Nalalapit na ang araw ng kasal namin ni Romano. Kinakabahan na ako dahil tatlong buwan na akong buntis. Naglalakad ako papunta kila Rita ng masalubong ko si mang Fermin.
Nginitian lang niya ako.
Ilang araw na rin akong hindi nakakapunta sa kubo niya. Hindi kaya ng katawan ko ang hindi pumunta pero kinakaya ko. Hindi man ako panagutan ni Romano, ayos lang. Tatapusin ko na ang relasyong meron kami ni mang Fermin. Nang makarating na ako kila Rita ay nakita kong may kasama siyang lalake.
"Magda, siya nga pala si Fernando. Manliligaw ko." pakilala niya.
Mukhang hindi ito ang oras para kausapin si Rita.
"Ganun ba Rita. Babalik nalang ako."
"Sige Magda. Pasensya na ah. May bisita kasi ako."
Umalis ako. Buti pa si Rita. Oo nga at namatayan siya ng kasintahan. Nasaktan siya pero hindi siya lumalabas na masamang babae. Oras na lumaki ang tiyan ko. Katapusan na nang lahat.
Nagkausap kami ni Romano. Nakayakap siya sakin habang nakaupo kami sa ginawa niyang upuan sa tambayan namin.
"Ayos ka lang ba mahal ko?" tanong niya.
Mukhang napansin niya na wala akong kibo. Andami ko kasing iniisip.
"Wala ito mahal ko. Iniisip ko lang ang nalalapit nating kasal."
"Kinakabahan ka ba?"
"Hindi naman."
Ang totoo, kinakabahan ako. Nakausap ko si mang Fermin kinabukasan. Nagpunta siya sa bahay ng umaga.
"Magda. Bakit hindi mo ako pinupuntahan?"
"Natatakot ako. Buntis ako. Mabuntis man ako o hindi. Hindi na matutuloy ang kasal dahil hindi na ako birhen."
"Marami pa namang lalake diyan. Hindi lang si Romano ang lalake sa mundo."
"Pero mahal ko siya."
"Pananagutan ko ang sarili kong anak."
Hindi na ako nakapag salita. Wala akong magagawa. Siya ang ama ng pinagdadala ko. Kung hindi ako papayag sa gusto niya, walang kikilalaning ama ang anak ko. Oras na malaman ni Romano ang lahat. Hindi ko pwedeng ilihim kung sino ang ama ng bata. Mas maigi nang kilalanin ng bata si mang Fermin bilang ama niya. Pagkatapos ay hindi na ako nakatanggi kay mang Fermin. Tinuloy ko lang ang pakikipagtalik sa kaniya. Tuwing umaga ay pumupunta siya sa bahay pag walang tao. Hindi na siya pumayag na puntahan ko siya dahil buntis ako. Malayo kasi ang lalakarin ko. Pinangako niya na oras na malaman ng lahat ito. Kaming dalawa na ang mag sasama bilang mag asawa.
Dalawang buwan pa ang lumipas. Pinagtapat ko na kay Rita na buntis ako.
"Magda. Malaking gulo yan. Sana umiwas ka na. Bakit nagpabuntis ka pa?"
"Hindi ko sinasadya ang lahat Rita. Pinilit kong umiwas pero hindi ko kaya."
"Kung malaman ni Romano ang lahat. Pwede mong ibahin ang istorya para mapaniwala mo siyang hindi mo siya niloko. Maaaring matanggap ka niya. Pero ngayon, buntis ka! Hindi kita kayang tulungan Magda."
"Alam ko naman."
"Diyos ko Magda. Kailangan mong ipalaglag ang bata."
"Hindi. Magkamalas malas na ang buhay ko. Itakwil na nila akong lahat. Pero hindi ko ipapalaglag ang anak ko!"
Niyakap ako ni Rita at umiyak siya.
"Andiyan na yan Magda. Kailangan mo nang ipagtapat ang lahat. Para hindi na sila mabigla. Hiwalayan mo na si Romano."
"Hindi pwede Rita. Mahal ko si Romano."
"Pero hindi na kayo magkakatuluyan."
"Alam ko. Hihintayin ko nalang na malaman nila."
"Unahan mo na--"
"Hindi Rita. Tatanggapin ko lahat ng sasabihin nila oras na mahalata ng lahat ang tiyan ko. Wala akong pwedeng gawin. Hindi naman siguro nila ako sasaktan."
Matapos kaming mag usap ay umuwi ako. Alam kong nagtataka na si nanay sakin dahil miski ako, nahahalata ko na ang paglaki ng tiyan ko.
"Magda! Buntis ka ba?"
"Na-nay!" nagulat ako sa tanong niya.
"Aminin mo na Magda. Wala namang masama kung buntis ka."
"Nay!!"
"Buntis ka no?"
"Oo nay pero sa lihim muna to. Ayokong ipaalam kay Romano."
"Bakit? Malalaman at malalaman din niya na magiging ama na siya. Mas maigi nang sabihin na ngayon para lalo siyang ganahan sa trabaho."
"Nay pakiusap. Wag po muna. Ako na ang magsasabi."
Pumayag si nanay pero hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Tinatago ko ang tiyan ko pag kaharap ko si Romano. Hindi ko siya pwedeng talikuran. Miski ang ibang kapit bahay namin, napapansin na ang tiyan ko. Isang araw, nakausap ko si Romano.
"Magda, may nakapagsabi sakin na posibleng buntis ka. Hindi ako naniniwala. Sabi nila, tignan ko daw ng maigi ang tiyan mo. Pano mangyayaring buntis ka? Diba wala namang nangyayari pa sa atin?"
Nagulat ako. Sabi ko na nga ba, baka may ibang magsabi sa kaniya. Ang totoo, wala namang masama na buntis ako. Pero, ang masama, iba ang nakabuntis sakin at hindi si Romano.
"Romano, tama ka. Sino ba ang nagsabi sayo?"
"Na pag usapan ka namin ng mga kasamahan ko. Yung kapatid daw ni Ernesto ang nagsabi sa kaniya. Alam mo naman na chismosa yun."
Ngumiti lang si Romano. Inakbayan niya ako at kinapa ang tiyan ko. Hindi na ako nakaiwas.
"Magda. Lumaki nga ng bahagya ang tiyan mo. May sakit ka ba?"
Naloko na. Hindi ko pwedeng idahilan na busog ako. Wala na akong magagawa pa. Kailangan kong mapalusutan to pansamantala. Tapos kailangan kong paghandaan ang pag amin ko. Tama si Rita, kailangan ko nang aminin para matapos na. Pero sa ibang araw na.
"Romano. Malaki ang puson ko. Nahihilo ako. Uwi na tayo."
Umuwi na kami.
"Mag iingat ka Magda ah. Baka may sakit ka?"
"Wala ito Romano. Sige, magpapahinga na ako."
Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip ni Romano. Natatakot akong ipagtapat pero kailangan na. Kailangan kong ituloy ang lahat. Kasalanan ko to. Bakit pa kasi pinagdudahan ko ang Diyos? Bakit akala ko ginusto niyang mangyari sakin to? Baka pinarusahan niya ako? Kung alam ko lang na magkakaganito, sana hindi na ako nagduda. Sana binuhos ko ang lahat ng tiwala sa Kaniya. Iisa lang ang nakikita ko. Pinarusahan Niya ako at kailangan ko lang na maibalik ang tiwala Niya. Itutuloy ko ang mabuhay. Kailangan kong ipagpatuloy ang pagdadasal ko para hindi mauwi sa masama ang lahat. Umaasa ako na maaayos ang lahat ng ito kahit pangit ang kinalalabasan.
***
Author's note
Pasensya na ah. Papabilisin ko na ang istorya but I need to assure na maganda ang kinalalabasan nito. Wattpad isn't my life and I need to fix something outside wattpad's world. But I love you wattpad.
Per DTI NCR Permit No. 8937 S14 valid until 01/31/15. This promo is subject to Globe's Fair Use Policy. Tran No. 0224969086992533 To check if you already have Free FB, visit m.facebook.com/free. For more info, text FREE FB to 8888.
Smart po ako hahaha!
PS: I go crazy. Got my do done. Hope, I have a nice hair now! Shalalalala!