ANYWAY'S POV
Nagsusulat ako ng update. Ito ay para sa bago kong gagawing story. Nagtataka lang ako, bakit parang isang fiction ang takbo ng buhay ko?
May kumatok.
"Anyway, gising ka ba?!" Rinig kong si Daddy sa labas ng kwarto ko. Tumayo ako para buksan ang pinto.
"Dad, why?"
"Bukas, may ipapakilala ako sa'yo ah. Sana pakiharapan mo siya ng maayos. You're already 20 years old. Pwede mo nang makilala ang lalaking pinili ko para sa'yo." Huminga ako ng malalim. Hindi ko inaasahan pero alam kong mangyayari.
"Okay, Dad."
Aalis na sana siya... "Wait Anyway, pagkagraduate mo, ano ba ang plano mo?"
"Magtrabaho. Ano pa ba? but before that, I wanna have a vacation somewhere."
"Okay. Sige, aalis na ako." Umalis na siya. Plano kong magbakasyon kasama si Bebang at Menchie sa probinsya nila Angela. Tutal, I will be engaged, magsasaya muna ako. Naalala ko si Saul. I'm sorry Saul, maybe sa bago kong story, magkakatuluyan tayo. Hindi kasi pang fiction ang totoong buhay, hindi porke mabait sa'yo si Daddy, pwedeng ikaw na ang mapang-asawa ko. Hinawakan ko ang labi ko. Nakatatak pa ang halik ni Saul. Mula nang halikan niya ako, hindi na niya inulit pa kahit naghihintay ako. Naging busy ako pero moving forward on what will happen. I look forward sometimes but I can't take myself to do whatever I wanted. I wanted to kiss you Saul but why you couldn't do? After tomorrow, hindi na pwede dahil parang nagtaksil na ako.
Isa kang inusente, isa kang bibo, isa kang mabuting tao. Hindi lahat nakukuha mo dahil mahirap ka lang. Masaya ka kahit nakatingin ka lang sa himpapawid. Lahat ng tao tinatanong mo lalo't hindi mo alam ang kaganapan. Hindi ka nahihiyang malaman nilang wala kang alam. Hanggang lumaki kang nagtatanong parin. "Bakit ba sila ganiyan? Bakit sila ganun?" 'Yun ay dahil sa dami ng napagtanungan mo ay halos alam mo na ang lahat. Naintindihan mong may mga taong walang alam dahil natatakot magtanong. Taas noo mong hinarap ang katotohanan kahit masakit. Taas noo mong tinanggap na miski kailan man ay hindi ka makakalipad dahil wala kang kakayahan. Ang mga tao ay nagagalit dahil mahirap lang sila. Nagtatampo sa Itaas dahil wala silang nakukuhang grasya. Naiinggit sa mga taong puno ng grasya. Naiinggit ang mga tao sa mga taong pinagpala. Ang hindi mo matanggap ay bakit nila sinasabing wala silang pagpapala kung nabuhay sila ng matagal sa mundo? Sapat na ang makakain ng kumpleto sa isang araw, umuwing ligtas, kumita para sa pamilya, walang sakit at maging masaya para masabing ikaw ay pinagpala. Hindi sa materyal na bagay ang salitang grasya. Karamihan sa busog sa materyal na bagay ay salat sa pagmamahal. Mapait ang pinagdaanan. Gusto mong itama ang lahat kaya humayo ka upang ikalat ang isang magandang balita. Gusto mong ipaunawa sa mga tao ang bagay na natutunan mo habang lumalaki ka. Hanggang sa sinisi ka nila dahil kahit anong tawag nila sa Panginoon ay walang nangyayari sa buhay nila. Ang salapi ay kasalanan at laging parte ng kasalanan. Kasangkapan ito upang kumain ka ng wasto pero hindi mo ito dapat sambahin. Hindi mo pwedeng hingiin ang maraming salapi sa Diyos. Ang tanging maibibigay niya sa'yo ay karunungan. Karunungan para tanggapin o pagandahin ang buhay. Hindi hadlang ang kahirapan. Napatunayan mong mas may alam ka sa mayayaman kahit mahirap ka lang. Gusto mong mabago ang buhay ng maraming tao. May mga taong naniniwala sa'yo at sila 'yung kagaya mong may alam. Kahit walang makain minsan ay hindi nagrereklamo. Ano ba ang magagawa ng pagrereklamo? Kung naniniwala ka sa Diyos, dapat hindi ka magreklamo dahil alam mong totoo siya. At kung hindi ka naniniwala, walang makikinig sa'yo dahil wala namang Diyos. Sino ang kawawa? Sarili mo din. Dapat lang na ilagay ang sarili mo sa mabuti kahit mahirap ka lang. Lalong lalayo ang grasya oras na nagreklamo ka.
Inipon mo ang lahat ng natutunan mo pero tinanggap mo din na may mga taong hindi maniniwala sa'yo. Hindi ka nakapag-aral kaya miski sa simbahan ay hindi ka tinanggap o kahit saang relihiyon. Hinusgahan kang isang pekeng manglalakbay. Pero hindi ka sumuko. Hanggang nakilala mo ang isang taong sasagip sa'yo. Isang taong puno ng pagpapala. Isang taong mayaman pero naniniwala sa'yo. Mas pinaniwalaan ka niya kaysa sa ibang Pastor na nagkalat. Mas pinaniwalaan ka niya dahil nakita niya sa'yo si Kristo. Si Kristo ay isang Hari pero wala ni isang materyal na bagay. Hindi maganda ang kasuotan. Lumuhod siya sa'yo sa pag-aakalang ikaw ay isang mesiya. Naisip mong imposible kaya tinutulan mo siya. Ang mga natutunan mo sa nakaraan ay pinagtanong mo lang pero alam mong Diyos din ang nagbigay sa'yo nito. "Ang tao ay hindi pinanganak na matalino kaya hindi dapat hinahangaan ang matatalino. Lahat sila ay tinuruan lang. Lahat sila ay nagbayad o nagsaliksik. Pero lahat tayo ay may pantay pantay na kaalaman. Malawak ang ating kaalaman na hindi nabuo dahil puro tayo kasalanan. Wala tayong salapi kaya hindi natuto ang iba."
Lalo ka niyang hinangaan. Nagpatayo siya ng templo para sa'yo. Lahat ng tao sa lugar na iyon ay nakilala ka. Kumalat ang mabuting balita sa karamihan. Hanggang sa may taong pumatay sa'yo dahil lahat na yata ay hinahangaan ka. Nainggit ang iba.
Inantok ako habang sinusulat ko ito. Miski ako ay naging saksi sa mga taong mareklamo sa buhay. Hindi ko tinapos ang story dahil synopsis lang naman. Hindi pwedeng mamatay lang ng ganun ang bida kaya sisimulan ko uli sa una.
Kinabukasan, tanghali ay dumatimg ang lalaking sinasabi ni Daddy. Gwapo at mukhang mabait. Kaso, gusto kong makita siya ni Bebang at Menchie. Kahit ganun 'yung dalawang 'yun, gusto kong magcomment sila sa lalaking ito. Mayaman, gwapo. Kaharap ko siya.
"Why don't you say something?" tanong niya kasi hindi talaga ako nagsasalita. Nakikita ko buhat sa bukas na bintana si Saul. Kahit hindi niya kami nakikita, feeling ko nakikita niya kami. Mahal niya ako kaya ayoko sanang nagseselos siya. Iiwasan ko ang magselos siya sa abot nang aking makakaya. Nakikita man niya o hindi.
After kong gumraduate, magiging malaya na ako sa anuman. Wala nang pag-aaral. Tanging trabaho lang. Trabaho na alam ko na, kaya hindi na magrereview pa. Kilos at utak nalang ang kailangan. "Are you listening to me?" Lumilipad ang utak ko.
"Oh yeah, I'm sorry, Kenneth! Maybe we didn't know each other. You may please, stay away for a while? Don't worry, we soon have to be married. As for now, I don't wanna talk to you until we get married. Is that okay? No matter what happens, I'll be yours. I'm very sorry." Tumayo ako.
"Wait, Anyway!" Tumigil ako. "We have to evenly know each other."
"We don't need to do that Honey. We're still meant for each other. And of course you never betray your Dad and me also. So we don't have to know each. Even if it happens, no things can be changed. You may leave."
Nilayasan ko na siya. Pumasok ako sa kwarto. Sumilip ako sa bintana. Okay lang magalit si Daddy, hindi naman ako aatras sa kasunduan. Magtatrabaho ako sa company namin at the same time, I write a story. I can't wait the future. I want Angela here.
***
Author's note
No note availabe....