[17] Imagination

10.5K 171 4
                                    

ANGELA'S POV

Niyakap at nakipagbeso sa'kin si Anyway nang magkita kami.

"Ang ganda mo na ah." sabi niya. Ilang taon din kaming hindi nagkita. Iba ang ngiti niya ngayon. Dalagang dalaga na siya.

"Ang ganda ganda mo din, Anyway." nakangiti lang ako. Sa totoo lang, medyo nahihiya ako sa kaniya. Kumain muna kami sa restaurant.

Habang kumakain kami ay napagusapan namin ang tungkol sa Magdalena.

"Handa ka na ba? Kasi, ngayon ko na ipopost sa wattpad na hindi talaga ako ang writer ng Magdalena." Oo nga pala. Usapan namin 'yun.

"Hindi ba pwedeng, huwag nalang, Anyway?"

"Para 'to sa ikatatahimik ko."

"Walang masama."

"Alam ko dahil pumayag ka naman. At isa pa, binili ko na ang story. Nagamit ko siya para makilala ako. Kaya tingin ko naman, pwede kong ipagtapat sa kanila ang lahat."

"Pero--"

"Angela, pumayag ka na. Kung gusto mo ng tahimik na buhay, pwede naman. Wala naman silang magagawa."

Ano pa nga ba ang magagawa ko. Gusto ni Anyway, pumayag na ako para matapos na. Hindi ko dala si Monalisa ngayon. Nagpaalam lang ako kay Marvin. Pumayag naman siya. Hindi naman ako magpapagabi. Andito na kami ngayon sa opisina ni Miss Jenny.

"Oh Angela, how are you?" niyakap niya ako.

"Ayos lang naman ako."

"Kamusta ang baby mo?"

"Malusog naman Miss Jenny." nakangiti lang si Anyway sa pagkikita namin ni Miss Jenny.

"Itutuloy mo pa ba Anyway na iannounce sa lahat?" tanong ni Miss Jenny kay Anyway.

"Oo, para mailabas na ang lahat."

"Hindi magandang idea, Anyway. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na palampasin mo na lang."

"Hindi ako matatahimik." sumeryoso ang itsura ni Anyway.

"Ganito nalang. Kunyari, nakuha mo ang story sa isang kaibigan."

"It's Supposedly not a good decission. Hindi sa'kin nanggaling ang lahat. Hindi ko alam ang pamamalakad sa ganung story."

"But you have your own story."

"Masyadong makaluma kung ikukumpara ang Magdalena. Hindi bagay sa pagkatao ko."

"Pero halata na may alam ka sa ganoong genre?"

"Dahil na rin sa kaniya," tinuro ako ni Anyway. "Hindi ko alam, baka nagtataka na ang iba. Malayong malayo ang Magdalena sa dalawa ko pang storya."

"May mga lihim na hindi nalang binubunyag dahil may dahilan."

"Isipin mo nga Miss Jenny, sa CPBCH, college student. Sa ADNP, may Kano at may mga office guys. Very contradiction sa Magdalena. Sa mga kabataan, walang problema, paano sa mga readers na matatalino?"

"Pwedeng sabihin na nag improve ang pagsusulat mo or--"

"Pwede ba Miss Jenny! Ang dami nang nakakakilala sa'kin na nanggaling ako sa mayamang pamilya, at ang pananalita ko--"

"Ang magaling na writer ay kayang dalhin ang lahat ng bagay. May kilala akong writer na sobrang lalim ng pananagalog niya pero iba ang ugali niya sa reality."

"Miss Jenny, iba ang sitwasyon. Kung sino man 'yang kilala mo na 'yan, malamang marami na siyang nagawang stories. She already gave justice in all of her stories. Kapanipaniwala. Pero iba ang sa'kin. Iba ang Magdalena."

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon