[Prostitute] Ang Pagbabalik Ni Adonis

4.6K 58 15
                                    

Nakita ko si Adonis kaya nagmamadali akong lumapit sa kaniya. Salamat at ligtas siya pero hindi pa ako nakakalapit gaano ay nagsalita siya. "Magdalena, kamusta?" Nagtaka ako kasi para siyang estranghero. Teka, bigla akong napahinto. Hindi siya si Adonis.

"A-Adonis?"

"Hindi ako si Adonis." Lumapit siya sakin. "Magdalena, matagal din tayong hindi nagkita."

"Romano?"

"Oo, ako nga."

Nabigla ako. Hindi ko akalain na magkikita pa kami. Paano niya nalaman na nandito ako?

"Kamukhang kamukha mo si...." Hindi ko maituloy. Hindi ko alam kung kilala niya si Adonis o hindi.

"Oo kamukha ko siya."

"Kilala mo siya?"

"Dahil kapatid ko siya."

Ano? Kambal sila? Hindi ako makapaniwala. Bakit hindi sinasabi sakin ni Adonis? Maniniwala ba ako?

"Pe-pero, wala akong alam."

"Hindi ka ba natutuwa?"

"Hindi ko alam."

"Magdalena, andito ako para makipag ayos sayo. Akala ko'y may papalit na babae na mas mamahalin ko pa kesa sayo. Pero kagkamali ako."

"Romano..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano bang gusto niyang palabasin?

"Inaalala mo ba si Adonis?" Hindi ako makasalita. "Handa akong tanggapin ka Magda. Huwag mo nang isipin pa ang kapatid ko. Minahal mo lang naman siya nang dahil sakin diba? Ako ang dahilan dahil kamukha ko siya."

"Pero Romano, isa lang naman yun sa dahilan--"

"Ako ang mahal mo Magdalena."

"Pero matagal na panahon na tayong wala."

Lumapit siya sakin at hinaplos ang ulo ni Monalisa.

"Oo pero kaya lang kita hiniwalayan ay dahil masakit sakin ang lahat. Sana ay naghintay ka pa."

"Pero wala akong ipangbubuhay kay Monalisa."

"Oo alam ko. Medyo hindi ko siya matanggap. Pero ngayong nakapag isip na ako. Tatanggapin uli kita kung babalikan mo ako." Yung pisngi ko naman ang hinaplos niya. Pakiramdam ko'y nagtataksil ako kay Adonis. Ano ang gagawin ko. Malapit na siyang makabalik. "Alam kong lahat ng pinagdaanan mo. Alam ko kung bakit ka nandito. Mula umpisa hanggang ngayon. At ano ba ang magagawa ng pagmamahal mo kay Adonis kung itsura lang ang minahal mo sa kaniya."

Nilayo ko ang mukha ko kay Romano. "Romano, binuwis niya ang buhay niya para sakin."

"Ganoon din ang gagawin ko. Magdalena, naaalala mo ba ang masayang pinagdaanan natin? Nagsisisi na ako kung bakit kita iniwan. Kung binigyan mo lang sana ako ng panahong makapag isip, sana ay tayo parin ngayon." Hinawakan niya ang balikat ko. Hindi ako makakilos. "Ngayon ko papatunayan na mahal kita. Hindi ko inisip na pwede kang mapahamak noon. Sana pala inintindi ko ang sitwasyon. Hindi pwedeng isisi sayo ang lahat. Sa ilang taon kong hindi ka nakikita, ikaw parin ang mahal ko. Minahal ka lang ni Adonis dahil kamukha mo ang dati niyang kasintahan na si Dalisay. At minahal mo siya dahil kamukha ko siya. Pero kung iba ang itsura niyong dalawa, sa tingin ko'y hindi kayo magmamahalan. Ako parin naman ang mahal mo diba?"

Naalala kong nakalimutan kong magkamukha sila. Tanging si Adonis na ang minahal ko. Pero ano ba itong nangyayari? Hindi ko pwedeng iwan si Adonis.

"Hindi ko kayang gawin Romano. Masasaktan si Adonis."

"Pero ang katotohanan ay katotohanan. Patay na si Dalisay pero buhay pa ako. Ako ang totoong nagmamahal sayo. Minahal ka lang ni Adonis dahil kay Dalisay," Nilapit niya ang mukha niya. Hinaplos niya ako sa leeg. "Ako ang totoong mahal mo. Maniwala ka Magdalena. Kaya kitang mahalin uli. Masyado akong nalungkot, nagsisi dahil sa galit. Pero tanggap kita Magdalena. Kahit ilan pang lalaki ang dumaan sayo. Nag iisa ka. Kahit hindi natin natupad ang magpakasal. Mananatiling nagmamahalan tayo. Tatanggapin ko na wala ka na kung hindi si Adonis ang minahal mo. Pero naniniwala akong itsura lang ang minahal niyo sa isa't isa. Nagsusumamo ako Magda," Kinuha niya ang kamay ko't hinalikan. "Tayo talaga ang nagmamahalan."

Nakatingin lang ako. Kakambal o kapatid niya si Adonis. Hindi malayong kilala niya si Dalisay. Paano nangyari ang lahat?

"Magulo pa ang isip ko. Romano, mahal ko si Adonis. Hindi na ako nararapat sayo dahil marumi na ako sa paningin mo. Magkaiba kayo ni Adonis."

"Talagang magkaiba kami. Tinanggap ka niya dahil nahahawig ka kay Dalisay. Kaya malinis ka sa paningin niya. Hindi ako nakakita ng katulad mo Magda dahil nag iisa ka lang sa puso ko. Magkaiba kami dahil dalawa kayo ni Dalisay sa buhay niya. Pero ako ang nag iisa sa puso mo kaya mo siya minahal."

Hindi totoo yan. Lumayo ako ng bahagya. Ang totoo lang ay ang itsura. Pero totoong mahal ako ni Adonis dahil handa siyang mamatay para lang sakin. Ganun din ako sa kaniya. Lumingon ako sa paligid. Walang masyadong tao. Ako at itong si Romano lang ang nandito.

"Mahal ko si Adonis." Tumingin ako kay Romano. "Sana noon mo pa sinabi ang lahat ng yan. Huli na ang lahat Romano. Kinalulungkot ko. Kung noon ay hindi mo matanggap, hindi ko din kasalanan kung hindi ko hinintay na makapag isip ka. Huwag mong isisi sakin kaya ka nagsisisi ngayon. Hindi ko pwedeng talikuran si Adonis. Oo, kamukha mo siya. Kaya mahal ko siya sa unang kita ko palang. Iba ang nging epekto niya dahil sayo. Pero hindi maikakaila na siya ang nagligtas sakin. Kamukha ko man si Dalisay ay wala na akong pakialam doon. Ang mahalaga'y napatunayan kong mahal niya ako bilang si Magdalena. Si Monalisa ay isang ala ala ng nakaraan. Hinding hindi mo siya matatanggap ng buo pero nakayanan ni Adonis dahil wala siyang kinalaman sa nakaraan ko."

Nagkatitigan lang kami. Maya maya'y umiyak na si Monalisa. Pinatahan ko siya pero hindi ko magawa. Hindi ko pwedeng talikuran ang kaharap ko dahil naiintindihan ko siya. Baka lalo lang siyang masaktan. Kilala ko sila ni Adonis. Pareho silang matapang at marunong lumaban. Baka mag away pa sila. Hindi ang pag iyak ni Monalisa ang magiging dahilan para saktan ko si Romano. Dahil ramdam ko ang sakit ng talikuran ng isang taong mahal na mahal mo. Nanatili akong nakatayo sa harap niya.

"Umiiyak na siya," Hinaplos niya si Monalisa at unti unti itong tumahan. "Wala siyang kasalanan sa lahat ng tao maging sa tunay niyang ama. Wala din kasalanan si Fermin sa kaniya. Siya ang likha ng Diyos ayon sa nasusulat sa libro na hindi pa nagagawa. Naniniwala na ako ngayong mahal mo ang kapatid ko. Oo mahal pa kita Magda pero inaalala ko lang si Adonis. Sinubukan lang kita dahil baka nababalot ka ng nakaraan. Napatunayan kong totoo mo siyang mahal." Hindi ako makapaniwalang sabi ni Romano. Ngumiti pa siya. Hinalikan niya sa noo si Monalisa. "Kikilalanin ko siyang tunay na pamangkin dahil alam kong kikilalanin siya ni Adonis bilang tunay na anak."

Hindi ako ngumingiti pero bigla akong nabuhayan. Akala ko magkakaroon ako ng problema.

"Maraming salamat Romano."

"Aalis na ako. Bumalik ka na para pakainin ang anak mo. Babalik din ako sa lugar natin. Matagal na din akong hindi nakakauwi."

Bigla kong naalala ang pagpapanggap ni Adonis.

"Alam mo bang bumalik doon si Adonis?"

"Oo," Ibig sabihin, hindi talaga nagpanggap si Adonis? Hindi ako makapaniwala. Naglalakad papalayo si Romano. Aalis na siya. Nakaramdam parin ako ng lungkot lahit papaano. Umuwi ako.

Gabi na pero laman parin ng isip ko ang lahat. Hindi ako makapaniwala. Totoo kaya ang sinasabi ni Romano? Pero ang isa sa kinatuwa ko ay maayos na kami, wala nang pagpapanggap at higit sa lahat... hindi sila iisang tao lang. Pero hindi pa bumabalik si Adonis. Wala na akong pakialam kung nagkataon ang lahat. Wala na din akong pakialam kung hindi sakin sinabi ni Adonis ang lahat. Baka may dahilan siya. Pero nakakapagtaka parin na parehong itsura ang dati nilang kasintahan. Si Magdalena at Dalisay ay magkamukha. Hindi kaya may kailangan pa akong malaman? Hindi kaya nagkataon lang. Hindi kaya sinadya nilang gawin yun? Masasagot yan sa pagbabalik ni Adonis.

Nakatulog din pala ako. Gumising ako ng maaga. Naalala ko na naman si Romano. Medyo maganda na ang pakiramdam ko dahil napatunayan kong baliw si Semyong. Hindi totoo ang mga sinabi niya. Bumangon ako pero pagbukas ko ng pinto ay madilim pa pala sa labas. Dala na din siguro ng nasa isip ko kaya pagmulat ng mata ko ay hindi na ako makatulog. May narinig akong mga boses sa labas. Hindi ko na tinignan dahil baka mga kalalakihan lang iyon na nagkakasiyahan. Uminom ako ng tubig. Hindi pa pala oras para magising. Bumalik ako sa kwarto. Nag isip at pumikit. Maliwanag na ng magising ako. Iniwan ko si Monalisa kahit gising na siya. Ikukuha ko siya ng gatas. Pero sinalubong ako ng kasambahay.

"Gising ka na pala Magda." Nakangiti siya. "Sa mga oras na ito ay tulog pa si Adonis. Dumating siya kagabi." Ay kaya pala. Dapat pala pinuntahan ko sila. "Pasensya na dahil hiniling ni Adonis na huwag kang gambalain sa pagtulog mo." Bigla akong sumaya.

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon