ANYWAY'S POV
Hindi ko naranasan na magkaroon ng kapatid kaya hindi ko alam ang feeling. Nabasa ko ang story ni Joseph sa Bible. May nangyayaring favoritism pag marami kayong magkakapatid kaya ang nangyayari, nagkakaroon ng inggitan. Pero alam kong masasamang tao lang ang magagawang ipamigay ang kapatid nila sa iba. Ang ordinaryong tao ay medyo magkakaroon lang ng sama ng loob kaya imbis sundin nila ang kanilang magulang, lalo pa silang nagiging masama.
Kung tungkol sa ama ang last chapter ng story ko, gagawin kong tungkol sa kapatid ang susunod. Salamat sa Bible dahil kahit wala akong kapatid ay parang naranasan ko na. Nag iisa na lang ako lagi. Wala akong alam gawin ngayon. After kong ikasal ay magtatrabaho na ako. Kinakabahan ako sa mangyayari. Maybe I'm not yet ready pero wala akong magagawa. Hindi pwedeng awayin ko si Daddy. Nakakainis din pala pag gusto mong maging matuwid na anak. Ito na siguro ang isa sa pagsubok sa'kin. Alam kong pagsubok ang lahat gaya ng nangyari kay Magdalena. It was a fiction story na talagang overwhelmed ang pagsubok pero fiction man, nalampasan niya lahat. Kaya ako na may simpleng pagsubok, alam kong malalampasan ko 'to.
Sayang lang kasi hindi naaayon sa gusto ko. Gaya nga nang nangyari kay Magdalena, lahat ng bagay may dahilan. Parehong pareho kay Joseph. Bakit nga ba kailangang dumaan kay Joseph ang maraming panganib? Dahil may plano ang Diyos sa pamilya ni Jacob. Ang pagbebenta kay Joseph sa Egyptians na hindi lingid sa kaalaman ng ama nila ay isang dahilan para sila umasenso. Si Joseph kasi ay may talino para ipaliwanag ang isang panaginip. Naniniwala akong ang panaginip ay daan para makausap tayo ng Diyos. Hindi ko lang kayang ipaliwanag ang panaginip ko.
Dumating si Daddy. "Anyway, may problema ka ba? Bakit hindi mo isama ang mga kaibigan mo. Gumala kayo."
Tumayo ako sa kama para umupo. "Dad, saka na siguro. Wala akong mood. I don't understand. I'm not yet ready for being a housewife but gaya nga ng sinabi mo na lahat ng babae ay pinagdadaanan 'yan."
"Anyway, you really need to tell me whatever you're thinkin. Nagbago ka na talaga dahil kailangan mo akong sundin ng walang kapalit. Nakausap ko si Saul."
Si Saul? "Ano naman ang pinag-usapan niyo?"
"Before that, nagtaka ako sa'yo. Masaya ako dahil susundin mo ako. Pero naisip ko man kung ano ang kaligayahan mo, hindi ko inisip kung maligaya ka ba ngayon." Lumapit siya sa'kin. Hinawakan ang kamay ko. "Sabi sa'kin ni Saul, naaawa siya sa'yo dahil mula nang sumaya ka dahil nalaman mo ang magpapasaya sa'yo, dumating ang time na naging malungkot ka. Panahon na siguro para baguhin ang tradisyon. Hindi ka pa handa kaya pinapayagan na kitang maging malaya."
Nanlaki ang mata ko. "Dad," Hinawakan ko ang kamay niya. "Paano ang paghahanda. They knew that the wedding is on. How do you prefer to hold it out? Malaking--"
"Walang problema doon. Mapahiya man ako, kaligayahan mo ang nakataya, huwag ka nang magsalita dahil alam kong gusto mo din 'to. Humiling ka sa'kin ngayon ng gusto mong mangyari. Noon ayaw kong humihiling ka dahil kinakabahan ako sa hiling mo. Pero ngayong alam ko na nagbago ka na, willing akong tuparin kung ano man 'yun."
Ngumiti ako pero nagulat talaga. Ito ba yung sinasabi ni Magdalena? Ano mang oras ay magbabago ang isip ng tao dahil utos ito ng Panginoon?
"Dad, I wish itigil ang arranged marriage. I wouldn't say it to you just because, I don't want to resist what you'd like. But now, I did. I'll do what I suppose to do. Pero ngayon iisa lang ang hiling ko. Masaya ako dad. Salamat."
"Tama nga si Saul," Ngumiti siya. Niyakap ako. "Wala ka bang hiling?"
"Wala na dad." Umiyak ako sa tuwa. Yung kaba ng bumabalot sa puso ko ay nawala. Magagawa ko ang gusto ko. "I'll check my several activities before I do a further work in our company."