[Prostitute] Paghihiganti

6.4K 68 10
                                    

Kayakap ko ngayon si Adonis. Ayoko nang mawala pa siya. Parang nawala siya ng mahabang panahon na ngayon ko lang uli nakita.

"Adonis." Iyak ako ng iyak dahil sinuko ko na siya pero hindi pa pala tapos ang lahat. Nakatayo kami sa loob ng kwarto. Sobrang higpit ng pagkakayakap ko. "Hindi ko akalain na makikita pa kita, Adonis. Isinuko ko ang buhay mo, patawarin mo ako." Malakas na ang pag-iyak ko.

Mahigpit din ang pagkakayakap niya. "Hindi ka dapat humihingi ng kapatawaran, Magda. Mas ayokong ibigay mo ang sarili mo sa kanila."

Umupo kami sa kama.

"Adonis, sa paanong paraan ka nakatakas? Akala ko talaga pinatay ka na nila." Ngayon ay medyo kalmado na ako. Makakapag-usap na kami ng ayos.

"Swerte lang. Pinatakas ako ng kasama nila upang palabasin na nakatakas nga ako. May himala na nangyari, mahal ko. Totoo nga na makapangyarihan ang dasal. Hindi ito nagkataon lang. Nararamdaman kong tinulungan ako ng Diyos."

"Tama ka, Adonis. Pinagdasal kita. Pero bakit kasi ikaw ang nahuli? Bakit kailangang ikaw pa? Pinag-alala mo ako. Kahit ako hindi makapaniwala kahit alam kong tutulungan ako ng Diyos."

"Hindi ka na dapat nag-aalala ngayon. Hindi kasi pwedeng marami kami ang papasok sa mansyon kung nasaan hinihinala namin andoon Samantha. Ayokong may ibang madamay kaya sumugal ako. Misyon ko 'to para sa'yo kaya kailangang ako ang magsakripisyo. Pero minalas lang ako kaya nahuli nila ako. Hindi ko inakala na makikilala ako. Nakuha nila ang telepono ko."

"Magtatago na lang ako, Adonis. Natatakot ako. Ayokong maulit ang lahat."

"Itutuloy natin ang misyon. May tutulong sa'tin. Ang lalaking may anak na nagtatrabaho kay Samantha."

Yumakap ako kay Adonis. "Ayokong mamatay ka kaya magtatago na lang ako.." pero bigla kong naalala ang ibang mga kababaihan. Tumingin ako sa kaniya. "Paano niyo maipapangako na magtatagumpay kayo?"

"Hahanapin lang uli namin si Samantha. Masyadong maraming gwardya kaya mahirap. Pero may mata na kami. Siya ang taong nagtakas sa'kin. Kakampi natin siya dahil naaawa siya sa mga kababaihan."

Muli ko uli siyang niyakap. Salamat sa Diyos. Makakatulog ako ng maayos ngayong gabi.

Sana mapagtagumpayan ang misyon namin habang walang mamamatay. Maliban kay Samantha. Pero mas gusto ko sanang makulong na lang siya. Natulog kami ni Adonis ngayon at gumising ng maaga. Masaya kaming kumain ng agahan at tanghalian kinabukasan.

Dinalaw kami ni Awa.

"Adonis, maigi at nakatakas ka." Masayang bati ni Awa. Nakatingin ako sa kanila habang nagyakap sila. "Sobrang nagulat talaga ako," Tumingin si Awa sa'kin. "Alam kong hindi magiging maganda ang kinalalabasan nito kung mamamatay ka." Lumapit sa'kin si Awa at ako naman ang niyakap. "Mamaya din ay sasama ka sa'kin pabalik ng probinsya." sabi niya sa akin.

Nalungkot ako. Pero ngayon alam kong hindi na mahuhuli pa si Adonis. Wala naman akong nagawa pa kundi sumama kay Awa. Pero may sinabi si Awa na may makakatulong kaming pulis. Sana naman maging totoo na ito.

Nasa byahe kami ni Awa ngayon. Hanggang kailan ba ito? Hanggang kailan magiging ganito ang buhay ko? Nabubuhay ako sa takot at pangamba? Wala pa si Adonis ay impyerno na ang buhay ko. Ngayong dumating si Adonis para iligtas ako ay panganib parin ang kinalalabasan? Sana naman maging maayos na ang lahat. May luha na tumulo galing sa aking mga mata. Agad ko itong pinunasan.

Hanggang sa makauwi kami. Niyakap agad ako ni nanay at tatay.

"Anak, mabuti naman at walang nangyari sa iyong masama." sabi ni nanay.

Saka ko naalala ang dasal namin sa Diyos. Tinupad Niya ang hiling namin. Nakauwi ako ng ligtas pero hindi pa tapos ang laban.

"Kamusta si Adonis?" tanong naman ni tatay.

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon