ANGELA'S POV
Kakalabas ko lang sa hotel na pinanggalingan ko. Kailangan ko kasing makipag sex kapalit ng pera para pang dagdag sa kita. May sakit kasi ang nanay ko.
Gusto kong mabuhay ng malaya pero hindi ko magawa. Nakalimutan ko na ang pakiramdam ng maging normal na dalaga. Gusto kong magkaboyfriend para kahit papaano naman, sa taong gusto ko ako makikipag sex. Aaminin ko na gusto ko ang sex pero hindi ako ang klase ng tao na basta basta nalang nakikipag sex.
Basta hindi ko kailangan ng pera ay hindi talaga ako makikipag sex maliban nalang kung may boyfriend ako. Ang isa sa pinag papasalamat ko sa Diyos ay pinanganak akong maganda. Paano nalang pala kung pangit ako? Ano nalang ang mangyayari sa buhay at pamilya ko.
Mamamatay kaming dilat sa gutom.
Nasalubong ko si Marvin. Marumi ang damit dahil sa mantya pero napakalinis niyang tignan. Bukod soon, malinis ang pagkatao niya. Ang kisig at ang gwapo niya. Nakakhiya.
"Hi Angela."
"Hi."
Hindi ako makatingin sa kaniya kasi madumi akong babae. Oo hindi niya ako hinuhusgahan pero iba ang pagkakakilala niya sakin. Ang alam niya ay isa lang akong matinong entertainer.
"May pupuntahan ka ba?"
Puyat ako eh kasi wala pa akong tulog. Gusto ko sanang sumama kay Marvin dahil nararamdaman ko na isasama niya ako. Feeling ko ligtas ako kahit saan niya ako dalhin. Ewan ko ba, nararamdaman ko kasi sa kaniya na hindi siya gagawa ng kalokohan.
"Kailangan kong umuwi sa tinutuluyan ko."
"Magsimba muna tayo."
Hindi na ako nagdalawang isip na sumama sa kaniya dahil ayokong tanggihan ang isang magandang bagay. Nakalimutan ko nang magsimba dahil sa mga pinaggagagawa ko. Naguilty tuloy ako.
Ng matapos kaming magsimba ay kumaen muna kami.
"Angela. Alam kong maraming lalake ang nakapaligid sayo pero alam ko din na matino ka. Alam ko naman na hindi mo ako gugustuhin eh. Pero sana payagan mo naman akong mailabas ka kahit minsan lang pag sahod." Mula nung magkakilala kami, siguro naisip niyang matino ako.
"Okay lang Marvin. Kahit hindi ka sumahod pa. Papayag naman ako."
"Talaga? Nakakahiya naman."
"Alam kong tumutulong ka sa pamilya mo. Okay lang sakin kahit simba at mamasyal lang."
Pero hindi niya dapat malaman na nagbebenta ako ng katawan.
"Angela. Mabait ka pala talaga."
"Hindi ako mabait Marvin, gusto ko lang talaga ang tao na hindi ako hinuhusgahan."
Pero mali ang pagkakakilala mo sakin Marvin kaya hindi kita pwedeng maging boyfriend.
"Hayaan mo, pareho lang kasi tayo siguro. Sa totoo lang Angela. Hindi kasi ako makakilos ng ayos eh."
"Bakit?"
"Wala lang. Gustuhin ko man mag asawa. Ayokong pabayaan ang kapatid at nanay ko."
Pareho lang pala kami.
"Buti ka pa ganiyan. Yung iba nag aasawa pa kahit may anak pang dapat alagaan. Katwiran nila, hindi pwedeng mabuhay ng mag isa ang tao."
"Dipende yan, kung may pera ka, kahit ilan pang anak ang gustuhin mo. Pero kung hindi mo kaya. Ilagay mo lang sa tama."
Ang bait ni Marvin. Sayang lang at pinagtagpo kami sa maling panahon at sitwasyon. Bakit hindi nalang maging masaya kaming magkasama gaya ng ibang tao na nabubuhay sa mundo? Bakit ganito kami?
Nauunawaan ko ang Diyos kung bakit may katulad namin pero hindi parin mawala sa isip ko ang magtanong? Bakit nga ba may pinapanganak na walang paa at kamay? Bulag, pipi at bingi. Kung may katanungan ako, ano pa kaya sila?
***
ANYWAY'S POV
"Miss Jenny. Bakit hindi ko siya pwedeng kausapin?" Sabi ko kay Miss Jenny ng puntahan ko siya sa opisina niya.
"Kahit ako, hindi ko kilala ang writer niyan."
"Pero paano mo nadiskubre ang istorya?"
"Sa wattpad lang."
"Hindi ako naniniwala Miss Jenny."
"Puntahan mo ang AngelaMarie sa Wattpad. Malalaman mo."
"Baka ikaw ang author?"
"Kung ako ang author nun. Walang dahilan para itanggi ko yun."
"Paano ko siya makikita kung wala pala siya ni contact number?"
"Ang kulit mo?"
Umalis ako sa opisina niya at nagbukas ng wattpad. Nagulat ako sa nakita ko.
Halos walang nagbabasa nito. At iba ang sa libro. Ang daming mali dito na halatang hindi totong writer ang nagsulat. Edited pala ang libro.
Binasa ko at magvote ako. Nagcomment narin dahil maganda ang istoryang yun. Gusto ko lang naman magpasalamat sa kaniya dahil hindi nasayang ang 2M ni daddy. Bukod sa ako lang ang meron ng libro na yun. Wala pa palang ibang nakakabasa nun kundi kami lang ni Miss Jenny. Pero kailangan kong makita ang writer para sabihin na burahin niya ang account niya. Magbabayad ako ng kahit magkano. Gusto ko ako lang ang nakapagbasa nun at ayoko nang may makabasa pang iba.
Ano ang gagawin ko?
Pero parang true story ang pagkakagawa kahit fiction lang. Ano nangyari? Nagresearch ang writer about sa mga prostitution? Or may alam lang siya talaga sa ganung buhay?
Alam ko na.
May posibilidad na ganun ang trabaho ng writer. Halata kasi na hindi nakapag aral ang writer dahil si Miss Jenny ang nag ayos ng tamang grammar, yung original copy andaming typos.
Tama? Hahanapin ko siya at ako ang bahala sa kaniya.
***
Author's note
Pasensya na sa story ah. Kanya kaniyang trip yan. Mahirap kasi gumawa ng teen fiction eh. Hindi ko kaya yung ginagawa ng iba kaya kung ano lang ang alam ko. Ganun lang. Pero salamat sa konting nagbabasa.