[Prostitute] Ang pakikipagkita Kay Awa

9.1K 113 5
                                    

Kinausap ko si Maricar. Gusto ko siyang isama pero tumanggi siya. Ayaw niyang gumawa ng kalokohan. Tapat siya kay Madam. Ayaw niyang umalis dahil wala nang mangyayari sa buhay niya. Mas masaya siya dito. Nakakaawa naman siya. Hindi niya mararanasan ang magkaroon ng pamilya. Sariling pamilya kasama ang asawa't anak niya. Oo masaya siya pero mas masaya ang malaya. Oras na para magsara. Madaling araw na. Isasakay ako sa kotse. Kinakabahan din ako sa mga oras na ito. Sana maging matagumpay ang pagtakas sakin ni Adonis.

Napansin kong habang umaandar ang kotse ay may kotse na tumabi sa kotse namin. Bigla itong nauna. Alam kong siya na si Adonis. Kinabahan ako lalo. Tatlong lalaking gwardya ang kasama ko na may dalang mga baril kaya natatakot ako. Nagulat ako kasi may bumangga sa likod ng kotse namin. Napasubsob ako sa upuan sa harap at biglang pumreno ang kotse namin dahil may humarang na kotse. Nagsibabaan ang kotse sa harap at tinutukan ng baril ang driver namin. Walang nagawa ang mga lalaking kasama ko dahil. Binuksan ang kotse at nakita ko si Adonis. Siya ang kumuha sa akin.

"Adonis!" banggit ko sabay yakap sa kaniya.

Sumaya ako pero kinabahan din. Hindi ko alam kung magtatagumpay kami. Ang isa sa kinatatakot ko ngayong gabi ay baka magsumbong si Maricar. Kahit isumbong niya ako, nakatakas na kami. Sana kasama ko siya ngayon para makalaya. Alam kong nasa ligtas na lugar na ang mga magulang ko kaya hindi na ako nangangamba pa para kay Monalisa. Nasasabik na akong makita ang anak ko.

"Nasaktan ka ba?" tanong ni Adonis habang umaandar ang kotse.

"Medyo pero alam ko naman na sinadya niyo 'yun. Hindi ko napaghandaan pero wala na sa'kin 'yun."

Hinaplos niya ang ulo ko. Nakarinig kami ng putukan at ang kotse namin ay biglang mas lalo pang bumilis. Kinabahan ako. Mukhang sinumbong nga ako ni Maricar. Huli na ang pagsumbong niya pero malaking tulong 'yun para mapaghandaan nila ang pagtakas ko kahit sa saglit na oras lang. Mabuti na lang ay hindi nila masyadong napaghandaan.

"Yumuko ka Magda!" utos ni Adonis at nilabas ang baril niya. Dalawang kotse ang dala namin pero nasa unahan kami. Nasa likod ang mga bumabaril. Takot na takot ako.

Sobrang bilis ng kotse namin. "Adonis, natatakot ako!"

"Huwag kang matakot."

"Yumuko ka. Baka tamaan ka." Panay ang barilan sa likod. Iniliko ang kotse namin. Nawala ang mga humahabol. Kinakabahan parin ako dahil may naririnig akong putukan sa ibang lugar.

"Iliko mo kung saan saan para mailigaw sila. Baka masundan tayo!" sabi ng isang lalaki sa driver namin. Apat kaming magkakasama. 'Di nagtagal. Nawala na ang putukan. Tumigil kami sa isang lugar. Medyo liblib na lugar. Dumating ng isa pang kotse. Napansin kong may tama ng baril ang isang lalaki. Naawa ako kasi sinakripisyo pa nila ang buhay nila. Buti walang namatay.

"Nakakapagtaka dahil parang alam nila agad na may sumabotahe sa kanila. Dapat mabilis tayong nakalayo." sabi ng isang lalaki. Tama nga siguro ang hinala ko. Nagsumbong si Maricar. Nagsisisi na ako.

"Hindi ko din alam." sabi ni Adonis.

"Adonis." niyakap ko siya. "Patawarin mo ako. Sa kagustuhan kong itakas si Maricar, nabanggit ko sa kaniya ito.

"Di ba sabi ko sa'yo huwag mong ipagsasabi?"

"Patawarin mo ako."

"Buti nakatakas tayo."

Niyakap ko siya. Pumasok kami sa isang bahay.

"Nasaan ang nanay at tatay ko?" tanong ko kasi baka puntahan sila.

"Nasa ligtas sila. Bukas na natin sila makikita."

"Kaninong bahay ito?"

"Isa ito sa bahay ni Awa. Dito talaga kita dadalhin para magpalipas ng gabi. Kasama ko ang ilan sa tauhan ni Awa. Makikilala mo si Awa bukas."

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon