JENNY'S POV
Boring ang araw ko, puro sakit ng ulo sa office. Nagcheck ako ng wattpad. Umakyat na sa 15k ang followers ko. Wala akong story na naging books pero may ari ako ng publishing company. Hindi ko ginagawang book ang story ko dahil hindi ko alam kung pangit ba o maganda. Marami akong napipiling stories na ginagawa kong books dahil ako mismo ang may gusto. Kahit gaano ka sikat pa ang story mo basta hindi ko nagustuhan. Hindi ko ginagawang libro. Pero lahat naman ng ginagawa kong libro ay sure na maganda kaya naibebenta talaga.
Sabi nga nila, perfectionist ako.
Kagabi natapos ko na yung binabasa ko kaya iba naman ang babasahin ko ngayon. Pero kahit maganda ang story ay hindi ko tinatapos dahil marami akong ginagawa. Minsan umaabot pa ng isang linggo bago ko ito matapos.
Nasa newsfeed ako ng wattpad ng may nakita akong story.
PROSTITUTE Ang pamagat. Hindi ko alam kung sinadya ba o talagang accidentally, nirecommend sa newsfeed ko ito na isa sa mga bagong stories.
Binasa ko ang prologue dahil curious ako.
Prologue
MAGDALENA'S POV
Ako si Magdalena. Nagbebenta ako ng aliw sa mga parokyanong dayuhan. Hindi kasi ako pinanagutan ng naging kasintahan ko kaya nang nagkaanak ako, ito na ang naging trabaho ko para mabuhay ang sanggol kong anak.
Bakit ba niya ako hindi pinanagutan? Nakilala niya na birhen pa ako. Kaya plano namin na magpakasal na bago kami magtalik. Nagtaka siya kung bakit biglang lumaki ang tiyan ko ng hindi niya ako ginagalaw.
Ano nga ba ang kwento sa likod ng misteryong ito?
Sana samahan niyo akong makipag sapalaran sa hirap ng buhay.