Nasaan ka na ba Adonis. Ilang araw nang wala ka. Nangungulila ako sa'yo. Ngayon nakasilip ako sa bintana na hindi alam ang gagawin. Akala ko ba ililigtas mo ako?
"Magda!" Narinig ko matapos akong makarinig ng katok.
"Sige pasok."
Pumasok si Maricar. Siya lang naman ang kasundo ko. Lahat ng babaeng kasama ko ay mga kaibigan ko din pero dahil si Maricar ang una kong nakilala, siya ang pinakamalapit sa akin.
"Ano ang ginagawa mo?" tanong niya nang tumabi siya. Pareho na kaming nakasilip sa bintana.
Tumingin ako sa kaniya, "Hindi ka na ba nagsasawa?"
"Wala naman akong magagawa eh. Saka na siguro pag pwede na akong umalis. Sa ngayon kasi, kumikita pa sila sa'kin."
"Ganun din kaya ako? Kailan kaya 'yun?"
"Siguro kapag matanda ka na. 'Yung wala nang may gusto sa iyo."
Pero hindi pwedeng mamalagi pa ako dito nang matagal. Napaka bata ko pa. Kung sa pagtanda ko pa ako matatapos, parang buong buhay ko na ang ginugol ko dito.
Adonis, kailan ka dadating?
"Malaking pagkakamali ba sa tingin mo?" tanong niya.
"Oo, nagsisisi na ako."
"Wala din naman kasing kikitain sa labas. Maigi na dito. Nakakabili ako ng gusto ko."
"Pero paano pag nagmahal ka?"
"Wala nang magmamahal sa'kin."
"Bakit?"
"Oras na malaman niya ang trabaho ko, iiwas na siya."
"Kaya kailangang makaalis tayo."
"Paano?"
"Maghintay ka lang." Oras na tuparin ni Adonis ang pangako niya, isasama kita Maricar. Mabait ka.
"Hindi na ako aasa. Kuntento na ako sa buhay ko." Tumingin ako sa kaniya.
"Hindi pwede, Maricar. Kailangan mong sumaya."
"Masaya naman ako."
Ikinalungkot ko ang sinabi niya. Alam kong wala siyang kaligayahan ngayon dahil sa mga iniisip niya. Oras na makaalis kami dito, mararanasan niya ang tunay na kaligayahan sa piling ng mamahalin niya. Mabuti na lang dahil nakilala ko si Adonis. Kung hindi, wala akong dahilan para umalis dito.
Kinagabihan ay nagpakita sa wakas si Adonis. Kitang kita ko siya habang sumasayaw ako. Siya agad ang nilapitan ko. Nilapit ko ang dibdib ko sa mukha niya para landiin siya. Inuutos namam ni ma'am na gawin ko iyon sa taong mayaman. Pero ginawa ko kay Adonis. Nag iisa siya. Nakatingin ang lahat sa amin. Nakakainggit si Adonis dahil maraming lalaki ang naghahangad na malapitan ko. Pero tanging ang mayayaman lang ang nakakakuha sa katawan ko. Ang club na ito ay para sa mayayaman lang kaya kung hindi ka mayaman, hanggang tingin ka lang sa katawan ko. Hindi mo ako mahahawakan dahil kahihiyan sa loob ng club ang hindi magsabit ng pera sa maselang parte ng katawan ko. Bumunot ng pera si Adonis at isinilid ito sa dibdib ko. Kung hindi ko kilala si Adonis, baka nakatyempo ako ng lalaking nilapitan. Makapal ang papel. Interesado ako dahil baka may liham na kasama.
Hindi ako lumalapit sa hindi ko kilala para landiin dahil baka walang ibigay na pera. Ginawa ko ito kay Adonis dahil kilala ko siya. Hindi lang kilala. Mahal ko pa. Ang isa sa iniisip ko ay si Dalisay. Siguro napakaswerte ni Dalisay.
"Umalis ka na." bulong niya. Pero ayoko pa sana. Hinawakan ko ang hinaharap niya ng pasimple. Hindi ko ito ginagawa pero pwede naman kung mayaman talaga ang nilapitan ko. Unang beses kong gawin ito kay Adonis.
Tinawag na ako ng ibang lalaki. Ayoko! Andiyan si Adonis. Sa kaniya lang ako sakop ng mga mata niya. Nagpapaangkin ako kung hindi niya nakikita.
"Puntahan mo sila. Huwag kang mag alala. Ayos lang ako. Ako ang mahal mo at hindi sila." bulong niya uli.
Pero bumalik ako sa entablado at nagsayaw na lang uli. Tinapos ko ang sayaw ng makita ko si Adonis na umalis na. Bumalik ako sa kwarto.
"Magda, bakit andito ka na? Ang dami pang parokyano na gusto kang mahawakan," sabi ng isa kong kasama.
"Babalik ako."
Sumilip ako. Nakita kong ibang babae na ang nagsasayaw. Hindi pa ako tapos dahil marami pang mayaman ang nasa labas. Ako ang dahilan kaya nagpunta sila. Minsan, akala nila pinapasabik ko lang sila. Pero may kailangan akong malaman. Kinuha ko ang papel sa dibdib ko. Pera na may nakabalot na sulat. Sinasabi ko na nga ba.
Binuklat ko.
Magdalena
Mamaya, haharangin namin ang sasakyan niyo. Humingi ako ng tulong sa taong mapagkakatiwalaan ko. Dati ko siyang kaibigan. Kaibigan niya si Dalisay noon. Isa siyang mayaman na babae. Ayaw niya sa akin dahil mahirap lang ako. Pero di nagtagal, nagustuhan niya ako dahil nakita niyang masaya si Dalisay sa piling ko. Hinayaan na niya kami at hindi nagsumbong. Hindi ako malapit sa kaniya kasi salbahe siyang babae. Nung namatay si Dalisay ay nalungkot siya kaya naging mas mabait siya sa'kin. Wala na akong malapitan dahil lahat ng mga tao ngayon ay mahirap nang pagkatiwalaan. Siya si Awa. Salbahe man at mayabang ay hindi gumagawa ng nakakasuklam na bagay. Masama ang ugali sa mga tao pero ang lahat ng kinikita niya ay nasa matuwid na paraan. Wala siyang paki sa kahit ano pero nang humiling ako sa kaniya, pinagbigyan niya ako. Nagkwento ako ng ilang bagay sa kaniya kaya nakuha ko ang simpatya niya. Pababagsakin namin ang kompanya kung saan ka nagtatrabaho. Malaking pagpaplano ito dahil hindi nagkakalayo ang yaman ng may ari ng kumpanya niyo at yaman ni Awa. Kailangan lang na pag naitakas kita ngayong gabi ay makipagtulungan ka. Sinabi ko sa iyo ang lahat para madali na nating maisasagawa ang plano pag magkasama na tayo. Hindi tayo makapag usap kaya sinulat ko na lang. Oras na makasama na kita ngayon, huwag na tayong mag aksaya ng oras. May matutuluyan na ang mga magulang at anak mo. Ako ang bahala. Oras na malaman ng amo mo ang nangyari ay ipapahanap ka na niya at kikilos na ang mga tauhan niyang pulis. Kailangan natin ng mapagkakatiwalaang tao para may mata tayo sa ibang lugar. May mga kinuha ng tao si Awa. Sila na ang bahala sa iba pa. Pero kailangang malinis ang pagpatay sa ugat para walang maiwang ebidensya at maging malaya ang lahat. Oras na makuha kita, hindi pa tapos ang laban dahil sigurado akong gagawin nila ang lahat para mabawi ka o kung hindi naman ay mapatay ka. Kailangang pigilan ang transaksyon sa pera para hindi sila makakilos. Sa kompanya nila umaasa ang mga pulis kaya mahihirapan na mapatigil ang gawain nila. Pag namatay ang ugat, kailangang mabura ang mga naiwan. Oras na mag iba ang magpatakbo ng kompanya. Tapos na ang laban kaya ang isa sa mga plano ay bumuo ng isang kompanya sa panibagong pamumuno. Hindi lang isa ang papatayin. Kailangan ding mapatay ang utak. Pagkatapos ay mabubura na ang kaso kung may panibago nang pagkakakitaan ang mga pulis. Hangga't kumikita ang mga alagad ng batas, hindi sila titigil sa pagbigay ng tulong sa taong nagbibigay sa kanila ng tulong. Oras na mawala ang utak, hindi na ito kayang patakbuhin ng mga natirang tao. May pera sila pero unti unti na itong mawawasak hanggang mapalitan ng bago. Oras na mapatay ang utak at ang may ari. Kailangang magpatayo na ng maliit na kumpanyang sasakop sa negosyo nila. Lalabanan at unti unting kukunin lahat ng tao. Dahil wala nang utak, mahihirapan silang resolbahan ang magiging prolema. Hanggang sa masira sila. Hanggang sa hindi na kumilos ang mga pulis para hanapin ko o ang mga ibang alagad. Mabubura ka na kaya magiging malaya ka na. Pero hindi ganoon kadali. Dadaan tayo sa butas ng karayom dahil mahirap hanapin ang utak. Ang may ari ay kilala na natin. Ingatan mo ang sulat na ito upang maging malinis ang gagawin natin ngayon. Ang mahalaga ang mailigtas ka dahil kung hindi, mabubuhay ka sa bangungot gaya ng ibang babae. Huwag kang mag-alala. Ang ipapalit ay bubuwagin din oras na mawala ang dating kompanya. Magiging malaya ang mga babae maliban nalang kung ginusto uli nilang mghanap buhay sa ganoong paraan. Di magtatagal, ang kasuklam suklam na kompanya ay mawawala na dahil wala nang tao ang kayang patakbuhin ang ganoon kalakas na negosyo. Mag iiba na ang ikot ng mundo. Ang mga babaeng nagbebenta ng aliw ay magkakaroon na ng kalayaang mamili ng magiging buhay nila. Ano mang oras ay pwede na silang umayaw sa trabaho kung gusto nila. Hindi mawawala ang ganoong uri ng trabaho pero malaya na ang lahat. Intindihin mong mabuti. Walang labis, walang kulang para maisagawa ang plano. Mahal na mahal kita. Gagawin ko ang malaking pagpaplanong ito para sa'yo at para na rin sa ibang babae na walang pinag iba sa mga bilanggo.
Adonis