ANYWAY'S POV
Nakita kong maraming tao sa lamay ni Pasqual. Umupo ako sa isang tabi. Binigyan ako ng pagkain ng isang may edad na babae. Sa dami ng tao, naisip kong hindi talaga masamang tao ang tulad ni Pasqual. Napansin ko ang isang lalaki na nasa harap ng kabaong ni Pasqual. Siguro, isa siya sa anak. Sana naman mapatawad na nila ang kanilang ama. Dumating si Manong Diego. Nagsalita siya sa harap ng maraming tao.
"May gusto akong ipakilala sa inyo." Nagulat ako sa sinabi niya. Pinakilala niya ako sa mga tao. Nakaramdam ako ng hiya pero wala akong nakitang tumutol dahil karamihan ay nakangiti. "Ngayon alam ko na kung paano natin mapapaunlad ang bayang ito dahil sa kaniya." Narinig ko ang bulungan sa paligid. Pinaliwanag niyang kailangang pagandahin ang pagturing sa mga dayuhan na napapadaan. Upang bumalik ang mga ito hanggang sa dumami na. Mabibili ang mga produkto nilang noon ay sila sila lang ang nakikinabang dahil naging makasarili sila. Ang resulta ay hindi sila umunlad. Ang piyestahan ay pasasayahin upang ang ilang dayuhan ay dumami. Planado na ang lahat mula ngayon. Ang daming tao ang natuwa sa akin.
"Ikaw pala ang magliligtas sa'min sa kahirapan." sabi sa'kin ng isang matandang babae.
Naging maganda ang mga araw na dumating sa'kin. Pinakain at pinatulog nila ako sa isang magandang lugar. Pero hindi ako pwedeng manirahan habang buhay sa lugar na 'yun kaya ilang araw bago mailibing ni Pasqual ay nagpaalam na ako. Hindi ko nakausap ni isa sa mga anak niya. Laging wala ang mga ito dahil sa trabaho. Napansin kong nakakaangat nga sila sa iba. Pero ayon sa kwento sa paligid, hindi si Pasqual ang umasenso kundi ang mga anak niya. Maging ang mga tao ay hindi nila makita ang totoong nangyari sa nakaraan. Wala pa akong kapangyarihan para tipunin sila kaya bago ako umalis ay nagdasal ako. Sana maging maunlad ang lugar at sana matutong tumanaw ng utang na loob ang iba kahit alam kong tumanaw sila sa'kin ng utang na loob. Marami pa silang dapat matutunan sa pagkakalam ko. Bumalik ako sa ilog kung saan ako nanggaling dahil wala namang daanan sa kabila. Tinuro nila sa akin ang mas malapit na daan. Tumulay uli ako. Napansin ko ang isang babae na umiiyak sa tabi ng ilog. Nilapitan ko siya.
"Ate, may problema po ba?"
"Wala naman. Naalala ko lang ang ilog na ito na saksi sa mga nangyari noon," Tumutulo ang luha niya habang nagsasalita. Pero kita ko ang ngiti sa mga labi niya na may halong kalungkutan. "Ang ama ko ang nagtawid sa'min dito dahil walang tulay dito noon. Hindi ko pa naiintindihan noon kung bakit niya gingawang pahirapan ang sarili na kargahin kami para hindi kami mabasa. Ang tanging nakikita ko lang ay ang kaparusahan kapag hindi kami pumasok."
Anak ba siya ni Pasqual. Hindi malayong mangyari kasi hindi siya mukhang taga dito. Bago ang kasuutan niya.
"Gusto lang siguro ng iyong ama na makatapos kayo kaya ginawa niya ang lahat." Tumingin sa'kin ang babae matapos kong magsalita.
"Bakit mo sinasabi 'yan? May alam ka ba sa nakaraan ko?"
"Ayon sa iyong salaysay Binibini, naghirap ang iyong ama para makatawid kayo sa ilog na noo'y walang tulay. Hindi niya gagawin lahat ng 'yun kung hindi niya gustong makatapos kayo. Hindi niya kayo mahal kung hindi niya pinursige na makatapos ni isa man sa inyo. Hindi niya kayo mahal kung nakarinig kayo ni isa mang sumbat mula sa kaniya."
"Pero bata. Napag isipan ko na ang bagay na iyan. Bakit tingin ko'y may alam ka sa bagay na ito?"
"Dahil kilala ko si Pasqual."
"Siya ang ama ko!" Hindi nga ako nagkamali. "Bakit mo siya kilala?"
"Siya ang una kong nakita sa lugar niyo. Nakikiusap siya sa isang tindahan dahil nagugutom siya at walang makain. Nangako siyang magbabayad. Wala siyang trabaho dahil may sakit siya."
Lumakas ang pag-iyak ng babae sa harap ko.
"Kung noon ko pa naisip ang lahat, sana ay hindi nangyari kay tatay ang lahat. Patawarin niyo ako tatay!"
Umalis ako sa lugar na iyon nang may natutunan. Alam kong wala akong pinag-aralan. Ngayon alam ko na ang kaibahan ng may pinag-aralan kaysa sa taong matalino. Hindi porke nakatapos ay matalino na. Hindi porke may kaya sa buhay ay marami nang alam. Hindi porke mataas ang marka ay mataas na ang imahinasyon. Ang pinagdaanan sa iba't ibang klasing lugar o tao ang pinakamahusay na guro.
"Anyway, nalungkot ako sa story mong The Second Messiah." sabi ni Bebang ilang minuto bago ko maipublish ang chapter na bunuo ko.
Miski ako ay malungkot habang sinusulat ko 'yun.
"Ano ba ang pangalan ng bida?" tanong naman ni Menchie.
"Hindi ko pwedeng sabihin." sagot ko.
Pero ang totoo. Sa huli na nila malalaman na ang bida ay walang pangalan. Tinanggal ko ang ilang parte para hindi mahulaan ng readers na wala nga siyang pangalan. Siya ay iniwan lang sa basurahan. Imposible sa isang sanggol ang mabuhay kung walang nagpalaki. Pero sa fiction pwede 'yun dahil siya ang second messiah na pinadala ng Diyos sa lupa. Ang isang babae na ina ni Kristo ay nabuntis kahit isang birhen. Kaya naisip kong pwede din na gumawa ng himala ang Diyos sa katauhan ng bida sa story ko. Ang Bible ay magsisilbing fiction sa ibang hindi naniniwala. Hindi para sa'kin kaya nakaisip ako ng ibang story na hango sa Bible. Ang mga milagro sa Bible ay kahanga-hanga. But sa huli na malalaman ng readers ko ang lahat. Walang pangalan ang bida. Sa tuwing tatanungin siya ay wala siyang maisagot dahil wala siyang magulang. Wala lahat. Nang magkaisip siya sa gulang na tatlo ay saka siya kumilos sa sarili niya. Mula gulang isang oras hanggang tatlong taon ay Anghel ang nag-alaga sa kaniya.
Kumakain kaming tatlo ngayon. Masayang kumakain si Bebang at Menchie. Sila 'yung normal na taong malaya. Walang tradisyon sa lugar nila. Kaya mamahalin nila kung sino ang gusto nila. At mamaya ay uuwi din sila. Ako na naman ang maiiwan.
"Anyway, hindi ka nagbago para sa'kin." Sabi ni Bebang.
"Bakit naman?"
"Kung nagbago ka, dapat wala kami ngayon sa harap mo."
Suddenly may sinasabi silang naappreciate ko. They know me well. They even know who either I am or I was. The truth is. They are not really changed. I was changing my attitude but my heart is still not. I knew it from the start. I'm not changed. I'm still Anyway. I'm good. God provided my needs. It wasn't changed.
Gabi na. Hindi ako makatulog. Nalulungkot kasi ako. Kailangan ko na bang gumawa ng paraan? Hindi na ako pwedeng halikan ni Saul dahil malapit na ang kasal ko. Nagkita kami. Kung hindi ko siya pinigilan, malamang wala na siya ngayon dito. Malungkot na nga ako, mawawala pa siya. Nakatingin lang siya sa'kin buhat sa malayo. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Pero isa lang ang sinisiguro ko. Mahal niya ako kaya malungkot siya.
Naisip kong walang imposible sa Diyos. Kaya ang batang inalagaan ng Anghel ay nabuhay. Naisip ko lang gumawa ng milagro ng story kahit wala nang milagro sa totoong buhay. But sabi ng Pastor na nakausap ko. Marami pa daw milagro ang nangyayari sa ngayon ng hindi natin halata. Sana magmilagro para sumaya ako kahit papaano.
Alam ko na ang karugtong ng story ko.