[Prostitute] Totoong Ligaya

12.3K 126 4
                                    

Ilang araw ang lumipas...

"Magdalena!" tawag sakin ni ma'am Samantha.

"Ma'am, andiyan pala kayo." kasalukuyan na naglilinis ako ng mga palamuti sa mansyon. Paborito kong gawin ang mag punas ng mababangong bagay.

Lumapit si ma'am sakin.

"Hindi mo dapat ginagawa yan."

"Ako po ang may gusto nito."

"Gusto ko sanang sabihin sa'yo na pumapayag akong magbakasyon kang muli."

"Salamat po ma'am."

"Hindi ako ganoon ka higpit sa'yo dahil may tiwala ako."

"Nasasabik na po akong makita ang anak ko."

"Hanggang doon na lang ang pwede ah. Kung gusto mong makakilos nang malaya, bumalik ka dito matapos ang tatlong araw."

"Salamat po uli."

"Alamin mo kay Maricar ang lahat ng lihim dito sa bahay na 'to."

Natahimik ako dahil umalis siya. Alam ko kung anong lihim meron dito. Kinakabahan ako dahil mukhang malabo na akong makaalis sa lugar na ito. Natuwa ako noong una pero ngayon napag isip isip ko na mahirap pala. Bakit ko ba nagawa ito? Dahil sa kinabukasan ng anak ko? Bakit hindi ko inasa sa Diyos ang lahat at gumawa ng paraan para mabuhay ang anak ko sa malinis na paraan? Naging marupok ako. Dala ko ang isang maliit na bag. Pumunta ako sa kwarto ni ma'am para magpaalam.

"Sige, basta tandaan mo, maliwanag pa ngayon at aalis ka. Bumalik ka din dito ng maliwanag pa."

"Opo."

Suot ko ang isang mahabang puting palda at kita ang makinis kong dibdib. Wala na akong damit na sinusuot ko noon dahil si ma'am Samantha ang madalas pumili ng suot ko. Kagalang galang man ang dating ng suot ko, hindi maiaalis sa loob ko na marumi na ako. Naisipan kong dumaan sa simbahan para magdasal. Pumasok ako at lumuhod sa harap. Dinasal ko na sana makaalis ako sa impyernong lugar kung nasaan ako ngayon. Paano ko magagawang humiling kung puro kasalanan na ako ngayon? Ginawa ko parin dahil yun ang sabi ni nanay. Walang masama sa pagdadasal. Gasino lang yung limang minuto na uubusin ko sa pagdadasal.

Lumabas ako. Sabik na akong sumakay ng bus papunta sa anak ko.

"Magdalena!" boses ng lalaki.

Lumingon ako dahil nanggagaling ito sa likod. Nabigla ako dahil nakita ko si Adonis na kamukha ni Romano.

"A-ano ang ginagawa mo dito." wala sa sarili kong tanong.

"Ikaw ang dapat kong tinatanong niyan."

"Sino ka bang talaga?" lumalapit siya. Hindi na naman ako makagalaw. Bakit gustong gusto kong alamin ang pagkatao niya?

"Gusto mong malaman kung sino ako?"

"Oo! Ikaw yung nakita ko kamakailan sa club. Tama ba?"

"Oo at ako din yung nagpakilala sa'yong si Adonis."

Kalahating dipa na ang pagitan namin ngayon.

"Ano ang kailangan mo sa'kin?"

"Isa lang Magdalena."

"Ano nga?"

"Magkano ka?"

Nagulat uli ako. Lahat ng kliyente ko'y dumadaan kay ma'am. Hindi ako pwedeng tumanggap nang ako lang. Ano ang gagawin ko? Bibihira ang katulad niya. Gwapo at bata pa. May naalala ako. Yung pakiramdam ng makipagtalik sa taong gusto mo at hindi lang dahil sa may bayad.

"Pasensya na." wala sa sarili kong sabi pero hindi parin ako umaalis sa kinatatayuan ko.

"Inipon ko ang pera para sa'yo, Magdalena. Wag mo naman sana akong biguin."

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon