"Gusto kong bumalik muna sa lugar niyo." sabi sakin ni Adonis. Gusto ko din naman pero kinakabahan ako. Pero gusto kong makita si Rita.
"Hindi ba mapanganib? Baka nasundan na tayo doon?" tanong ko para makasigurado kung ligtas pa ang pumunta doon.
"Hindi ka sasama dahil pupuntahan muna natin ang magulang at anak mo."
Gusto ko na din silang makita nang wala akong iniisip. Hindi pala niya ako isasama? Kampante akong kasama siya kaya parang hindi ako sang ayon. Isa pa, siguradong makikita ko naman ang anak ko anu mang oras.
"Kailan ka magpapakita sa akin?"
"Matapos ang limang araw."
"Hindi ba pwedeng sumama sa iyo?"
"Walang nakakakilala sa'kin. May importante akong dapat gawin sa lugar niyo."
Teka, naalala kong kamukha niya si Romano. Hindi kaya mapagkamalan siyang si Romano? Sigurado akong hindi siya si Romano dahil kay Dalisay. Kailangan kong alamin ang gagawin niya.
"Hindi kaya mapagkamalan kang si Romano na noo'y kasintahan ko? Ano ba kasi ang gagawin mo pa doon?"
"Kailangan kong magpanggap na ako si Romano."
"Bakit?"
"Nang magawi ako doon. Inakala ng magulang mo na ako si Romano. Hindi na ako nakapag dahilan dahil nagmamadali nga ako. Nabalitaan sa lugar niyo ang pagdating ko dahil may isang nakakita sa'kin. Nung una, inakala ko humanga lang siya kaya nginitian niya ako. Ngumiti ako. Pero namukhaan niya pala ako. Kaya nang tawagin akong Romano ng iyong Itay ay saka ko naisip ang sinabi mo sa'kin. Pinuntahan ako ng magulang niya. Niyakap ako. Matagal na panahon na palang wala si Romano sa lugar niyo. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Iyak ng iyak ang magulang niya. Naalala ko ang magulang ko kaya nagpanggap na lang ako. Dalawang araw akong namalagi sa lugar niyo. Ang saya na naramdaman ko ay hindi matumbasan ng kahit na ano sa nakaraan ko. At dahil kailangan ko nang umalis. Nangako akong babalik ako. Matapos ang limang araw. Kailangan ko sabihin na hindi muna ako magpapakita. Inakala nilang nagkabalikan tayo, Magda."
"Natuwa ako pero paano si Romano? Baka magbalik siya?"
"Hindi ko alam ang tungkol sa kaniya pero hindi sila nanibago sa'kin kahit 'yung ibang ginagawa ni Romano ay hindi ko magawa. Gaya ng pag kanta. Hindi talaga ako kumanta kaya hindi nila ako nahalata. Maraming taong gumalang sa'kin. Natuwa ako dahil ang paggalang na natanggap ko ay tulad ng isang pinakamalakas na lalaki. Napatay pala ni Romano ang masamang tao na kinatatakutan sa lugar niyo."
"Tama ka. Ang taong sumira sa buhay ko."
"Huwag kang mag alala, matapos kitang iwan sa kinalalagyan ng anak mo, babalikan kita."
Nalungkot ako dahil gusto kong makasama siya sa probinsya. Umalis na kami. Nagpaalam kay Awa. Napag usapan na itutuloy pa ang plano matapos ang ilang araw. Hindi pa tapos ang laban dahil papatayin ako ni Madam Samantha. Masama sila. Makasarili. Papatay sila para lang mabawi ako. Kung hindi ako mabawi ay mas maiging patayin na lang ako. Pwede naman nilang pakawalan ako. Pero alam na ni Awa ang kalakaran sa mga ganun para walang babaeng umalis. Pinapatay nila. Kung may hahayaan nga naman sila, maraming babae ang aalis. Pero takot silang lahat. Kailangang matigil ang oparasyon para makalaya ako. Sa malayo pa lang ay tumatakbo na ako dahil nakita ko ang isang babaeng may karga kargang bata. Karga niya ang isang taong gulang na si Monalisa.
"Magda!!" Nakangiting sabi ng Ina ko nang makilala ako. Masyadong malayo ang byahe pero hindi ako napagod ng makita ko si Monalisa. Tuwang tuwa ako dahil walang nakaabang na araw kung kailan ako aalis. Iba sa pakiramdam na makita ko silang hindi na uli ako magpapaalam. Ang ganda ng lugar dito. Kubo lang ang tinitirhan nila pero ang ayos ayos at ang payapa.
Kumain kami ng maraming prutas. Si Itay ay nagtatrabaho na daw bilang isang magsasaka. Ilang sandali pa ay may dalawang matanda na halatang mayaman ang nagpunta sa lugar namin. Tuwang tuwa sila ng makita ako. Kamukha ko ang anak nilang si Dalisay. Hanggang sa lahat ng tao ay nakangiti na sa akin. Mga trabahador na nagmamahal kay Dalisay. Nakangiti ako. Pinaliwanag na sa akin ni Adonis kung gaano siya kasaya nung nagpunta siya sa lugar namin nang hindi nagsasalita.
Ngayon paalis na siya. "Magtago ka muna sa lugar na ito pansamantala. Kung tutuusin, mahirap matunton ito pero para kang nakakulong. Hindi ka makakadalaw sa dati niyong lugar. Kaya gagawa kami ng paraan para makalaya ang pamilya mo."
"Maraming salamat, Adonis. Isang biyaya ang makilala kita." Masyadong madumi ang isip ko. Pero nilabanan ko. Gusto kong makatalik muna si Adonis bago siya umalis. Pero pinili ko na lang na magtiis. Umalis na siya at nangakong babalik matapos ang lima o anim na araw. Hindi kami sigurado kung hanggang kailan iisipin ng mga tao kung sino siya. Ang mahalaga ay nagbigay siya ng kasiyahan sa mga magulang ni Romano maging kasiyahan sa sarili niya.
Andito ako sa malaking mansyon. Ang anak kong si Monalisa ay binigyan ng tagapag alaga mula pa noong unang araw na magpunta ang mga magulang ko dito. Nakita nila ang batang si Dalisay kay Monalisa. Napakalaki ng kwarto ko. Kubo man ang tinitirhan ng mga magulang ko ay ayos lang. Ang mahalaga ay ligtas kami.
"Magdalena!" tawag ng Ina ni Dalisay sa'kin. "Gusto mo bang dito na tumira ang Ina at Ama mo?"
"Nakakahiya na po."
"Walang problema doon."
"Baka hindi sila pumayag."
Kilala ko sila na hindi mataas ang gusto sa buhay kaya alam kong makukuntento na sila sa maayos at matibay na kubo. Magingawa at presko.
"Tanungin natin sila. Alam mo, Magdalena. Hindi kami naniniwala nung una na may kamukha si Dalisay. Kahit kamukha ni Dalisay ang batang si Monalisa ay mas pinili namin na hintayin ka bago magpasya. Kaya hinayaan muna namin ang mga magulang mo sa maliit na kubo kasama ang kubo ng mga trabahador."
"Wala pong problema."
"Sige pero kailangan ko silang tanungin. Kailangan mo din silang kumbinsihin. Pwede ba?"
"Napakabait niyo po."
"Nagsisisi na ako dahil hindi ko nabigyan ng sapat na atensyon si Dalisay. Magkaroon lang ng pangalawang pagkakataon kahit imposible. Sinabi ko sa sarili kong babawi ako. Huli na ang lahat. Pero nang mabalitaan kita. Nagkaroon ng pag asa ang hiling ko. Kaya sana ituring mo akong pangalawang magulang mo."
"Makakaasa po kayo." Ngumiti ako't nagyakap kami.
Hindi namin nakumbinsi ang mga magulang ko pero wala naman na nagbago. Lagi naming kasama si Monalisa. Abala sa negosyo ang Ama ni Dalisay pero ang Ina ay hindi. Nabuhay akong prinsesa gaya ng pangarap ko. Prinsesa na mabait sa mga kasambahay. Lagi kong kinakausap ang mga babaeng manggagawa sa bukid. Nakikita ko si Romano sa mga kalalakihan na manggagawa sa bukid. Magaganda ang katawan. Muli ay nangulila ako kay Adonis. Dalawang araw pa lang ang lumilipas ay kuntento na ako. Kulang na lang ay si Adonis. Alam na pala ng magulang ni Dalisay ang tungkol kay Adonis. Hindi sila nagalit dahil patay na nga si Dalisay nang mangyari ang lahat. Nagbago si Dalisay dahil hihiwalayan siya ni Adonis pag naging salbahe pa ito sa mga magulang niya kaya nagtaka man sila ay nalaman nila ang totoo nung nalaman nila na si Adonis pala ang nakapagpabago kay Dalisay.
Dalawang araw pa ang lumipas ay si Awa naman ang nakita ko. Dinalaw niya ako.
"Dito muna ako titira. Inayos ko lang ang ilang negosyo ko. Plano kong makasama ka pa, Magdalena. Ikaw na ikaw si Dalisay noong nagbago na siya. Ikaw na ikaw ang isang Dalisay na laging nakayakap kay Adonis. Ikaw na ikaw siya."
"Ganun din ba si Dalisay?"
"Oo. Mahal na mahal niya si Adonis. Binibigay niya ang lahat ng gusto ni Adonis maliban sa mga pagkain at gamit. Ang tanging gusto lang ni Adonis ay magbago si Dalisay kaya binago ni Dalisay ang ugali niya. Hindi humiling si Adonis ng kahit ano maliban doon. Pero ang isa sa hiling ni Adonis ay bigyan ng sapat na atensyon ang mga manggagawa gaya ng ginagawa mo ngayon. Kaya pati ang mga manggagawa ay nalungkot. Sa tuwing may dumadating na kaarawan ay nagiging araw ng pista sa bukid. At si Dalisay ang laging panauhing pandangal na laging kasayaw ni Adonis. Ang tinikling ang paborito nilang sayawin."
"Gagawin ko din 'yun!" Masigla kong tugon. Ngumiti si Awa. Pero may isang gumagambala sa isip ko. Ang babaeng si Maricar. At iba pang babae na naghihirap na nakakulong. Prostitusyon ang trabaho nila kaya nag aalala ako. Oo masaya ako at kuntento. Pero sa ngalan ni Adonis ay ililigtas ko sila sa tulong ng Panginoon.