[Prostitute] Pagtiwalag Sa Diyos

21.7K 209 7
                                    

Walang alam sila sa nangyari. Tanging si Rita lang ang nakakaalam.

"Magda! Hindi ko sinasadya ang lahat." mangiyak ngiyak na sabi ni Rita.

"Natatakot na ako sa pwedeng mangyari."

"Ano ang gagawin natin? Dapat natin siyang ipakulong. Hindi pwede yang ginawa niya sayo."

"Natatakot akong malaman ni Romano to."

"Malalaman at malalaman din niya yan. Hindi pwedeng hindi Magda."

"Hindi pa ako handa."

"Magda! Kailangan nang matapos ang kalokohan ng lalaki na yan. Balibalita na nanggagahasa nga yan. Totoo pala dahil ginawa niya sayo."

"Pinagbantaan niya ako eh. Papatayin daw niya si Romano."

"Kaya nga kailangan nating humingi ng tulong eh."

"Hihiwalayan ako ni Romano pag nalaman niyang hindi na ako biehen dahil nagsinungaling ako."

"Hindi ka nakakatiyak sa bagay na yan."

"Basta, kung maghihiwalay man kami, wag muna ngayon." sabi ko sabay uwi na.

Iyak ako ng iyak. Hindi ko pinapahalata sa iba. Wala na, wala na ang pinagkakaingatan ko. Sa twing nakakausap ko si Romano pakiramdam ko wala akong karapatan na yumakap sa kaniya. Nagdasal nalang ako.

Ama, ano po ba ang gusto Niyong mangyari sakin? Bakit sa dinami dami ng babae sa mundo, sakin Niyo pa pinahintulot mangyari ang ganito? Sana Ikaw ang magturo sakin ng dapat kong gawin.

Kinabukasan ay buo na ang pasya ko. Ipagtatapat ko na ang lahat dahil yun ang inuutos ng sarili ko. Kailangan kong sundin ang inuutos sakin ng Diyos. May dahilan ang lahat kung bakit nangyari ito.

ROMANO'S POV

Kausap ko ang mga kasamahan ko sa bukid.

"Pareng Roman. Ang ganda ng magiging asawa mo ah." sabi ni Sinio.

"Pare naman. Hindi pa nga ako nag-aasawa." Sagot ko.

"Porket mag aasawa ka na susunod na taon, may kahulugan na sayo ang salitang yun?"

"Siyempre naman."

"Tagal na kitang sinasabian nun dahil yun talaga ang tawag ko sayo. Dikit tayo diba?"

"Malapit na namang magkatotoo."

"Pangako yan ah."

"Oo."

"Sigurado kahit asawa mo na si Magda, marami paring magkakagusto sa kaniya."

"Alam ko naman yun."

"Ang swerte mo nga kasi ikaw ang pinili ni Magda eh."

"Hindi naman kasi siya tumitingin sa estado ng buhay. Kahit mayayaman ang nanliligaw sa kaniya. Mas gusto niya parin yung masaya siya kahit hindi ako mayaman."

"Tama ka nga pero paano kung may manligaw sa kaniya?"

"Hindi malayong mangyari pero ako lang naman ang mahal niya dahil ako ang pinili niya."

"Diba ganiyan din yung nababalitaan natin sa mga magagandang kababayan natin. Pumapatol sa iba pag kapos sa pera, dahil may itsura sila't lapitin ng tukso."

"Hindi magagawa ni Magda yun dahil maka Diyos siya. Iba ang ugali ng maka Diyos sa ordinayong nabubuhay na makasalanan."

"Sabagay."

"Atsaka gagawin ko ang lahat para hindi kami kapusin sa pera. Hindi maganda sa isang maganda ang nagkakaproblema."

"Kahit naman ako eh. Kung kasing ganda ba ni Magda ang kasintahan ko malamang, kakayod ako ng doble."

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon