ANYWAY'S POV
Nagmamadali ako ngayon. Nung una ay tutol ako kay Angela pero ngayon, buo na ang loob ko. Masyado na akong kinain ng kalungkutan at kung hindi ako magmamadali ay baka mahuli na ang lahat. Isang Linggo na ang lumipas, umalis na kahapon lang si Angela dahil pinauwi na siya ng asawa niya. Sa isang Linggo naming naging magkasama ay naaliw ako kahit medyo malungkot. Ngayong wala na si Angela ay nilamon na ako ng pangungulila. I'm lonely. I have nothing now and it will ruin my life. Why I can't wait to move on. Hindi ko kaya.
At dahil alam ko naman probinsya ni Saul ay ako na mag-isa ang pumunta. Madali lang naman alamin kung saan mismo dahil kumpleto ang nakita kong address. Madali din na magtanong kung nandoon na ako. Ikakasal na siya sa iba, pero ako ang mahal niya. Parang napapanood ko sa TV.. Ang kaibahan lang ay ako ang mayaman.
Hanggang ilang oras na ang lumipas ay sa wakas nakarating din ako. Sinadya ko talagang mamasahe para hindi mahirap puntahan ang address. Naniniwala akong hindi ako mapapahamak dahil nasa puso ko ang Diyos even I don't know if He likes what I am doing now.
Nakasulat ito sa papel kaya madali akong maihatid ng taxi. Nakarating kami sa palengke.
"Ma'am, maghanap kayo ng masasakyan niyong tricycle para makarating diyan." sabi sakin ng taxi driver.
"Salamat po." Medyo hindi ako sanay sa palengke. Naglakad ako. Magtatanong nalang ako.
May napagtanungan ako. Pinakita ko ang address. "Sumakay po kayo doon." tinuro ng tindera ang mga nakapilang tricycle. Mukhang alam na alam niya ang lugar. Naisip kong itanong si Saul kung kilala niya.
"Yung kaibigan ko po sa kabila, taga diyan sa lugar na yan. Wait lang po, tatawagin ko."
"Sige, maraming salamat."
Maya maya lang ay dumating ang babaeng kaibigan niya.
"Opo kilala ko yan si Saul. Bakit po."
Natuwa ako kaya eto kami ngayon na sabay sumakay ng tricycle. Buti nalang mabait ang amo nila. Ako na ang bahala sa kabaitan nila kahit hindi ako sure kung magiging maganda ang kinalabasan ng lahat. Swerte ako at may napagtanungan akong kakilala ni Saul. Ang mahalaga ngayon ay makita ko siya. Hindi na importante ang sasabihin niya. Malamang, kagagalitan niya ako o ano man. At ang pinakamagandang balita ay wala naman palang girlfriend si Saul. Pero mukhang conservative ang family niya.
Kaya ko to. Ako ang bahala. Kahit ano pang sabihin ni Saul sa ginawa ko ay tatanggapin ko basta matuldukan lang ang lahat. Pagbaba palang namin ay nakaramdam na ako ng kaba. Halos saulado ko na ang mukha ni Saul pero ngayon ay kinakabahan ako sa muli naming pagkikita. Mukhang alam ko na ang mangyayari. Magtataka at magagalit siya dahil hindi kami bagay. Wala naman akong magagawa. Ito ang gusto ng puso ko. Ito ang kailangan kong gawin para sumaya kahit saglit lang. Bonus pa kung kami ni Saul ang magkakatuluyan.
"Hintayin mo ako dito. Tatawagin ko lang siya." sabi ng kasama ko at tumayo ako sa isang tindahan. Mas gusto ko kasing maghintay kesa dumiretso mismo sa bahay agad. Nakakahiya sa parents niya dahil wala pang explanation.
Baka sabihin nila babae pa ang nagpupunta sa bahay nila. Lalong magalit si Saul. Pero bahala na. Naghintay nalang ako hanggang napansin ko na siya. Syempre kahit malayo kilala ko siya. Walang gaanong tao sa lugar nila. Walang masyadong sasakyan. Di gaya sa lugar namin. Masyadong mapayapa. Malakas ang hangin. Napansin kong bumilis ang lakad niya papalapit. Nakahanda ako. Kahit ano pang sabihin niya, hindi pwedeng nakatayo lang ako o nagmumukmok sa kwarto ko. Gusto kong sumaya. Hindi niya ako masisisi. At dama naman namin ni Angela na mahal niya ako. Bilang babae, nagkakapareho kami ng nararamdaman.
Hanggang sa tumigil siya sa harap ko.
"Saul." I said it silently pero sapat na para maintindihan niya ang bukang bibig ko.