[Epilogue]

3.3K 28 6
                                    

ANYWAY'S POV

Kasama ko si Angela ngayon. Masaya kaming nagsusukat ng damit ngayon dito sa mall.

"Anyway, hindi ako sanay magdress!" Reklamo niya pero parang hindi ko siya pinansin at inaayos ko ng konti ang suot niya.

"Hmm. I think mas maganda yung isa." Napapaisip kong sinabi at pumasok uli si Angela sa fitting room.

Hanggang sa nasa bahay na kami. Umiinom ako ng juice sa mesa ko habang nakikita ko siyang panay ang sukat sa damit na binili ko para sa kaniya. Kasal ang pupuntahan niya and she has to be presentable.

"Kinakabahan ako. Bakit kasi hindi pwedeng maiwan na ako sa reception?" Angal niya.

"Kung pwede nga lang eh." Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "Gorgeous!" Kaya nga siya natanggap bilang GRO noon dahil may natural siyang ganda at kaseksihan. I can enhance her everything. "Hindi man ikaw ang maid of honor, isa ka sa guest. At isa pa, maliit na kasalan lang ito dahil yun naman ang gusto ni Saul."

"Anyway," sabi niya at tinaasan ko siya ng kilay. Umupo at hinihintay ko ang gusto niyang sabihin. "Alam kong marami ka nang alam ngayon. Ang totoo, masaya ako sayo. Kahit gaano ka ka-yaman. Ang tingin ko sayo noon ay walang alam. Hindi naman kasi nakikita ang kaalaman sa katayuan sa buhay. Nakikita ito sa espiritwal. Salamat sayo." Niyakap niya ako.

Habang yumayakap ako sa kaniya ay may marealize na naman ako. Tama si Angela. Mas matalino ang taong maraming alam sa espiritwal. Sila kasi ang nakakaalam ng mas tama kesa sa tamang gawin.

"Salamat din Angela."

Kumalas siya sa pagkakayakap.

"Siya nga pala Anyway. Kamusta na ang story mo?"

Actually, nawalan ako ng gana.

"Hayaan mo na yun. It's not supposed to be completed. Hawak ko ang oras ko."

"Pero sayang naman. Baka makakuha ng inspirasyon sayo ang mga taong magbabasa."

"Baliwala din. Tao lang tayong lahat. Isa pa, mas pagtutuunan ko ng atensyon ang pag-aasawa at trabaho. Baka hindi na ako magsulat."

"Nakikita ko na kasi ang resulta. Pero gusto ko pa din siyang basahin."

"Sasabihin ko sayo ang mangyayari." Tumayo ako. "Binuhay nila ang taong patay na dahil sa tiwala sa Diyos. Doon magsisimula ang paniniwala ng tao sa kaniya. Hanggang sa mainggit ang matataas kaya ipapapatay siya. Babatuhin hanggang pumanaw. Ito ay kalooban ng Diyos. At may isang anghel na bababa mula sa langit upang ipakita sa tao na mali sila ng akala. Ang inakala nilang bulaang propeta ay isa palang tunay. Kaya hihingi ng tawad ang mga tao sa ibabaw ng bangkay niya. Doon na magsisimula ang paniniwala ng mga tao sa Diyos. Ituturing siyang pangalawang messiah. Dahil malalaman ng mga tao ang tungkol kay Jesus na hindi kathang isip lang dahil sa anghel na nagpakita."

"Ang ganda naman. Para sakin mas gusto ko ang mga ganoon. Pero ano nga ba ang mangyayari pa? Wala siyang pangalan. Paano siya nabuhay? Kailangang malaman ng mambabasa yun."

"Ang anghel ang magsasabi sa kanila. Pinanganak siya sa lansangan. Ginamit ng Diyos ang dalagang halos walang kasalanan. Isang pulube ang nagluwal at namatay. Walang nakakaalam nito maliban sa mga hayop na nautusan ng Diyos. Inalagaan siya sa gubat ng anghel at binigyan ng init ng isang malaking tigre. Hanggang makapaglakad at mapapadpad sa bayan. Doon siya natutong magsalita at alamin ang bagay bagay. Dalawa lang naman ang paniniwalaan natin. Ang kasamaan at kabutihan. Doon siya pumanig sa kabutihan. Iba iba ang paniniwala hanggang magsamasama ito sa isip niya. Lumaki siyang walang kasama pero ang tigre ay naprotekta sa kaniya hanggang kaya na niya ang sarili niya. Kaya wala siyang pangalan dahil iba't ibang lugar ang pinupuntahan niya. At doon na nga nagtuloy ang istorya. Kinuha ko ito sa story ni Jesus. Ginalang ng ilan at tinuring na hari. Pero kailangan niyang mamatay. Ang nakapag-aral, matalino at sakim sa pera ay ang mga taong walang alam. Kaya si Jesus na mismo ang humingi ng tawad para sa kanila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Tama ka Angela, walang alam ang may pinag-aralan kung wala siyang alam sa espiritwal. Maaaring hindi mo kayang patawarin ang taong pumatay sa anak mo dahil tao ka lang. Pero kung marunong kang magpatawad ay ibig sabihin ay matalino ka sa paningin ng Diyos. Ano ba ang kaibahan ng magpatawad sa hindi? Wala itong pinag-iba dahil ang nangyari ay nangyari na. Hindi na maibabalik. Kaya kung marunong kang magpatawad ay magkakaroon ka ng kapayapaan sa puso. Mawawala ang galit na nagpapahirap sayo." Tumingin ako sa kaniya.

Nakita ko siyang umiiyak.

"Angela." Hinaplos ko ang likod niya para icomfort siya. Hindi ko inakala na iiyak siya.

"Hanggang ngayon ay galit pa ako sa mga taong gumawa sakin ng kalokohan."

Nakatingin ako sa kaniya.

"I'm sorry Angela. Tao lang kasi tayo."

"Hindi Anyway. Salamat. Dahil sayo ay nagising na ako sa katotohanan. Tatanggalin ko na ang galit ko dahil tapos na yun. Hindi na maibabalik pa ang lahat. Sana..." Tumingin siya sakin. "Sabihin mo sa mga humahanga sayo ang lahat ng sinabi mo sakin.

Nagyakap kami. At dahil wala na sa puso ko ang pagsusulat ay gagawa nalang ako ng huling note ko sa kanila.

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon