[Prostitute] Sugo Ng Diyos

7.3K 142 7
                                    

May isang mahabang mesa. Marami kaming nagsasalo salo. Ang ilang mga kababaihan na medyo kilala ko na. Madali naman silang makagaanan ng loob kahit apat na araw pa lang ang lumilipas. Karga ko si Monalisa habang nag-uusap usap kami.

"Alam mo, Magdalena, akala talaga namin hindi na namin makikita pa si Dalisay, pero dahil sa iyo, parang nabuhay uli siya." sabi sa akin ng isa.

"Ilang taon na ang lumipas. Siyam na taon na." 'yung isa naman.

Sumagot ako. "Siguro, labing isang taon lang ako noon."

"Ang bata mo pa pala."

"Oo, pero naransan ko na ang hindi pa nararanasan ng pangkaraniwang babae. Nung una, nagsisi ako dahil hindi ako nagtiwala sa Diyos. Sa murang edad ko, nabuntis ko. Akala ko'y katapusan na ng lahat. Kaya gumawa ako ng paraan para mabuhay ang anak kong ito." sabi ko at humalik ako kay Monalisa. Nakikita ko ang mukha ni mang Fermin sa kaniya. Alam kong dapat ko nang kalimutan pero paano ko magagawa kung medyo kahawig din niya ang batang ito?

"Hindi namin alam kung ano ang pinagdaanan mo pa. Ang alam lang namin ay para kang nakakulong. Miski ang magulang mo ay wala ding alam."

"Hindi ko pinaalam pero kailangan nilang malaman para hindi sila magtaka kung bakit sila dinala dito ni Adonis. Kailangan niyo din na malaman." Tahimik lang sila na gustong makinig sa akin. Alam kong may alam na sila dahil wala ako ngayon dito kung hindi ako gustong iligtas ni Awa. Iisa lang ang dahilan ng lahat. Isa akong biktima na gustong iligtas dahil kamukha ko si Dalisay. Kailangan ko din na ipagpasalamat na kamukha ko siya. Sisimulan kong sabihin ang naintindihan ko. "Alam niyo, may dahilan ang lahat kaya nangyayari ito. Kung hindi nangyari ito, malamang hindi ko kayo makikilala. Hanggang ngayon ay hindi parin ako umaalis sa lugar namin. Simpleng buhay lang ang meron kami na hindi tulad na dinadanas ko ngayon. Malaki ang tiwala ko sa Panginoon natin pero bakit ko nagawang ibenta ang sarili ko? Bakit ako ginahasa? Bakit nangyari sa'kin ang kahindik hindik na bagay? May dahilan ang lahat. Ngayon ko naiintindihan kung bakit naging impyerno ang buhay ko. Hindi impyerno ang pinuntahan ko. Parang isa akong sugo ng Diyos dito sa lupa, para iligtas ang maraming babae. Hindi nagkataon lang na kamukha ko si Dalisay, hindi nagkataon lang na naging duwag ako, at higit sa lahat, hindi nagkataon lang na kahawig ng dati kong kasintahan na si Romano si Adonis. May dahilan ang lahat." Pumikit ako. "Sinadya ng Diyos ang lahat."

"Pero, Magdalena, paano ka nakakatiyak?"

"Matagal na panahon nang maraming babae ang nagbebenta ng aliw sa kumpanyang pinasukan ko ngayon. Walang kumokontra dahil malakas ito. Pera ang kailangan para mapabagsak ang akala mong impyernong lugar na iyon. Iisa lang ang pag-asa, isang makapangyarihang tao. Pero paano mangyayari kung bukod sa pag aaksaya ng panahon ang makialam sa negosyo ng iba, wala din namang mapapala. Ang mga tao ngayon ay makasarili. Wala nang bayani na nabubuhay ngayon. Pero dahil sa pag-ibig, kayang gawin ang mga bagay na hindi ginagawa ng isang tao. Hindi nagkataon ang lahat. Sinadya ng Diyos na mapunta ako sa lugar kung saan gusto niyang makalaya ang kawawang mga babae. Hindi niya pwedeng gawing dahilan ang isang mayaman na may malasakit sa kapwa dahil hindi malakas ang magiging kapit ng damdamin kung walang ibang dahilan. At dahil mamahalin ako sa katauhan ni Dalisay, magagawa ng magulang nilang iligtas ako na parang niligtas na din nila ang ibang babae dahil buong kumpanya ang pababagsakin nila para mailigtas ako. Hindi ko tinatanggap na isa akong sugo mula sa langit pero naniniwala akong ako ang instrumento para mailigtas ang maraming babae. Sinadya ng Diyos na ipanganak akong kamukha ni Dalisay at masira ang buhay upang maisip kong magtrabaho kung saan gusto niyang iligtas ang mga babae. Naniniwala akong magtatagumpay si Adonis. Dahil nasa amin ang awa ng Diyos. Sinadya din ng Diyos na umibig si Dalisay kay Adonis para ang isang Dalisay ay mahalin ng katulad ni Adonis. Ayokong sabihin na sinadya ng Diyos na mamatay si Dalisay pero ang Diyos ang bumawi sa buhay niya. Marahil, isa nang Anghel si Dalisay kaya walang masama kung isipin nating binawi na ng Diyos ang buhay niya. Sobrang minahal si Dalisay ng mga magulang niya kaya nang makita nila ako, minahal din nila ako. Ang pagmamahal na yun ang magiging susi para iligtas ang marami. Nagtataka ako noong una kung bakit parang pinaparusahan ako ng Panginoon. Pero ngyong nakita ko ang pamumuhay sa kumpanyang pinasukan ko, saka ko naisip na walang sino man ang maiisip na iligtas ang mga babae doon. Ano nalang ang mangyayari kung kami ni Romano ang nagkatuluyan? Hanggang ngayon walang katiyakan ang paglaya ng mga babae. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa Diyos dahil ginawa Niya akong susi para mawala ang kumpanyang kinamumuhian Niya. Ako ang napili Niya. Pero hindi ko Siya iniwan. Nagdasal parin ako. Hindi ako nawalan ng pag-asa dahil alam kong nakikita Niya ako. Malakas parin ang kapit ko sa Kaniya. Kaya ko sinasabi ang lahat ng ito ay para hindi kayo maawa o husgahan ako sa ginawa ko. Ginawa kong magtrabaho sa ganoon dahil para mabigyan ng magandang buhay si Monalisa. Akala ko, trabaho lang ang magbenta ng katawan. Ang hindi ko alam, habang buhay ko na palang magiging trabaho yun. Hindi pinaunawa ng Panginoon sakin ang kinalalabasan dahil plano Niyang iligtas ang marami."

Ngumiti ako. Walang dahilan para sisihin ang Panginoon sa mga nagaganap na kamalasan dahil may dahilan ang lahat. Kailangan lang nating kumapit sa Kaniya para sa huli, ligaya at hindi luha ang makukuha natin.

"Magdalena, humahanga ako sayo. Kung sa akin mangyayari 'yun, baka magpakamatay na lang ako dahil sa kahihiyan. Isa kang halimbawa ng isang malakas na babae at naniniwala akong hindi ka duwag. Siguro nga'y tama ka Magdalena. Ikaw ang sugo mula sa Langit. Sama sama tayong magdasal para maging matagumpay ang pagpapabagsak sa kumpanya na kinamumuhian mismo ng Diyos." Natuwa ako sa pahayag ng isa sa mga kababaihan na kasama ko.

"Sinadya din niyang maging salbahe si Dalisay para ipaunawa sa inyo o sa lahat na hindi lahat ng masasama ay hindi na magbabago. Si Dalisay ay umibig kay Adonis na kamukha ni Romano at si Adonis ay umibig sa'kin na kamukha naman ni Dalisay. Napakaperpekto basta ang Diyos ang nagpasya. Kailangan nating lahat tanggapin na may Panginoon na handa tayong iligtas. Ang sinapit ng iba sa inyo sa kamay ni Dalisay ay hindi pwedeng isama sa susunod pang henerasyon dahil kailangan na itong kalimutan. Mas matindi pa ang dinanas ng mga tao noon nung hindi pa nabubuhay si Kristo. Sa aking pagbabasa ng Biblia ay maraming tao ang naghirap sa panahon ni Moises. Basta huwag kang bibitaw sa pananampalataya, makakamit mo ang kaligtasan. Kung ang ilan sa inyo ay nagkaroon ng galit sa Diyos, malamang hindi Niya kayo ililigtas. Pero sa katauhan ni Adonis, nailigtas ang ilan sa inyo na nakaranas ng pagmamalupit. Kaya naniniwala akong sa katauhan ni Adonis, ililigtas muli ang marami."

Napaiyak ang isang nanay na nakikinig sa'kin. Nagsalita siya. "Isa ako sa biktima noon. Pero ngayon, maligaya na ako. Ngayon ko lang naisip na dahil sa pagdadasal ko kaya naging maayos ang pamumuhay namin. Salamat sa pagpapaunawa Magdalena. Alam kong hindi ako iniwan ng Diyos. Dahil sa ginawa sa'kin ni Dalisay noon, naging matatag ako at kumapit sa Diyos. Hindi na kasi kami kayang iligtas pa ng kahit na sino. Isang mahika na umibig si Dalisay kay Adonis kaya ngayon ay nagpapasalamat ako dahil sa paghihirap naming iyon ay natuto kaming lumapit sa Diyos."

Natuwa ako dahil naintindihan niya ang gusto kong iparating. "May dahilan ang lahat." Ngumiti ako. "Hindi naman ako isang perpektong babae sa ngayon dahil may kasalanan parin ako sa Diyos. Ako'y tao lang na nangangailangan ng lalaki kaya hindi ko kayang hindi gumawa ng kasalanan. Kahit hindi pa kami ikinakasal ni Adonis ay nakikipagtalik na ako sa kaniya at nagbenta ng katawan. Isa sa utos ng Diyos na huwag makiapid sa hindi mo asawa. Dahil sa pag aakalang sira na ang buhay ko. Binigay ko ang katawan ko kay Adonis ng libre dahil mahal ko siya. Kamukha niya si Romano kaya ko siya minahal. Kung hindi niya kamukha si Romano, baka hindi ko siya gustuhin dahil wala akong minahal na lalaki. Magpapakasal na kami sa pagdating niya. 'Yun ang aking hiling na siguradong pagbibigyan niya ako. Pagbibigyan din ako ng mga magulang ni Dalisay. Dito ko na planong tumira habang buhay kung magtatagumpay ang misyon. Mamahalin ko ang ama at ina ni Dalisay upang pagtanaw ng utang na loob. Sila ang gagawin kong pangalawang magulang dahil isa sila sa ginamit ng Panginoon upang iligtas ang maraming babae."

Hindi ko din alam kung paano ko nasabi ang lahat ng iyon ng hindi ayon sa plano ko. Basta naintindihan mo ang isang bagay, kusa na itong lalabas sa bibig mo dahil tinutulungan ka ng Diyos. Sa ngayon, hinihintay ko ang pagbabalik ni Adonis. Sana naging masaya siya pero hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan niyang magpanggap na si Romano?

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon