[9] Ang Nakaraan Ni Angela

11.2K 111 5
                                    

JENNY'S POV

Nag-aalala ako. Sana maayos na ang lahat. Di bali na ngang mabura ang story, ayos lang. Ang mahalaga, may nakita akong tulad ni Angela. Tuturuan ko nalang siyang ng tamang format sa pag susulat. I know kaya pa niyang gumawa ng magandang story.

I'll call to her and I hope she's not busy right now.

"Hello Miss. Jenny!" sinagot niya.

"Hello Angela, may sasabihin lang ako."

"Tamang tama po. May sasabihin din ako."

"Sige, ahm, mahalaga ba? I'm going to talk with you in personal para makapag-usap tayo ng ayos."

"Sige po."

Nagkita kami sa mall at nakita kong may lungkot sa mga mata niya. Ano kaya ang problema niya?

"Kamusta Angela?"

"Mabuti po sa ngayon."

"Sino ba ang mauuna satin? Ako na ang mauuna para medyo good news. Maupo ka."

Umupo siya sa harap ko. Nagpunta kami sa food court.

"I'll tell you what I want to do. I'm very sure na may talent ka sa pag susulat ng story. May editor tayo pero kailangan mong matuto. You're going to write a story but you have something to learn. Madali lang. Hahayaan na nating mabura ang Prostitute."

Nagulat siya.

"Akala ko ba--"

"Hayaan na natin. Gagamitin natin ang pera niya. 2 million 'to at hindi ko pa ginagastos. Ibibigay ko sayo ang 70 percent ng 2 million. Sapat na para magawa mo ang gusto mo."

Nag-isip siya.

"Eh Miss. Jenny, ginawa ko po ang story na yun at matagal na po yun. Ayoko pong mawala ang pinaghirapan ko."

"Okay lang. Gumawa ka nalang ng iba. Alam kong magaling ka."

"Eh kasi po, ah mahirap eh. Hinalintulad ko po kasi sa buhay ko ang istorya ng Prostitute."

What?! Ano ang ibig niyang sabihin?

"Talambuhay mo? Is it exactly what the story tells?"

"Hindi po. Yung gusto ko lang mangyari ang nilagay ko. Ang totoo, mas masahol pa doon ang nangyari sakin!"

Nagulat ako. Nung una akala ko, hindi totoong prostitute. Ngayon malalaman ko na ang totoo kay Angela.

"Pwede mo bang ikwento?"

"Isa akong prostitute. Wala nang saysay ang buhay ko. Sinulat ko lahat sa notebook ang lahat ng istoryang gusto kong mangyari. Nilikha ko si Magdalena. Biktima din ako ng rape."

ANGELA'S POV

"Ang mga babae ay walang silbe sa mundo. Kahit anong pag aaral ang gawin niyo, aanakan at aanakan parin kayo kaya ang papel niyo ay mag alaga ng anak. Sayang lang ang perang pang papaaral sa inyo." yan ang sabi ng aking lasinggerong ama.

Gaya ng istoryang Prostitute, hindi na nag aral si Magdalena. Nakipag nobyo nalang siya para kung sakali ay may bubuhay sa kaniya pag tumagal. Nagkaroon ako ng kasintahan at siya nga si Harold. Gustuhin ko mang mag aral, hindi ko magawa dahil pinag aasawa na ako ng tatay ko. Namatay ang tatay ko dahil sa sakit sa baga.

Mula noon, malaya na ako pero lalo lang kaming naghirap dahil wala kaming pagkukunan ng pera. Isang araw ay may gumahasa sakin ilang ulit niya akong ginahasa. Papatayin niya ang nanay ko pag nagsumbong ako. Dumating ang araw ng sinumbong ko na siya sa pulis. Wala akong mahingan ng tulong dahil walang wala kami. Gutom ako at walang tatay. Kumalat sa lugar namin ang balita dahil nag sumbong nga ako. Nagtago ang taong gumahasa sakin. Ang boyfriend ko na si Harold ay iniwan na ako. Wala na akong magagawa pa kaya lumuwas ako dito sa Maynila para makipagsapalaran. Nakisabay ako sa isang lalake na nagmamaneho ng truck papunta dito. Para mabayaran siya ay nakipag talik ako.

Tinanong ko siya kung may alam siyang trabaho. Dinala niya ako sa isang club. At ang lalaki na nagmamaneho ng truck ang nagsabi sa nanay ko na may trabaho na ako. Siya ang tagahatid ng balita noong una hanggang nakabili ako ng cellphone. Naging madali ang komunikasyon namin ni nanay. Hindi alam ni nanay hanggang ngayon kung ano talaga ang trabaho ko. Hindi ako namuhay ng normal sa loob ng dalawang taon. Pinipilit kong kumita ng malaki para hindi ko na kailangan pang makipagsex para kumita. Kaso, nagkasakit si nanay. Wala akong magagawa kundi ang kumita ng extra.

Hanggang sa nakilala ko nga si Elsie. Siya ang boardmate ko. Siya din ang nagsabi ng wattpad sakin. Pinakita ko kasi sa kaniya ang istorya ng Magdalena. Magdalena ang title niya pero pinalitan ko. Ginawa kong prostitute ang title para daw makakuha ako ng readers sabi ni Elsie. Sa pamagat daw kasi tumitingin ang mga readers kung hindi sikat ang author.

Pagtapos ay nakilala ko nga kayo nung nagtagal.

***

JENNY'S POV

Naaawa ako kay Angela. Tama nga ang hinala ni Anyway. Isa siyang prostitute.

"May pagkakatulad nga ang story ng Prostitute sa buhay mo. Sayang, pwede natin siyang palitan ng pamagat. Mas better if the title is Magdalene or Magdalena. Ang babaing bayaran. Pero haaay. Tama ka nga. Medyo kakaiba nga ang nangyari sa buhay mo."

"Pero Miss. Jenny, May ending na ang Prostitute. Ang buhay ko ay wala pa."

"Wag kang mag alala. Tutulungan kita. Wala kabang trabaho? Ilalakad kita kay Anyway para kahit kasambahay lang muna pansamantala."

"Naalala ko, mataas daw siya magpasahod ng kasambahay."

"Kalimutan mo na ang Prostitute. Kailangan mong humingi ng tulong kay Anyway. Naaawa ako sa takbo ng buhay mo. Baka mapahamak ka."

"Salamat Miss Jenny."

"Pero since may pera ka naman. Itabi mo muna. I'm sure, masisimulan na kitang maturuan. So, wala kang kailangang habuling oras dahil hindi ka na papasok sa club. Dumito ka muna sa bahay matulog."

"Talaga po?"

"Everything is going to tie. Tutulungan kita. Kami ni Anyway. Malay mo maawa siya sayo at hayaan nalang niya ang story mo. Sa ngayon dumito ka muna. Magpaalam ka sa kaibigan mo. Hindi ka na magtatrabaho sa club mula ngayon. Ako ang bahala kung ano ang dapat mong gawin. Gagamitin natin ang pera para umasenso ka. Pag may matutuluyan ka na. Isasama mo ang nanay at kapatid mo dito."

Umiyak lang siya sa harap ko at yumakap. Nagpasalamat siya. Salamat at nakilala ko si Angela. Kung hindi, baka napahamak na siya. Maganda pa naman siya. Hindi siya karapat dapat maging ganun lang. May talino siya at hindi ang pag aaral niya ang magbibigay katuparan sa gusto niyang mangyari. Ang natural na kaalaman niya dahil sa pinagdaanan niya.

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon