Hindi ako tiyak kung totoo ang sinabi ni mang Fermin. Hindi na raw niya ako guguluhin pa at nangangako naman daw siya. Meron daw siyang isang salita. Kailangan ko ba siyang pagkatiwalaan? Ano kaya ang dapat kong gawin?
Sa ganap na alas nuebe ng gabi, kailangan kong pumunta sa kubo niya. Kailangan kong ibigay ang sarili ko nang kusang loob. Sa bagay, kahit naman hindi ko tuparin ang gusto ni mang Fermin, wala na rin akong magagawa pa para iligtas ang relasyon namin ni Romano. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
"Ibigay mo lang ang sarili mo ng kusang loob. Masaya na ako. Aalis na ako at wala akong intensyon na angkinin ka ng sapilitan kung ibibigay mo mamaya ang sarili mo. Yun lang ang gusto kong mangyari. May isang salita ako Magda. Hindi na kita guguluhin pa pagkatapos ng gabing ito. Alas nuebe ng gabi ay kailangang nasa kubo na kita."
Yan ang sabi niya bago siya umalis. Sabihin ko kaya kay Rita ang lahat? Alam kong nagpaplano na siya ngayon. Kung sasabihin ko kay Rita ang lahat. Baka maisipan lang niyang pagtangkaan si mang Fermin. Ngayon na isasagawa ang plano. Paano kung pumalapak? Baka buhay na naman ang kapalit. Bahala na. Kung hindi para sakin si Romano, tatanggapin ko nalang, kesa may mag buwis pa ng buhay.
Ilang oras akong umiyak. Nakakulong lang ako sa kwarto ng kubo at hindi pinapahalata sa kanila ang lahat. Buo na ang pasya ko. Para wala nalang gulo, susundin ko si mang Fermin. Bahala na kung hindi siya tutupad. Kahit anong pagdadasal ko naman, wala din eh. Sira na ang buhay ko. Hindi na maibabalik pa.
Andito na ako sa tapat ng kubo ni mang Fermin. Nag ingay nalang ako para mahalata niya na may tao. Pero parang walang tao sa loob. Nasaan ba siya? Ilang minuto din akong naghintay ng maramdaman kong may lumapit sa likod ko.
Pagharap ko nakita ko si mang Fermin. May dalang itak sa gilid ng pantalon niya. Kinabahan ako. Baka patayin niya ako. Hindi ako natatakot mamatay mula nang pansamantalahan niya ako. Pero nakakaramdam ako ng kaba dahil sa itak ako mamamatay.
"Buti at dumating ka!" Ngumiti siya.
Inayos ko ang buhok ko dahil nakakahiya ang ayos ko. Isa akong babae na balak ibigay sa lalake ang puri.
"Iniisip mo ba na hindi ako dadating?"
"Iniisip ko na baka patibong ang lahat ng ito kaya nagmasid ako sa paligid para malaman kong ikaw lang talaga ang nagpunta."
"Hindi mo na dapat ginawa pa. Tutupad ako sa kasunduan basta wag mo na akong guguluhin pa."
"Hindi ako makapaniwala na tutupad ka Magda. Pinasaya mo ako kaya tutupad ako. Huli na to at wala na akong balak pa sayo." lumapit siya sakin at hinawakan ako sa balikat.
"Ayoko lang ng gulo mang Fermin."
Pumasok kami sa loob ng kubo. Iba ngayon dahil walang pagtutol sa bawat kilos niya. Walang ingay. Wala na rin akong luha dahil naubos na kanina. Kung ano ang ginawa niya sakin ay ganun din ang ginawa niya ngayon. Medyo iba lang ng konti dahil malaya ang bawat pagkilos niya. Kung ano ang naramdaman ko nung una ay ganun din ngayon.
Nung una, iniisip ko. Ano ba ang pakiramdam ng isang babaeng nakikipagtalik? Ganito pala ang pakiramdam. Akala ko, dahil lang sa pagmamahal kaya nagagawang magtalik ng mga tao. At ang mga lalaki ay iba sa babae dahil nagagawa nilang manggahasa para lang makatalik ang babae. Nagagawa nilang magbayad para makatalik ang babae. Walang bayarang lalake at ginagahasang lalaki. Pero meron sa babae. Naisip ko, para sa lalaki lang ang pakikipagtalik.
Nag iba ngayon. Kaya pala si Rita ay gusto rin ang pakikipagtalik sa kasintahan niyang si Isagani noong nabubuhay pa ito. Akala ko mahal niya ito kaya ibibigay niya ang kahilingan nito. Ganun din ako kay Romano. Gusto kong ibigay ang sarili ko dahil mahal ko siya. Pero ngayon ko naisip na hindi lang pagmamahal kaya gusto ni Rita na makipagtalik. Ganito pala ang pakiramdam. Ibang iba sa inaakala ko.