ANGELA'S POV
"Pinag iisipan kong maigi to!" sabi ni Anyway, kausap ko siya sa phone. "Madalas kong naaalala ang storya. Ang hindi ko matanggap, ako ang pinupuri. Nung una masaya. Pero ngayon hindi na."
Huminga siya ng malalim.
"Gumastos ka, Anyway."
"Hindi importante ang gastos!"
"Pero binili mo na ang story."
"Tama ka. Pero hindi parin natin maitatanggi na hindi ako ang gumawa."
"Ilihim na lang natin ang lahat."
"Pumunta ka dito."
"Plano talaga namin yan. Pero hinihintay ko pa ang dating ng bakasyon. Aayusin namin ang farm dito. Hindi pwedeng ipaasikaso sa iba dahil lalakas na ang kita namin. Si Marvin ang mag aayos bago kami lumuwas. Sana maintindihan mo."
"Ako na ang bahala sa lahat."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Ipapasundo kita at dito ka muna titira sa bahay ko kasama ni Monalisa. Magpapaalam tayo sa asawa mo."
"Madaling sabihin pero baka hindi pumayag si Marvin. Hindi siya sanay ng wala si Monalisa sa tabi niya at ayaw niyang ipaalaga ito sa iba."
Natapos ang pag uusap namin. Walang nagawa si Anyway kundi maghintay. Gusto ko na din siyang makita pero ilang buwan pa ang hihintayin. Gusto niyang ipakilala ako sa mga mambabasa niya na ako talaga ang sumulat ng Prostitute. Hindi man ako pumapayag pa pero nais niya akong makausap ng personal.
Sa totoo lang, nabasa ko ang story niya. Natuwa ako dahil binibigyan niya nang pag asa ang mga taong wala nang pag asa kahit man lang sa storya. Ang taong bagsak na at malabo nang makabangon ay pwedeng makabangon uli dahil walang imposible sa tadhana. At ngayon, may storya na naman siyang tungkol sa babaing magbebenta ng aliw sa mga parokyano. Layunin niya ay mabawasan ang mga babaing bayaran. Isa lang naman ang pag asa ng babaing wala nang pag asa. Ang pumatol sa mayaman. Hindi sila masisisi dahil sa hirap ng buhay. Pero ako? Buti na lang hindi pang story sa wattpad ang buhay ko. Isa lang akong normal na pumatol sa normal.
Nakatingin ako kay Monalisa. Tuwang tuwa ako dahil may anak na ako. Siya ang bubukas ng panibagong kinabukasan sa pamilya mamin.
***
ANYWAY'S POV
Kasama ko ngayon sila Menchie at Bebang. Ganito kami lagi kahit sobrang boring na. Hindi ako naiinis. Noon, ang gusto ko lang ay maglaboy kasama sila pero noong nawala sila sa buhay ko. Natagpuan ko ang sarili kong malungkot dahil wala sila.
Lagi lang kaming nasa kwarto ko pag weekend. Naramdaman namin na parating si Daddy. Hinintay ko siyang kumatok dahil lagi niyang ginagawa yun pag umuuwi siya.
Binuksan ni Bebang ang pinto matapos niyang kumatok.
"Hi tito!"
"Hi," Tumingin si daddy sakin. "Anyway anak. May ibabalita ako sayo."
"Ano yun, dad?" naexcite ako dahil matagal nang wala siyang negative approach sakin.
"Hindi ka na naman siguro magagalit kung ibinalik ko si Saul."
Oh my gee. A sudden moment came. Napatingin sakin si Bebang at Menchie. Hindi na ako nagpatumpik pa. Idea ni daddy yun dahil alam niyang nagbago na ako pero hindi alam ni Bebang at Menchie na papayag ako. Hindi na ako tulad nang dati na inis sa mababang uri.
Umalis na ng kwarto si daddy.
"Hoy Anyway, diba galit ka kay Saul?" tanong ni Bebang.
"Baka mag away na naman kayo ni tito niyan?" si Menchie.