[Prostitute] Ang Nakaraan

5.2K 66 14
                                    

Lubha ko na talaga ikinabahala ang paghihiganti ni Semyong kaya muli akong nakipag-usap kay tatay. Kailangang ligtas si Adonis kahit anong mangyari. Hindi ko pa alam kung ano ang balita sa kanila. Kinakabahan na talaga ako. Doble ang kaba ko dahil kay Semyong. Baka baliw nga siya at patayin niya si Adonis. Kaya nang oras na sinabi ko kay tatay ang lahat ay gumawa sila ng plano. Pinapunta nila ako sa kabilang bukid upang magpakita si Semyong. Pero bigla silang lilitaw pag lumabas na ito. Kaya sa gilid sila dumaan at kumubli sa mga puno. Nasa gitna ako ng bukod habang naglalakad. Nang nakita ko na siya. Kaya tumingin ako sa paligid. Papalapit na naman siya sakin.

Sa malayo palang ay tinawag na niya ako.

"Naniniwala ka na ba sakin, Magdalena?"

Napansin kong nasa likod na ang mga kalalakihan para hulihin siya. Naramdaman niya ang mga ito kaya tumalikod siya. Nagulat sa nakita niya. At muli siyang humarap sakin. Nasa likod na namin ang iba pang kalalakihan.

"Ano ang ibig sabihin nito?" tanong niya.

Lumapit ang mga lalaki sa kaniya.

"Huwag kang kikilos mang Semyong!!" sabi ng isang lalaki at inilabas ang itak.

Hindi kumilos si Semyong. "Magdalena, ipapapatay mo ba ako?"

"Hindi po. Masyado kayong matapang magbanta. Ikinababahala ko din kasi. Pasensya na. Ipapahuli lang kita upang hindi mo magawa ang gusto mong gawin."

"HAHAHAHAHAHA!!" tumawa siya ng malakas. Nagtaka ako. "Naisahan mo ako sa pagkakataong ito. Oo masakit na mamatayan ako pero ang nangyari sa inyo ni Romano ay hindi na mag iiba pa. Nagkaroon ng lamat ang pagmamahalan niyo!"

"Tumigil ka!" Sinuntok siya ni tatay. Napayuko lang ako. "Baliw ka kaya ikukulong ka namin."

Tinalian nila ito para hindi na makawala. Naalala ko si Romano. Napansin kong dinala na siya ng mga lalaki pero nakangiti parin siya sakin. Nasira man ang pagmamahalan namin ni Romano, narito pa siya sa puso ko at dahil kay Adonis ay naging masaya uli ako. Ngunit dahil sa ngiti ni Semyong, nabuhay sa puso ko ang nasira naming relasyon.

Umuwi ako. Ipinakulong siya ng magulang ni Dalisay doon mismo sa bakiran nila para hindi na niya magawa ang plano niya. Ang inaalala ko lang, bakit walang patunay si nanay at tatay sakin na hindi talaga iisa si Adonis at Romano? Para sakin imposible yun. Hanggang sa nakatanggap kami ng tawag. Malala ang lagay ni Adonis. Iyak ako ng iyak. Nabaril siya ni Samantha sa dibdib. Pero ang magandang balita ay nasa kamay na ng kapulisan si Samantha at malaya na ang mga babaeng gustong magbagong buhay. Dali dali kaming nagpunta sa ospital. Bumyahe kami para malaman ang lagay ni Adonis. Nang makapasok kami sa ospital ay nakita namin siyang walang malay. Napaiyak ako. Ayokong mamatay siya. "Adonis!!" Niyakap ko siya habang natutulog.

"Magdalena," Rinig kong tinawag ako ng isa sa kasama niya. Lumingon ako. "Sasabihin namin sayo ang lahat." Lumabas kami ng kwarto.

"Bakit siya pa!" Lungkot na lungkot kong tanong sa kanila. Kasama ko si nanay at tatay.

"Matapos naming mabitag si Samantha ay inagaw niya ang baril sa isang pulis. Si Adonis ang inasinta niya dahil kilala nila si Adonis. Napag alaman namin kilala siya ni Samantha bago pa nila ito nabihag noon. Naikwento samin ni Adonis ang lahat bago namin mabitag si Samantha. Kaya malaki ang galit niya kay Adonis."

"Ganun ba?" Nalungkot ako. Wala na akong pakialam doon. Ang gusto ko'y mabuhay si Adonis. "Pero sana magising na siya."

"Magigising siya dahil hindi tumama sa puso niya ang bala." Mabuti nalang pero hindi parin mawala ang lungkot sa mukha ko. "Noon pa man ay plano na ni Adonis na iligtas ka." Nagtaka ako. Pero alam ko naman ang tungkol doon dahil nakilala niya ako. "Nag usap si Adonis at Samantha nung oras na hindi mo pa siya kilala." Naging interesado ako sa kwento niya. "Sinabi niyang kukuhanin ka niya pero tinawanan lang ni Samantha iyon. Binaliwala niya ang pagbabanta ni Adonis. Hindi naniwala si Samantha na kilala ka ni Adonis. Sikat ka noon sa club na laging pinupuntahan ni Adonis. Kilala ka niya kahit may maskara ka."

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon