[18] Taking Advantage

8.3K 89 3
                                    

ANYWAY'S POV

: Okay lang Miss Anyway, wala na akong paki kung hindi ikaw ang gumawa ng Prostitute. Ang mahalaga, gusto ko ang lahat ng stories mo.

: Miss Anyway, ikaw din ba may gawa ng Diary ng pokpok? True story ba yun? Kasi parang true story eh kaya nung inamin mo na hindi ikaw ang writer ng Prostitute, inisip ko na may ibang gumawa ng Diary ng pokpok.

: Wag kayong ganiyan. Sa tingin ko hanggang doon lang naman yun. Prostitute lang ang iba ang writer pero lahat kanya na. Naniniwala akong mabait na tao si Anyway kaya niya pinagtapat ang lahat.

: Nakakawalang gana na. Naghihintay ako ng story na katulad ng Prostitute kasi nainlove na ako sa story. I always look forward pero mukhang hindi na matutupad yun. Look forward nalang ako sa bagong story pero hindi ko na makikita ang story ng Prostitute.

: Ayoko nang magbasa ng story mo. Sinungaling ka Anyway, kaya hindi malayong may tinatago ka pa.

: Noon akala ko pokpok ka Anyway, sana wag kang magalit. Pero dahil pinagtapat mo na ang lahat with explain, alam kong ginaya mo lang ang prostitute kaya gumagawa ka ng story about sa mga pokpok. Salamat po kasi galit ako sa kanila. Hindi pala dapat sila minamata. Dahil sayo Anyway, nag iba ang paniniwala ko.

: Bilang lalaki, nacurious lang ako sa mga story mo Anyway but anyway, magaganda lahat. Wala na akong paki kung sino ang writer. Kudos sa kaniya kung sino man siya.

: Nakagawa din ako ng story dahil sa prostitute, kaya masasabi ko lang na siguro ganun din ang ginawa mo Anyway.

: Anyway, sex tayo.

: Anyway, ang ganda mo. Magkano ka?

: Anyway, kahit hindi mo ako pansinin, ayos lang. Pero sana naman, nababasa mo ang comments ko. Gusto ko lang ipaabot sayo na marami akong natutunan lalo na sa Prostitute. Ang astig nila lahat.

: Bitin yung CPBCH. Sana may sequel.

: Tapos na pala yung ADNP. Ang saya ko kasi naging masaya si Angel.

: Saan po ba mabibili yung CPBCH? Wala akong makita eh. O baka OOS lang? Gusto kong mabasa yung new version eh. Naedit na daw.

"Huwag kang papaapekto sa mga 'yan. Mas marami parin ang hindi galit sa'yo." sabi ni Miss Jenny habang pareho naming binabasa ang mga comments sa post ko sa Facebook. Not included ang personal. Iilan lang naman ang nakasaksi pero kumalat na ang balita. Walang comment ang co-writers ko sa Wattpad. Sabagay, ano pa ba ang masasabi nila? Lahat naman kami may point of view na hindi kailangang hinuhusgahan.

"Yeah I'm sure hindi pa diyan matatapos ang lahat."

May nabasa ako sa inbox.

: Anyway, alam kong hindi ikaw ang writer ng prostitute dahil saksi ako nung pinasubasta ito. Saksi din ako sa taong nakakuha ng libro na yun. Napag-alaman ko kailan lang na ama mo pala siya. Maganda ang ibang story mo kaya tingin ko, marami parin ang maghihintay ng mga stories mo. Incase na mawalan ka ng gana sa mga nababasa mo, kailangan mong bumangon muli. At hindi bagay ang pamagat kaya alam kong hindi pa talaga lubos na natututo magsukat ang writer.

Lyn.

Si Miss Lyn. Akala ko baliwala din ang lahat. Kasama ko si Menchie at Bebang. Nasa loob kami ng kwarto. Back to reality. Araw araw kong kasama si Angela pero bumalik na siya sa probinsya kaya nalungkot ako. Oras oras, minuminuto, basta kasama ko siya, feeling ko laging may laman ang mga sinasabi niya. Tinanong ko sa kaniya kung paano niya binuo si Dalisay?

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon