[Prostitute] Ang Plano Ni Isagani

16.5K 187 15
                                    

Umagang umaga pag bukas ko ng pinto nagulat ako. Nasa harapan ko si mang Fermin.

"Magdalena."

Sinara ko agad ang pinto pero hindi ko magawa dahil tinulak niya ng kamay. Sisigaw sana ako pero sabi niya "Wag kang sisigaw. Pag nalaman ng mga tao na andito ako. Mapipilitan akong saktan si Romano."

"A-Ano ang kailangan mo?" kinakabahan kong tanong at dumistansya ako sa kaniya.

Walang tao dahil mamaya pa ang dating nila nanay. Kabadong kabado ako.

"Wag na wag kang magtatapat ah." pinakita niya sakin ang itak niya na nakasukbit sa tagiliran.

"Umalis ka na!"

"Oo aalis ako pero may kailangan pa ako sayo. Oras na malaman pa ni Romano ang bagay na nangyari satin. Alam mo na ang mangyayari. Isa lang samin ang mamamatay. Kung sino ang malakas siya ang mabubuhay. At ako yun." ngumiti siya at umalis.

Wala na talaga akong balak na sabihin pa kay Romano ang lahat. Gaya nang pang araw na araw na nangyayari, maingat na ako ngayon at hindi masyadong lumalabas. Dinalaw ako ni Romano pag uwi niya galing sa trabaho. Kasama ko siya ngayon na naglalakad lakad sa bukid. Nasalubong namin si mang Fermin kaya kinabahan na naman ako.

"Ikaw pala Romano." bati ni mang Fermin kay Romano.

"Mang Fermin." bawi ni Romano at lumampas na kami.

Tumingin ako kay mang Fermin habang naglalakad ito papalayo dahil tumigil kami saglit.

"Bakit Magda?"

"Wa-Wala."

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Mamaya may salo salo at kantahan ang mga kababaihan. Gusto mo bang sumama?" tanong niya habang nakaakbay siya sa bewang ko habang naglalakad.

"Wag na Romano. Maaga akong matutulog."

"Bakit naman?"

"Tinatamad ako."

"Ikaw ang bahala Magda. Pero ano ang isasagot ko pag hinanap ka sakin nila Rita?"

"Paki sabi nalang na masama ang pakiramdam ko."

Kinabukasan ay maaga uli akong nagising. Nakikiramdam ako kung may kakatok uli. Wala uli sila nanay dahil mamaya pa ang uwi nila. May trabaho kasi sila sa palengke ni tatay. Kinakabahan ako. Hinanda ko ang isang malaking kahoy para pamprotekta sa sarili. Pero wala pala talagang balak kumatok.

Tanghali nang dumating sila nanay.

"Mamayang gabi wala kami dito. Ikaw na ang bahala ah." sabi ni nanay.

Lagot ako nito. Alam nga pala ni mang Fermin ang bawat lakad nila tatay dahil nasa paligid lang siya.

Muli na naman akong dinalaw ni Romano.

"Mamaya may konting salo salo kila Rossana. Inimbitahan ako, gusto kong kasama ka."

"Ihahatid mo ba ako pauwi?"

"Baka hindi na. Ihahabilin nalang kita kay Rita."

"Hindi pwede. Sabay nalang tayo sa pag-uwi. Ihatid mo ako. Wala sila nanay eh."

"Aabutin sila sa gabi at walang kwenta kung uuwi ka agad. Uuwi ako dahil madaling araw pa ang gising ko bukas."

"Hindi ko na gustong tumagal pa doon."

"Bakit?"

"Nabalitaan ko kasi na dahil sa may binastos na babae kaya may nag itakan. Ayokong mabastos ako at mapaaway ka."

"Hindi mangyayari yun Magda. Lahat ng dadalo ay kakilala ko at ginagalang ako. Isa pa, ginagalang sa lugar na to ang mga magulang natin. Wala kang dapat ipag alala pa."

Wala na akong naidahilan kaya pagtapos namin kumaen sa salo salo ay nagpaalam na si Romano. Balak ko nang umuwi dahil ayoko nang magtagal pa. Nakausap ko si Rita.

"Rita, uuwi na ako. Mitras maaga pa, ihatid mo ako."

"Sige, alam ko na nanganganib ka dito mamaya. Wag kang mag alala, alam na ni Isagani ang lahat."

"Bakit mo sinabi?"

"Hindi ko sinabi ang tungkol sa iyo. Binalak din kasi akong halayin ni mang Fermin. Hindi ko kayang mahalay Magda. Nanganganib din ako. Kaya napilitan akong sabihin kay Isagani ang lahat."

"A-Ano ang sabi niya?"

"Gagawa siya ng paraan."

"Pero binalaan ako ni mang Fermin na kapag ipinagtapat ko ang nangyari ay papatayin niya si Romano."

Hanggang sa nasa pintuan na kami ng aming kubo.

"Wag kang mag alala. Hindi pa alam ni mang Fermin na sinabi ko na kay Isagani ang lahat."

"Ano ang plano niya?"

"Papatayin niya si mang Fermin dahil salot siya."

"Kinakabahan ako Rita."

"Wag kang kabahan. Alam nating lahat na maraming kaaway si mang Fermin. Iisipin ng mga tao na ang kaaway niya ang pumatay sa kaniya."

"Pumapayag kang magkasala ang nobyo mo?"

"Kesa naman manganib ako! Naaawa ako sayo Magda. Paano na kayo ni Romano ngayon?"

"Pero kasala--"

"Wala na akong magagawa!!"

"Paano kung may makakita sa kaniya?"

"Alam ni Isagani kung saan nagtitigil si mang Fermin. Sa lugar na walang tao. Walang nagbalak ba patayin siya pero ngayon kailangan na niyang mamatay dahil kung paiiralin natin ang takot. Hindi matitigil ang kasamaan niya." umalis na siya.

Maaga pa naman. Kinakabahan kong sinara ang bintana at pinto. Pero nakarinig ako ng kaluskos sa labas. Dahan kong sinilip ang maliit na siwang at nakita ko si mang Fermin. Papalayo siya. Kinabahan ako pero nung nakalayo na siya ay nakahinga na ako ng maluwag.

Salamat naman. Sana mapagtagumpayan ni Isagani ang plano. Kung hirap naman ang kapalit ng pag gawa ng mabuti. Mas maigi pang pumatay nalang para mawala na ang tinik sa lalamunan ko. Ipapaliwanag ko nalang kay Romano ang nakaraan ko. Alam kong mahal ako ni Romano kaya hindi hadlang ang nakaraan ko para iwan niya ako.

Kinabukasan. Hindi umalis sila nanay dahil wala silang tinda sa palengke. May kasama ako ngayong umaga kaya wala akong dapat na ipangamba. Biglang nagmamadali si nanay sa akin.

"Magda! Magda! Alam mo na ba ang balita?!"

"Anong balita nay?!"

"Patay na si Isagani!"

"Huh!!"

***

Author's note:

Bitin muna para sa mga nagbabasa. Alam kong sabik na kayong makita ang karugtong HAHAHA Joke lang. Andami kong silent reader sa story ko na Quotes. Salamat sa 214k reads. Nasa dalawang libo lang ang votes. Okay lang. Kahit sabihin ko na magpa dedicate kayo sakin alam kong hindi parin lilitaw ang silent reader.

Sino gusto katext ako? Trip lang natin magbolahan. Kung gusto lang. Paki PM lang ako para sa anomang impormasyon. For DTI NCR permit no. 373626282929 series on 2015.

PS: I love you.

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon