatay. Kahit tawagin niyo pa ang pangalan ng diyos niyo, wala nang magbabago dahil wala naman talagang diyos!!" Nagtawanan ang mga tao sa sinabi ng isa.

Nalungkot ako dahil sa lugar na ito ay walang nakakakilala sa Diyos. Mukhang mahihirapan akong tulungan si Israel. Pero ano man ang mangyari ay babaguhin namin ang lugar na ito. Abutin man ng ilang taon. Desidido na ako. Dito ako magsisimula. Ngayong may katulong na ako. Madali na akong makakapagsalita sa tao. Naniniwala ako sa kapangyarihan ng Diyos.

"Huwag kayong papakasiguro sa mga sinasabi niyo!" Galit sa sabi ni Israel. "Ang kasama ko ay isang banal." Nagtawanan uli ang mga tao.

Seryoso lang ako. Sige, tawagin nila akong banal. Kahit tao lang ako. Tao lang ako pero kaya kong magpakabanal alang ala sa mga gustong maniwala sa Diyos.

"Makinig kayo. Totoong may Diyos." sabi ko. Alam kong mananatili silang walang paniniwala pero umpisa palang ito. "Kaya kayo nandito ngayon ay dahil sa kaniya. Kung walang Diyos, baka pati kayo ay napahamak na."

Nagsalita na naman ang isa ayon sa inaasahan kong pagkontra sa sinabi ko.

"Ang totoo, tayo ay kusang nalikha dahil sa kombinasyon ng mga hayop. Wala talagang diyos na lumikha satin!!"

Nakatingin sakin si Israel. Hindi niya din siguro alam kung paano papaliwanagan ang taong matindi ang paniniwalang walang Diyos.

Pumikit ako. Alam kong tutulungan ako ng Diyos sa pagkakataong ito. "Makinig kayo. Sampu ng inyong kaanak ay galing kay Adan. Perpektong nilalang na hindi kayang gawin ng kombinasyon ng mga hayop! Saan galing ang talino niyo? Saan galing ang talento niyo para makapagsalita? Hindi pwedeng sa unggoy gaya ng paniniwala niyo! Imposibleng walang naglikha satin dahil kung gagamitin niyo ang utak niyo.." Tumingin ako kay Pedro. "Alam niyong hindi pwedeng kainin ang tao gaya ng ginagawa ng mga hayop kung patay na ang kapwa nila hayop. Wala kayong talino kung walang Diyos." Tumahimik sila.

Ngumiti sakin si Israel. Pero may isang tao ang gustong humamon sakin.

"Hindi ang Diyos ang lumikha satin. Walang kapangyarihan ang diyos niyo! Sadya lang na marunong tayo! Kung talagang totoo ang Diyos, bubuhayin mo any taong yan." Tinuro niya si Pedro.

"Hindi ko kayang buhayin ang taong yan pero alam kong sa langit ang punta niya." Wala nang maniniwala sakin kaya sinenyasan ko si Israel na kunin na si Pedro para mabigyan ng magandang libing.

"Huwag niyong kukunin ang taong yan!!" Tumingin kami sa nagsalita. Isa itong alagad ng batas. Lumapit siya. "Mabubulok ang katawan niya hanggang maging pataba sa lupa. Kahit patay na siya, wala kayong karapatan na kunin siya."

"Pero karapatan niya parin na mabigyan ng magandang libing!" sabi ko. Kawawa naman si Pedro. Ito na yata ang pinakamalupit na bansa na napuntahan ko.

"Huwag kayong maniniwala sa mga ganiyan. Dahil walang diyos na magpaparusa sa inyo."

"Hindi totoo yan."

Kailangang mailibing ni Pedro.

"Hindi mo kasi kayang buhayin yan dahil walang diyos! Kung totoong ma diyos, hilingin mo sa kaniya na pagyamanin kami!"

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon