Namamalengke ako para sa darating na fiesta sa lugar namin nang may nakita akong mga babae na namimili. Mga sexy ang kasuotan nila at maiingay dahil tawanan ng tawanan. May isang babae na bumulong sakin.
"Mga bayarang babae sila." sabi nito dahil napansin niya siguro na nakatingin ako sa mga babaing yun.
"Ganun po ba?"
"Oo! Sa hirap ng buhay ngayon, nauubos na ang mga mararangal na trabaho."
"Pero bakit daw napili nilang magbenta ng katawan?"
"Napaka simple lang naman kasi ng ganung trabaho eh. Isang bukaka lang, pera na."
Umuwi ako at nag iisip. May mga kaibigan akong lumuwas ng Maynila para makapaghanapbuhay ng marangal. Kaya namang maghanap ng marangal na trabaho pero bakit may mga babae parin na nagbebenta ng katawan? Kung gusto, may paraan.
Dinala ko ang mga pinamili ko. Pera lahat ni Romano ang ginamit ko. Hindi na sana kami maghahanda kaso gusto ni Romano. Nakita ko na naman si mang Fermin. Iniiwasan ko nang tumingin sa kaniya pero aksidenteng nagbabangga ang paningin namin. Gusto ko sanang sabihin na sa iba ang nakikita ko pero baka magkagulo lang. Doble ingat nalang ako.
Dumating ang araw ng fiesta. Napagpasyahan nila Romano na mag inuman mismo dito sa tapat ng kubo namin. Masayang masaya naman ako dahil bawat silip ko sa bintana ay nakikita ko si Romano. Palagi niya akong nginingitian.
Tumagal ang inuman hanggang sa gabi. Ligtas na ligtas ako dahil nasa tabi ko si Romano ng mga oras na ito. Dinala ko siya sa kwarto ko dahil wala na ang mga kaibigan niya. Hindi ako natatakot gawin dahil kasintahan ko naman siya.
Habang sinasabi niyang mahal na ako ay unti unti niya akong hinuhubaran. Dahil mahal ko siya ay pinayagan kong gawin ang dapat na gagawin namin sa kasal na namin. Siguro hindi na niya kayang pigilin pa dahil sa kalasingan niya.
Pero hindi natuloy dahil nakatulog siya. Napangiti nalang ako at tinabihan siya sa pag tulog.
"Magda!" Tawag ng isang babae sa labas.
Lumabas ako para alamin kung sino. Nakita ko si Rosana.
"Bakit Rosana?"
"Sino ba ang kasama mo?" tanong niya.
"Kasama ko si Romano."
"Talaga? Pinapatawag ka ni Rita. Magkakantahan daw muna tayo."
"Papaano si Romano?"
"Tulog na ba?"
"Oo!"
"Wala na yan. Maaga pa naman. Sumama ka muna."
Sumama ako at nakita ko si Rita. Ang saya namin at hindi ko napansin na napatagay na pala ako. Kaya umuwi akong hilo. Nagpahatid ako kay Rita. Habang pauwi kami ay may lalaking humarang at may dalang itak.
"Mang Fermin?!" sabi ni Rita. Gulat na gulat ako.
Gabi na kasi at wala nang tao.
"Walang sisigaw kung ayaw niyong mamatay." Sabi ni mang Fermin.
Nagkapit kami ni Rita. Pero hinila ako ni mang Fermin.
"Wag po, maawa kayo." Pagmamakaawa ko.
"Magda!" mahinang sabi ni Rita.
Palibhasa mga nakainom kami ay parang wala kaming lakas. Hindi ko inaasahan na hindi parin pala ako ligtas kahit may kasama pa ako.
"Wag kang mag iingay Rita ah. Isasama ko si Magdalena. Pag nag ingay ka. Papatayin ko ang nanay mo."
Naiwan si Rita at hawak hawak ako ni mang Fermin at nakatutok ang itak sa leeg ko.
Pagdating namin sa lugar na walang katao tao at walang makakarinig samin ay pinag hahalikan na niya ako. Hindi ako makagalaw dahil hawak niya ang itak. Nakakadiri siya at pag nakuha niya ako ay tapos ang maliligayang araw ko. Hindi niya ko magagahasa pag hindi siya naghubad kaya naisip ko na tsetsempo nalang ako at tatakas. Hindi parin ako makagalaw dahil takot ako, namumula ang mata ni mang Fermin. Feeling ko, kayang kaya niya akong patayin kaya wala akong nagawa. Ang lahat ng hindi namin nagawa ni Romano ay ginawa niya sa katawan ko.
Hinubaran niya ako sa pang ibaba at ginawa niya ang gusto niya. Hinayaan ko lang siya at pikit mata kong tinanggap ang lahat. Kahit anong pagmamakaawa ko ay ayaw parin niyang tumigil. Hinihintay ko lang na bitawan niya ang itak niya para makatakbo ako.
Naghubad siya ng pang itaas pero hawak niya ako. Hindi ako makagalaw. Mali pala ang iniisip ko, akala ko makakaalis ako. Dinaganan niya ako.
Wala na akong magagawa kundi isakripisyo ang buhay ko dahil hindi pwedeng magahasa ako. Pumalag ako at nag sisisigaw. Bahala na patayin niya ako. Hindi pwedeng gawin niya ang gusto niya.
Nagpupumiglas ako dahil wala na akong pagpilian kundi lumaban. Mas maigi nang patayin niya ako. Pero nagkamali ako. Walang nakakarinig sakin kaya walang sasaklolo. Wala na akong lakas. Naubos na kakapiglas at kakasuntok ko. Ang huling lakas ko ay binuhos ko sa pagsigaw.
"Aaaaaaahhh!!" Nagising ako sa isang panaginip.
Nakita ko si Romano na nasa tabi ko at pinainom ako ng tubig. Akala ko totoo na, panaginip lang pala pero parang totoo ang lahat.
Masakit ang pagkababae ko. Nagtataka ako pero wala naman akong natatandaan na nag talik kami ni Romano.
"Nanaginip ka Magda!" Niyakap ko si Romano.
"Akala ko totoo na."
"Saan ka ba galing kagabi?" Nagulat ako sa tanong niya at inalala kung saan ako nanggaling.
Akala ko panaginip lang ang lahat. Akala ko hindi totoong nagahasa ako ni mang Fermin. Totoo pala.
Iyak ako ng iyak na yumakap kay Romano.
"Ano ba ang nangyayari sayo?"
"Wala!" Umiiyak lang ako.
"Panaginip lang yan kaya wag kang mag alala. Saan ka ba galing? Nagising ako kagabi pero wala ka. Dumating ka parang pagod na pagod ka."
Hindi nga talaga panaginip ang nangyari. Tinakpan ko ang mukha ko.
"Pasensya na Romano. Niyaya ako ni Rita na kumanta saglit."
"Ayos lang yun. Si Rita naman pala ang kasama mo. Siguro nag inom kayo ng konte kaya ka nagkakaganiyan."
Niyakap niya ako.
***
Author's Note:
Maraming similarity ang istoryang ito sa iba pero pipilitin kong maging unique ito sa ibang istorya ng Magdalena. Kilala si Magdalena na nagbebenta ng katawan. Alam natin yan pero ganun man ang istorya ko. Iibahin ko at hindi ko man mapaganda sana maintindihan niyo. Nagustuhan ko na kasi ang magsulat. Hindi naman daw dapat ikumpara ang gawa ko sa iba dahil nag uumpisa palang ako. Masaya ako sa ginagawa ko.
PS: I love you sa magandahan dito.